HINILING ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga Pilipino na patuloy na magbayanihan at magtulungan dahil malalampasan din aniya ang krisis na hatid ng COVID-19 pandemic. Ginawa ni Go ang pahayag sa isinagawang distribusyon ng ayuda at pangangailangang medikal ng kanyang mga tauhan sa mga residente ng Sto. Niño, Guagua, Pampanga. Sa aktibidad na isinagawa sa Cerville Subdivision Covered Court, namahagi ang mga staff ni Go ng mga makakain, masks at face shields sa tinatayang 160 indigent residents. “Alam ko po mahirap ang panahon ngayon, nasa pandemya pa po…
Read MoreMonth: April 2021
DUTERTE, PUTIN MULING NAG-USAP
IBINAHAGI ni Senador Bong Go ang nangyaring pag-uusap ngayong hapon nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Russian President Vladimir Putin. Ani Go, alas-4:20 ng hapon, Abril 13 nang mag-usap sina Pangulong Duterte at President Putin via telephone call. Napag-usapan aniya ng mga ito na mas palakasin pa ang pagsisikap ng dalawag bansa sa global fight laban sa COVID-19. Kapwa aniya sumang-ayon sina Pangulong Duterte at Pres. Putin sa kahalagahan ng kooperasyon ng mga bansa na labanan ang pandemya. “They also agreed that there is a need to work together to…
Read MoreDUTERTE HUMINGI NG AYUDA KAY PUTIN
NATULOY kahapon ang pag-uusap nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Russian President Vladimir Putin. Habang sinusulat ito ay hindi pa inihahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque ang naging takbo ng usapan ng dalawang lider ngunit isa sa mga inaasahan ay ang posibleng paghingi ng ayuda ni Duterte sa pagtugon sa pandemya sa COVID-19. Nauna rito, kinumpirma ni Sec. Roque na may nakatakdang pag-uusap “via telephone” ang dalawang lider. Gayunman, hindi naman sinabi ni Roque kung kailan mag-uusap sina Pangulong Duterte at President Putin dahil ang iskedyul aniya ng chief executive…
Read MoreBwelta ng solon kay Roque UNCHRISTIAN ANG HINDI PUMILA
MAS ‘unchristian’ ang mga taong inuunahan ang mga pasyente sa COVID-19 na matagal nang nakapila para magkaroon ng kuwarto sa mga pagamutan at mailigtas ang kanilang buhay. Ito ang sagot ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate kay Presidential Spokesman Harry Roque matapos nitong tawaging “un-Christian” ang tanong kung papaano ito nakakuha agad ng kuwarto sa ospital nang dapuan ito ng COVID-19 sa ikalawang pagkakataon. “What is unchristian is the betrayal of public trust by flaunting your sense of twisted entitlement, rather than taking up your cross, or, bearing the…
Read MoreKapag wala nang pasilidad para sa doctors, nurses GOV’T TAKEOVER SA MGA HOTEL
(CHRISTIAN DALE) MAY kapangyarihan ang pamahalaan na mag-takeover sa mga hotel at motel para magamit ito bilang pasilidad para sa COVID-19 patients. Nauna nang sinabi ni Health Sec. Francisco Duque na ipinag-utos na nila sa mga ospital na magreserba ng hotel rooms na maaaring paglagyan agad ng mga doktor at nurse na nagpositibo sa COVID-19. “Government can expropriate ‘yong mga hotels, motels, whatever kung kulang ang — ang mga halfway houses natin ‘yong naghihintay. So we kind of have the power. The government has the power to just expropriate. Puntahan…
Read MoreSa gitna ng tensyon sa WPS US-PHL BALIKATAN EXERCISES LUMARGA
PORMAL nang sinimulan kamakalawa ng Pilipinas at United States Armed Forces ang dalawang linggong joint military exercises o taunang pagsasanay na pansamantalang nakansela dahil sa pandemya, ayon kay AFP chief General Cirilito Sobejana. Sa simpleng 36th Balikatan Exercise (BK36-21) opening ceremony na ginanap sa canopy ng Camp Gen. Emilio Aguinaldo ay binigay ni Gen. Sobejana ang hudyat sa pagsisimula ng military exercise sa sasalihan ng may 1,700 sundalo mula sa dalawang bansa. “The Balikatan Exercise, since its launching in 1991, has been a treasure trove of learning opportunities for both…
Read MoreMODERNA VACCINES INAASAHAN SA MAYO
INAASAHAN ng Pilipinas na matatanggap na nito ang 194,000 doses ng Moderna’s COVID-19 vaccines sa buwan ng Mayo. “It is expected to arrive, 194,000, most likely this coming May,” ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. Bahala na aniya ang National Immunization Technical Advisory Group kung anong priority group ang makatatanggap ng nasabing bakuna. “The private sector agrees they will follow the WHO SAGE [World Health Organization-Strategic Advisory Group of Experts] and also the DOH [Department of Health], NITAG prioritization,” ang pahayag ni Galvez. Ang pamahalaan at ang pribadong sektor…
Read MoreCOVID DEATH RATE TUMAAS
INIHAYAG ng mga eksperto na bukod sa matatanda at mga tinaguriang may comorbidities ay kasama ang mga nagpalipas ng ilang araw bago magpatingin sa doktor sa dahilan ng mataas na death rate sa COVID 19 na nai- record ng DOH sa nagdaang Marso at ngayong Abril. Sinabi ni Dr. Althea de Guzman ng DOH Epidemiology Bureau na may mga indibidwal na pinaabot pa ng isang linggo bago magpakonsulta bagama’t may nararamdaman nang kakaiba na maaaring maiugnay sa COVID-19. Sa regular briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque ay sinabi ni de…
Read MoreMay pondo pero delay ang benepisyo HEALTHCARE WORKERS NGANGA
(BERNARD TAGUINOD) IIMBESTIGAHAN na ng mababang kapulungan ng Kongreso ang reklamo ng health workers dahil sa delay na mga benepisyo ng mga ito habang itinataya ang kanilang buhay sa COVID-19. Sa pamamagitan ng House Resolution (HR) 1704, nagpatawag ng imbestigasyon si Manila Rep. Manuel Luis Lopez para imbestigahan ang reklamong ito ng health workers, kahit mayroon nang pondo para rito. “The complaints from our essential workers should not fall on deaf ear, but rather, should compel us to review and reformulate the country’s COVID-19 response for the safety and welfare…
Read More