BAWAL NA PAG IBIG NI MR. CLEAN

KUNG mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang pag-iibigan nina Derek Ramsay at Ellen Adarna, aba mas mainit pa dito ang bawal na relasyon ng isang mataas na opisyal ng Bureau of Immigration at ng kanyang dating magandang sekretarya. Itatago na lamang natin ang mataas na BI official na ito sa pangalang Mr. Clean na matagal na palang may pagnanasa kay Alias Mau na kahawig naman ng isang dating sexy actress na member ng Viva Hot Babes. Ang pag-ibig nga naman ay hindi mo masusukat kahit ano pang pagdaanan…

Read More

AYUDA PARA SA MGA OFW NA NAKAKULONG O NASA SHELTER

SA isang pagpupulong ng OWWA Board of Trustees, may isang programang ilulunsad na napagkasunduan naming ­huwag nang i-anunsyo sa mga miyembro dahil limitado lang ang magiging benepisyaryo nito. Ngunit bilang kinatawan ng mga OFW ay tungkulin ko na ­ipaalam sa aking nirerepresentang sektor ang aking ginagampanan. Dahil dito, nais kong humingi ng paumanhin sa mga kasama ko sa OWWA Board of Trustees na ang napagkasunduan namin na huwag i-anunsyo ay aking ilalathala sa pahayagan. Bukod sa aking isinulong na programang Tulong Puso, ay akin ding isinulong ang isang programa na…

Read More

MULING PAGBUBUKAS NG EKONOMIYA, NAPAPANAHON NA

HINDI pa man ganap na nakababangon ang ating bansa mula sa matinding epekto ng ­pandemyang COVID-19, tila muli na naman tayong sinusubok nito. Bunsod ng biglang pagtaas ng positibong kaso ng COVID-19 kada araw, napilitan ang pamahalaan na muling ­isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR) at iba pang probinsyang malapit dito sa unang bahagi ng Abril. Maraming mga empleyado at manggagawa ang naaapektuhan ng ECQ. Marami sa kanila ang ‘no work, no pay.’ Sa madaling salita, hindi sila makatatanggap ng sweldo habang pansamantalang nakahinto ang…

Read More

Defensor ilalaban ang Ivermectin kontra COVID-19 PUBLIKO DESPERADO NA SA GAMOT

(BERNARD TAGUINOD) HINDI masisisi si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at ang iba pang mga sumasang-ayon at ipinaglalaban ang Ivermectin dahil desperado na umano ang mga tao na magkaroon ng proteksyon laban sa COVID-19. Ito ang tinuran ni dating Health secretary at ngayo’y Iloilo Rep. Janette Garin lalo na’t wala aniyang sapat na supply ng bakuna sa bansa at tumataas pa ang bilang ng mga Pilipinong tinatamaan ng nasabing virus. “Hindi mo sila masisi dahil deperado na sila kasi walang bakuna,” ayon sa mambabatas bagama’t sinabi nito na kailangan pa…

Read More

Naturukan ng AstraZeneca panic mode na ANUNSYO NI DOMINGO ‘IRESPONSABLE’

NAGPA-PANIC na umano ang mahigit kalahating milyong natukuran ng AstraZeneca dahil sa anunsyo ni Food and Drug Administration (FDA) director general Eric Domingo na ititigil ang pagbabakuna nito sa 60-anyos pababa. Ito ang nabatid kay Iloilo Rep. Janette Garin kaya kinastigo nito si Domingo sa paraan ng pag-aanunsyo habang nahaharap ang bansa sa problema sa supply ng nasabing bakuna. “Meron tayong mahigit sobra sa kalahating milyon na binakunahan ng first dose na binigyan mo ng kaba, takot, pangamba. Ang dami-dami nang tumatawag at nagpapanic,” ani Garin. Hindi nagustuhan ng mambabatas…

Read More

FAVIPIRAVIR AT ARBIDOL GAMOT KONTRA COVID-19

INANUNSYO ni CEO Jomerito Soliman, na naghanda ang My Med Rx Plus Corporation ng isang milyong tabletas ng Favipiravir Avigan at tatlong milyong tabletas ng Umifenovir Arbidol upang matulungan ang mga nangangailangan na ospital at pasyente. Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Ayon kay Soliman, makatutulong ang mga naturang gamot sa pagpapagaling sa halos 100,000 hanggang 200,000 na pasyente. Aprubado ang dalawang naturang antivirals na gamot ng Food and Drug Administration sa ilalim ng Compassionate Permit. Nabatid na matagal nang gamit ang Umifenovir…

Read More

Inilabas na photos, video ni Duterte wa epek SOLONS HINDI RIN KUMBINSIDO KAY BONG GO

HINDI mamatay-matay ang isyu sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil kahit sa hanay ng mga mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso ay ito ang kanilang pinag-uusapan. Sa kondisyong huwag pangalanan, sinabi ng isang administration congressman na pinag-uusapan umano sa kanilang hanay “kung ano ba ang tunay na kalagayan ng kalusugan ni Pangulong Duterte”. “Pinag-uusapan nga namin sa group namin (sa Kongreso). Ano ba talaga kalagayan ng presidente,” ayon sa impormante ng Saksi Ngayon dahil iba-iba umano ang espekulasyon ng mga ito. Ito ay sa kabila ng video na inilabas…

Read More

WORLD VACCINATION PALPAK – UN CHIEF

BINATIKOS ng pinuno ng United Nations (UN) ang patuloy na hindi pagkakaroon ng bakuna ng substansiyal na bilang ng mga bansa laban sa coronavirus disease-2019 (COVID-19) makalipas ang 100 araw ngayong 2021. Ayon kay Tedros Adhanom Ghebreyesus, dapat nagsimula na ang lahat ng bansa sa mundo sa pagtuturok ng mga bakuna sa kani-kanilang mamamayan sa ngayon. Ngunit, mayroon pang higit isang dosenang bansa na hindi pa nagsisimula ang pagbabakuna. Ang pagtuturok ng bakuna sa health care workers (HCWs), mga opisyal ng pamahalaan at mamamayan ay pinaniniwalaan ng mga dalubahasa laban…

Read More

MARAMI PANG COVID-19 VACCINES PARATING SA PINAS

MARAMI pang bakuna laban sa COVID-19 mula sa China at Russia ang darating sa bansa sa mga susunod na araw upang magamit sa national vaccination program na isinasagawa ngayon ng pamahalaan. Ito ang pagtiyak ni Senator Christopher “Bong” Go. Ayon kay Go, 500,000 Sinovac vaccines ang inaasahang darating sa bansa ngayong linggo habang inisyal na 20,000 Sputnik vaccines mula sa Russia naman ang parating na rin. “Darating na ang 500,000 na Sinovac vaccine from China. Bahagi po ito ng nabili nating 1.5 million doses na Sinovac nitong April. Bagama’t may…

Read More