SANDRA CAM, 6 PA PINAKAKASUHAN NG MURDER

PINAKAKASUHAN ng Department of Justice (DOJ) ng murder si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam at anim na iba pa kaugnay sa pagpatay sa vice mayor ng Batuan, Masbate noong 2019. Nabatid na nakitaan ng “probable cause” ng DOJ para kasuhan si Cam, kanyang anak na si Marco Martin Cam, gayundin ang mga indibidwal na sina Nelson Cambaya, Junel Gomez, Bradford Solis, Juanito de Luna, at Rigor dela Cruz. Kaugnay ito sa pagkamatay ni Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson. Matatandaan na inambush at napatay si Yuson…

Read More

PANDEMYA SA PINAS MAGTATAGAL

MATAGAL pa ang laban ng Pilipinas kontra coronavirus pandemic dahil sa patuloy na pagsirit ng bilang ng kaso nito sa bansa. Sa kanyang Talk To The People, pinaalalahanan ng pangulo ang publiko na ang buong mundo ay nahaharap sa hindi nakikitang kalaban kaya’t ang laban sa virus ay hindi pa magtatapos “anytime soon.” “You know we are facing an enemy that cannot be seen. We are facing an opponent where there is no sight at end,” ayon sa pangulo. “We are facing a turmoil not only in the Philippines but…

Read More

COVID CASES SA LABAS NG NCR PLUS BINABANTAYAN

WALA pang nakikita ang Malakanyang na konklusyong apektado na rin ang health care utilization sa labas ng NCR plus. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, patuloy ang ginagawa nilang pagbabantay sa mga datos at wala pa naman sa gayung estado ang iba pang rehiyon ng bansa. Ang paglobo aniya ay nasa NCR Plus kaya’t ang response concentration nila sa kasalukuyan ay nasa mga area na nasa ilalim ng Metro Manila plus. “Sa ngayon po binabantayan naman po natin ang datos at wala pa naman pong ganoong conclusion ang nakikita natin…

Read More

Duterte pumiyok sa ‘di maawat na COVID-19 cases MARAMI PANG MAMAMATAY

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na marami pang mamamatay dahil sa COVID-19. Sa kanyang Talk To The People, Huwebes ng gabi ay sinabi ni Pangulong Duterte na dahil unavailable ang bakuna at walang sapat na suplay para makapagpabakuna ang buong mundo ay naniniwala siyang marami pa ang mamamatay. “Wala sana ang virus kung mayroong vaccine na available,” ani Pangulong Duterte. “Eh wala. Hanggang ngayon the word “unavailable” is nandiyan. Unavailable because there are not — there’s no sufficient supply to inoculate the world. Matagal pa ito. Sabihin ko sa…

Read More

AÑO BALIK-TRABAHO

MATAPOS bigyan ng clearance ng mga doktor, balik-trabaho na si Interior and Local Government Secretary Eduardo M. Año. Opisyal nang bumalik sa kanyang trabaho sa DILG si Año matapos ang extended leave of absence na nagsimula noong Enero 2021. Ito ay dahil dalawang beses nagpositibo ang kalihim sa COVID-19. Bagama’t work from home muna si SILG Año ay nakipagpulong na ito kahapon ng umaga kasama ang mga opisyal ng kagawaran. Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya nagsimula noong Enero ang leave of absence ni Año bilang bahagi ng kanyang recovery…

Read More

Kinastigo ni Defensor DOH MAS PABOR SA MAHAL NA GAMOT

KINASTIGO ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang Department of Health (DOH) dahil mas pabor umano ang mga ito sa dalawang napakamahal na “investigational COVID-19 therapeutics” kesa sa wonder drug na ivermectin na kayang bilhin ng mahihirap. “The DOH continues to spend hundreds of millions, maybe billions, of pesos to buy remdesivir and tocilizumab, not to mention the purchases of private hospitals,” ani Defensor. Ginawa ng mambabatas ang nasabing pahayag matapos aminin ni DOH Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega, na nakatakdang dumating sa bansa ang mga bagong stock ng…

Read More

Hindi lang bumoboto tuwing eleksyon PATAY NAKAKUBRA RIN NG AYUDA

(BERNARD TAGUINOD) IBINUKING ng isang kongresista na maging ang mga patay, menor de edad, umuwi na ng probinsya at naninirahan sa ibang bansa ay nakasama sa beneficiaries ng P22.9 million ayuda sa mga residente sa National Capital Region (NCR) plus na isinailalim sa ECQ ng dalawang linggo. “My office received inquiries and reports on questionable beneficiaries. This comes as no surprise, but clearly, the DSWD and the COA should look into this,” ani PBA party-list Rep. Jericho Nograles. Inihalimbawa ng mambabatas ang mga kaso umano sa Brgy. 44, Pasay City…

Read More

BUBBLE TRAINING SA OLYMPICS IBINALIK

PINAYAGAN na ng pamahalaan ang mga national athlete na ipagpatuloy ang kanilang “bubble” training para sa nalalapit na Olympics. Subalit, kailangan na mahigpit na sundin ang health at safety precautions para maiwasan ang anomang coronavirus transmission. Sa huling resolusyon, partikular na nais ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa mga atleta ay ang bawasan ang pakikipag-ugnayan sa mga tao sa labas ng training bubble bilang bahagi ng pag- iingat laban sa outbreak. Ang patuloy na pagsasanay ng Olympic hopefuls ay gagawin sa Calamba, Laguna,…

Read More

Solon sa priority list ng gobyerno WALANG KWENTA KUNG WALANG BAKUNA

BAGAMA’T ikinatuwa na isasama na ang public school teachers sa susunod na babakunahan, wala umano itong kuwenta kung walang vaccine na ituturok sa mga nasa A4 list. Ito ang dahilan kaya umapela sa gobyerno si ACT party-list Rep. France Castro na bilisan ang pagbili ng bakuna upang magkaroon na ng proteksyon ang mas nakararaming sektor laban sa COVID-19. “Para saan ang priority list kung wala namang bakunang maituturok sa mga pinaka nangangailangan ng bakuna para tuluyang mapabagal ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa?,” ani Castro. Ginawa ng mambabatas ang pahayag…

Read More