LAGUNA – Patay ang isang retiradong pulis makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa Calamba City sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi. Batay sa report ng Calamba City Police, sakay sa motorsiklo ang biktimang si Melvin Polintan Llanes at nakahinto sa stoplight sa Barangay Halang nang ito ay pagbabarilin bandang alas-8:30 ng gabi. Bigla na lamang umano itong nilapitan ng suspek at pinagbabaril at saka mabilis na tumakas. Isinugod naman ang biktima sa Pamana Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor. Ang 67-anyos biktima na dating intel officer…
Read MoreMonth: April 2021
Nambugbog at nakapatay sa curfew violator HOMICIDE SA 2 TANOD
LAGUNA – Kasong homicide ang kahaharapin ng dalawang barangay tanod na nambugbog kamakailan sa isang curfew violator na humantong sa pagkamatay nito. Sinabi ni Philippine National Police spokesperson, Police Brigadier General Ildebrandi Usana, personal na maghahain ng reklamo si Calamba City Police chief, Lt. Col. Jonathan Villamor laban sa mga suspek. Matatandaan, noong Abril 7 dakong alas-10:30 ng gabi nang mahuli ng mga barangay tanod dahil sa paglabag sa curfew ang biktimang si Ernanie Jimenez na bibili umano ng pagkain. Nagtangka umanong tumakbo ng biktima ngunit hinabol ito at binugbog…
Read MoreBOKAL NA EX-CELEBRITY, PAMILYA TINAMAAN NG COVID-19
DINAPUAN ng COVID-19 ang dating actress at ngayo’y 3rd District Board member ng Laguna na si Angelica Jones o si Angelica Alarva sa tunay na buhay. Nahawaan din ng COVID-19 ang 62-anyos na ina ni Jones na si Beth at 8-anyos nitong alak. Kasalukuyang nagpapagaling sa San Pablo City District Hospital ang mga ito habang ang ina ay nasa Intensive Care Unit ng nasabing ospital. Symptomatic si Jones na nang makaramdam ng hirap sa paghinga ay agad nagtungo sa ospital upang magpa-confine. Sinabi nito na puno na rin ang mga…
Read MoreTULAK SA VALENZUELA, MALABON, MAKATI TIMBOG
ARESTADO ang anim na hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa mga lungsod ng Valenzuela, Malabon at Makati. Sa Valenzuela City, swak sa kulungan ang isang lalaki na umano’y tulak ng ilegal na droga matapos makumpiskahan ng mahigit sa P.1 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya noong Lunes ng gabi. Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief, P/Lt. Joel Madregalejo ang arestadong suspek na si Rico Acaso, 58, ng #65 San Jose Compound, Brgy. Canumay West. Ayon kay SDEU…
Read MoreSuspek sa pagpatay sa pulis Maynila PUMALAG SA ARESTO PATAY
NAPATAY ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang isang murder suspect na umano’y lider ng Tiatco crime group, nang pumalag habang sinisilbihan ng arrest warrant sa Tondo, Manila nitong Martes ng umaga. Kinilala ang napatay na suspek na si Rommel Tiatco y Vicente, nasa hustong gulang, may live-in partner, at residente sa #441 Inocencio St., Barangay 93, Tondo. Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Rosalino Ibay Jr., hepe ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team, (SMaRT) bandang alas-8:30 ng umaga, bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni…
Read MoreLIBRENG CREMATION SA NAMATAY SA COVID-19 SA MAYNILA
INANUNSIYO ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na libre ang cremation sa mga namatay dahil sa COVID-19 sa Manila North Cemetery sa Blumentritt St., Sta. Cruz, Manila. Ayon sa alkalde, para lamang sa mga residente ng Maynila na may namatay na kaanak dahil sa COVID-19, ang libreng cremation. Layunin nitong mapagaan ang pasanin ng mga residenteng namatayan ng kaanak dahil sa COVID-19. Sinabi pa ng alkalde, upang ma-avail ang libreng cremation ay kailangan lamang na ipresinta ang death certificate, ID ng miyembro ng pamilya o kamag-anak at dokumento na…
Read More25 pa nadagdag COVID DEATHS SA CAMANAVA ‘DI MAAWAT
MULING nakapagtala ng 25 namatay sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area nitong Abril 12. Ayon sa ulat, sampu ang patay sa Caloocan City at 1,282 ang active cases. Umakyat na sa 21,221 ang confirmed cases sa lungsod, kung saan 19,315 na ang gumaling at 624 na ang namatay. Sampu rin ang namatay sa Valenzuela City at 987 ang active cases matapos na 147 ang gumaling at 220 ang nagpositibo. Sumampa na sa 14,633 ang tinamaan ng COVID sa lungsod at sa bilang na ito ay 13,284 na…
Read MoreKOREANONG SWINDLER HULI SA LAS PIÑAS
INANUNSYO ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang pagkakaaresto sa isang pugante mula sa South Korea na umano’y wanted ng mga awtoridad sa Seoul sa kasong swindling sa kanyang mga kababayan, limang taon na ang nakalipas. Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Kim Dong Woo, 49-anyos, naaresto noong Lunes sa Las Piñas City ng mga operatiba mula sa bureau’s Fugitive Search Unit (FSU). “Kim will soon be returned to Korea to face the charges against him, as an order for his summary deportation was…
Read MoreAYUDA TULOY-TULOY SA NCR PLUS – DILG
TINIYAK ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na tuloy-tuloy ang ayuda sa National Capital Region (NCR), Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan kahit isinailalim na ang mga ito sa modified enhanced community quarantine (MECQ). Ayon sa tagapagsalita ng DILG na si Undersecretary Jonathan Malaya, hindi totoo ang kumalat na balitang tapos na ang pamamahagi ng ayudang P4,000 bawat pamilya sa NCR at apat pang lalawigan, o ang NCR Plus, dahil wala na sa ECQ ang mga ito simula noong Lunes. Idiniin ni Malaya na “fake news” ang impormasyon.…
Read More