6pm-5am curfew mananatili NCR PLUS IBINABA SA MECQ HANGGANG ABRIL 30

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-AgencyTask Force (IATF) na isailalim na sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang National Capital Region (NCR), Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite simula ngayong Lunes (Abril 12) hanggang Abril 30, 2021. Isinailalim din sa MECQ ang City of Santiago, Quirino at Abra. Mapapasailalim naman sa general community quarantine mula abril 12 hanggang Abril 300, 2021 ang : CAR, Region 2: Cagayan, Isabela at Nueva Vizcaya, Region 4A: Batangas Region 8: Tacloban City, Region 10: Iligan City, Region 11: Davao City, BARMM:…

Read More

COVID-19 DEATH TOLL SA PNP UMAKYAT NA SA 44

ITO ang inihayag kahapon ni PNP Deputy Chief for Administration, Police Lieutenant General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, pinuno ng PNP Administrative Support for COVID-19 Task Force (ASCOTF), makaraang madagdagan pa ng dalawa ang bilang ng mga pulis na namatay dahil sa coronavirus. Ayon kay Lt. Gen. Eleazar, dahil dito, sumampa na sa 44 ang bilang ng mga nasawi sa hanay ng PNP bunsod ng naturang COVID-19 virus. Sa ulat ng PNP-ASCOTF at PNP Health Service (PNP-HS), ang huling nasawi ay isang 53-anyos na lalaking police commissioned officer na nakatalaga sa…

Read More

2 sangkot sa James Elijah Yap kidnapping NAPATAY NG PNP-AKG

DALAWA pang kasapi ng Gonzales kidnap for ransom group ang napatay ng mga tauhan ni Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group director, P/Brig. General Jonnel C. Estomo, sa isinagawang follow-up operation sa Carlos P. Garcia Avenue Ext., Parañaque City noong Biyernes ng gabi. Ayon kay PNP-AKG spokesperson, P/Lt. Col. Rannie Lumactod, agad napatay sa ikinasang dragnet operation ng mga tauhan ng AKG-IRAD ang suspek na si Jobert Gañares na sangkot sa James Elijah Yap kidnap for ransom case at spotter ng nabuwag kamakailan na Gonzales kidnap for ramson group. Habang…

Read More

BULKANG TAAL NAGLABAS NG MAHINANG USOK

NAGLABAS ng mahinang usok ang Bulkang Taal, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology nitong Linggo. Sa inilabas na bulletin nitong Abril 11 ng PHIVOLCS, umabot sa 5 metro ang taas ng pagbuga nito. Nakapagtala ng 216 volcanic earthquakes, 177 tremors na tumatagal ng 32 minuto. Nagkaroon ng ground deformation sa paligid nito o pamamaga ng lupa na indikasyon ng pagkakaroon ng aktibidades ng magma sa ilalim ng bulkan. Mahigpit na pinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island sa Permanent Danger Zone (PDZ) lalo na ang paligid ng main…

Read More

Napundi sa pambu-bully SENIOR CITIZEN INUTAS NG PINSAN

QUEZON – Patay ang isang 68-anyos na empleyado ng unibersidad matapos na tadtarin ng bala ng kanyang nakababatang pinsan sa bayan ng Mulanay sa lalawigang ito, noong Sabado ng umaga. Kinilala ng Mulanay Police ang biktimang si Mario Pardilla Decena, empleyado ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) Mulanay Campus. Batay sa report, bandang alas 8:30 ng umaga nang pagbabarilin ang biktima ng kanyang pinsan na si Edwin Decena, 46, nang magtagpo ang dalawa sa harap ng isang tindahan sa Barangay Poblacion 2. Ayon kay P/Maj. Leonardo Suarverdez, hepe ng…

Read More

MOST WANTED NG ZAMBALES HULI SA ORIENTAL MINDORO

TINIKTIKAN at tinugaygayan ng mga tauhan ni Zambales Provincial Police Office director, P/Col. Romano V. Cadiño, ang itinuturing nilang provincial top 7 most wanted person hanggang sa masundan ito at madakip sa Oriental Mindoro noong Huwebes. Ayon sa ulat na ibinahagi ni Col. Cardiño, nadakip ng kanyang mga tauhan si Resty Dela Cruz Gallardo sa ipinatupad na law enforcement operation sa Brgy. San Isidro, Puerto Galera, Oriental Mindoro. Si Gallardo ay itinuturing na “armed and dangerous drug personality” sa lalawigan ng Zambales at target ng warrant of arrest na inilabas…

Read More

COVID-19 MULING SUMIPA SA LAGUNA

UMABOT na sa full capacity ang mga pagamutan sa Laguna dahil sa muling pagsipa ng kaso ng COVID-19, ayon kay Gov. Ramil Hernandez ng nasabing lalawigan. Sinabi nito, “Nakakalungkot po ang sitwasyon. Nung makalawa bahagyang bumagal ang pagtaas ng COVID cases. Kahapon po biglang tumaas na naman. Hindi pa po stable ang situation sa kasulukuyan,” ani ni Hernandez. Nakapagtala noong Sabado ng 526 bagong kaso ng COVID-19 kung saan may 6,766 aktibong kaso, 27,046 ang mga nakarekober at 379 ang mga namatay na may kabuuang bilang na 34,191 sa buong…

Read More

CAMANAVA MAYORS ‘HATI’ SA VACCINATION

HINDI nagkakaisa ang mga alkalde sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) area sa maagang pagpapaturok ng bakuna. Nabatid na dalawang alkalde na sa nasabing area ang nagpabakuna laban sa COVID-19 habang isa ang hindi pa pwedeng bakunahan at isa ang magpapaturok umano ng Sinovac kahit labag sa kanyang kalooban. Sinabi ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na hindi siya nag-aaalala sa bisa ng bakuna ng Sinovac na gawa ng Tsina ngunit tila kabuntot nito ang isyu ng Pilipinas at Tsina sa West Philippine Sea. Ayon pa sa alkalde, bagama’t tila isang pagpapababa sa…

Read More

11 PATAY SA 3 CITIES SA CAMANAVA

MULING nakapagtala ng 11 bagong namatay sa COVID-19 ang mga lungsod ng Caloocan, Malabon at Valenzuela noong Abril 10. Ayon sa ulat, anim ang bagong namatay sa Caloocan City at lumobo sa 1,558 ang active cases. Sumampa na sa 20,776 ang active cases sa lungsod, kung saan 18,611 na ang gumaling at 607 na ang namatay. Apat naman ang patay sa Valenzuela City at 924 ang active cases matapos na 160 ang magpositibo at 381 ang gumaling. Umakyat na sa 14,413 ang active COVID cases sa lungsod, at sa bilang…

Read More