CAVITE – Tinatayang mahigit P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang 29-anyos na babaeng tulak habang 18 pang mga suspek ang nadakip sa buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito. Kinilala ang arestadong babaeng suspek na si Sulayka Ogagang, alyas Layking Casar, may asawa, ng Block 33, Lot 10, Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City. Ayon sa report ni Pat. Verlee Gym Tigbao ng General Mariano Alvarez (GMA) Police Station, dakong alas-2:30 noong Huwebes ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station…
Read MoreMonth: April 2021
ABU SAYYAF TIMBOG SA CAVITE
CAVITE – Nalantad ang pagkatao ng isang lalaki na miyembro pala ng Urban Terrorist Group ng Abu Sayyaf na naka-base sa Basilan, nang arestuhin sa bisa ng warrant of arrest sa Dasmariñas City. Kinilala ang suspek na si Madzoomie Muslimin, 35, ng Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City. Ayon sa ulat ni P/SMgt. Roberto Lacasa ng Dasmariñas City Police, dakong alas-7:30 noong Huwebes ng gabi nang isilbi ng pinagsamang puwersa ng Cavite Police Provincial Office (PPO) at Dasmariñas CPO ang isang service warrant of arrest laban sa suspek sa kanyang tinitirhan…
Read MoreSUICIDE SA OVERPASS
LUCENA CITY – Namatay ang isang hindi kilalang lalaki matapos na tumalon mula sa underpass ng Lucena City Diversion Road nitong Biyernes ng umaga. Batay sa report ng Lucena City Police, nakita na lamang ng mga bystander ang lalaki nang tumalon mula sa underpass sa Barangay Gulang-Gulang dakong alas-7:45 ng umaga. Mabilis na isinugod ang biktima ng mga tauhan ng City DRRMO sa ospital ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas. Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima na tinatayang nasa 30 hanggang 40-anyos. (NILOU DEL CARMEN)…
Read MoreMAG-INA PATAY SA SUNOG
ILOILO – Kapwa namatay ang isang mag-ina nang ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa San Vicente Village, Brgy. Poblacion, sa bayan ng Leganes sa lalawigang ito, nitong Biyernes ng madaling araw. Ayon sa ulat ng Leganes PNP at Iloilo Bureau of Fire Protection, kinilala ang mag-ina na sina Vivien Ganon, 48-anyos, Anthony Kim Ganon, 21-anyos. Nakalundag naman mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay tungo sa kanyang kaligtasan ang menor de edad na anak ni Vivien na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa pagamutan. Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng Bureau…
Read MoreILLEGAL RECRUITER NABITAG NG PNP-AKG
MULING nakaiskor ang mga tauhan ni Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group director, P/BGen. Jonnel C. Estomo laban sa mga kriminal nang madakip ang isang top 7 most wanted person sa regional level sa Nattanzan, Iguig, Cagayan. Kinilala ni P/BGen. Estomo ang suspek na si Norma Datul, may kasong illegal recruitment and estafa. Ayon sa ulat, noong Abril 14, dakong 11:30 ng umaga, ang mga operatiba sa pangunguna ni P/Maj. Alexander B. Tenorio, sa ilalim ni P/Lt. Col. Wilfredo V. Sy, ng SOU, kasama ang mga operatiba ng Iguig MPS…
Read MoreDRUG DEN NABUWAG NG ZAMBALES PPO
INIULAT ni P/Col. Romano V. Cardiño, director ng Zambales Police Provincial Office, ang pagkakabuwag ng kanyang mga tauhan sa isang drug den sa Subic, Zambales. Ayon sa ulat, nangyari ang insidente noong Abril 15, dakong alas-3:00 ng madaling araw sa Muslim Area, Purok 6B, Calapacuan, Zambales. Nadakip ng mga tauhan ng Zambales Police ang itinuturing na dangerous drug personalities na sina Jornada Rivera Inuk, 33, kilalang drug den maintainer; Melvin Araneta Tigbe, 33, online seller; Abdulgani Salaman Lamani, 46, group security; Ajirya Saral Ibnohari, 49, female store vendor; Roger Salama…
Read MoreSTA. MARIA, BULACAN MAYOR POSITIBO SA COVID
NAKUMPIRMANG positibo sa coronavirus 2019 (COVID-19) ang alkalde ng Sta. Maria, Bulacan matapos sumailalim sa RT-PCR testing makaraang makaramdam ng mga sintomas. Base sa resulta ng RT-PCR test na inilabas noong Miyerkoles ng umaga, positibo sa COVID-19 si Mayor Russel Pleyto at kasalukyang sumasailalim sa 14-day quarantine. Ayon sa kanyang Facebook account post, inamin ni Mayor Pleyto na siya ay nakaranas ng flu-like symptoms simula pa noong Lunes kaya naman agad siyang nagpa-swab test noong Martes at dito ay nabatid na positibo sa naturang virus ang alkalde. Base sa kanyang…
Read MoreSa kabila ng mataas na COVID-19 cases PAGBABAKUNA SA QC MAKUPAD
MATATAGALAN pa bago maprotektahan sa pagkahawa at paglala ng COVID-19 ang mga residente ng Lungsod Quezon dahil sa mabagal na implementasyon ng pagbabakuna sa nasabing siyudad. Sa pinakahuling data na nakuha ng SAKSINGAYON (Peryodiko Filipino Inc.) hanggang Abril 14, nasa 101,100 pa lang nabakunahan sa Quezon City para #QCProtektadoTODO laban sa COVID-19. Ang lungsod ay patuloy sa kanilang pagbabakuna sa A1-A3 priority groups noong nakaraang Sabado. “Para sa mga nag-sign-up sa eZConsult, Fully BOOKED na tayo hanggang April 17,” ayon sa post ng official QC FB page. Sinabi pa nila,…
Read MoreObrero, tsuper na humihingi ng ayuda ITINABOY SA MENDIOLA
NAUNSIYAMI ang pagkilos ng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) at Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) nang harangin sila ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) bago makatuntong sa paanan ng Chino Roces Bridge, dating tulay ng Mendiola sa Maynila, nitong Biyernes. Bandang alas-10:44 ng umaga nang dumating sa lugar ang dalawang grupo na may bitbit na mga kaldero at kawali bilang highlight ng kanilang protesta. May dala rin ang grupo na mga placard na nagsasaad ng kanilang hinaing sa gobyerno. Iginiit ng mga raliyista na mabigyan…
Read More