CAVITE – Patay ang isang 48-anyos na lalaki nang makaladkad ng umatras na sasakyan sa pababang kalsada sa bayan ng Gen. Mariano Alvarez (GMA), Cavite. Isinugod sa CARSIGMA Hospital ang biktimang si Arnold Mayoni ng Block 10-B, Lot 5, Brgy. Gregoria de Jesus, GMA, Cavite ngunit hindi umabot nang buhay. Kinilala naman ang driver ng sasakyan na si Ricardo Adarayan, 47, ng Block 1, Lot 8, Brgy. Gregoria De Jesus, GMA, Cavite. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Bobbie Balazo ng GMA Police, dakong alas-9:47 noong Huwebes ng umaga nang mangyari…
Read MoreMonth: April 2021
ASG, ARMY NAGSAGUPA SA SULU
SULU – Lima katao ang sugatan, kabilang ang dalawang sundalo ng Philippine Army, nang makasagupa ang isang pulutong ng ISIS influenced Abu Sayyaf Group sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga. Ayon kay JTF Sulu at 11th Infantry Division commander, MGen. William Gonzales, habang nagsasagawa ng routine combat patrol operation ang mga tauhan ng Army 21st Infantry Battalion (21IB) nang masabat nila ang mga bandidong Abu Sayyaf na nasa ilalim ng pamumuno ni Radulan Sahiron, sa area ng Brgy. Lower Sinumaan sa Patikul. Matapos ang 15 minutong sagupaan, naramdaman ng…
Read More4 miyembro ng pamilya pinalo sa ulo SUSPEK HULI SA BACOLOD MASSACRE
BACOLOD CITY– Hawak na ng pulisya ang ‘person of interest’ sa pagpatay sa apat na katao, kabilang ang isang 6-anyos na batang babae, na natagpuang nasa early state of decomposition na, noong Miyerkoles ng umaga sa Gardenville Subdivision, Barangay Tangub ng nabanggit na siyudad. Kinilala ng Bacolod City PNP Station 8 ang mga biktimang pinaslang na sina Jocelyn Nombre, 60; Gemma Espinosa, 68; Michael Espinosa, 30, at ang 6-anyos na si Precious Espinosa. Itinatanggi naman ng suspek na kinilalang si Christian “Don-don” Tulot, kamag-anak ng mga biktima mula sa lalawigan…
Read MoreNON-ESSENTIAL STALLS SA MUNTI, IPINASARA
IPINATIGIL ng mga tauhan ng Muntinlupa City Business Permits and Licensing Office (BPLO) at mga opisyal ng Barangay Alabang ang mga tindahang nakabukas at nagpapatuloy ang operasyon kahit nagsimula na ang ECQ sa National Capital Region Plus noong Marso 29. Partikular na naapektuhan ng pagpapahinto ng operasyon ang mga tindahan sa bangketa sa Alabang, Muntinlupa City na nananatiling bukas sa gitna ng enhanced community quarantine (ECQ) sa kabila ng pagiging non-essential business ng mga ito. Karamihan sa ipinasarang mga stall ng BPLO at barangay ay nagtitinda ng mga damit, gadgets…
Read MorePAGTUTUROK NG SINOVAC SA SENIORS SINIMULAN SA MAYNILA
IBINIDA ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno ” Domagoso na sinimulan nang turukan ng bakunang gawang China na Sinovac, ang senior citizens sa lungsod ng Maynila, makaraang ipag-utos ang suspensyon sa paggamit nito bilang bakuna sa nakatatanda kamakailan. Ayon sa alkalde, ang paggamit ng naturang bakuna na nauna nang ipinatigil na gamitin sa senior citizens ay nabigyang daan muli makaraang ikunsidera ng FDA ang mga rekomendasyon ng mga eksperto gayundin ang kasalukuyang sitwasyon kung saan mataas ang COVID-19 transmission at limitado ang available na bakuna. Mismong si FDA director-general, Dr.…
Read More12 PA PATAY SA COVID SA 3 CAMANAVA CITIES
NADAGDAGAN pa ng 12 namatay dahil sa COVID-19 ang tatlong lungsod ng CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area. Ayon sa ulat, anim ang mamatay sa Navotas dahil sa COVID-19 noong Abril 6 at 1,438 na ang active cases matapos na 40 ang magpositibo at 56 ang gumaling. Umakyat na sa 8,978 ang nasapol ng pandemya sa lungsod, kung saan 7,276 na ang gumaling at 264 na ang namatay. Apat naman ang namatay sa Valenzuela City at 1,006 ang active cases hanggang noong Abril 7 at 1,006 ang active cases matapos…
Read MoreQC COVID-19 POSITIVITY RATE TUMAAS NG 25%
NAKAPAGTALA ng 25 porsyento ng positivity rate ng COVID-19 ang Quezon City noong nakalipas na mga araw. Ang 25% positivity rate ay mas mataas sa pamantayan ng World Health Organization Health (WHO) na 5% lamang. Ipinakikita lamang nito na marami ang nagpopositibo mula isinasagawang testing ng Quezon City. Ayon sa OCTA Research ng University of the Philippines (UP), patuloy na tumataas ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa nasabing lungsod. Batay ito sa April 5 na datos ng Department of Health (DOH) at City Epidemiology and Disease Surveillance…
Read MoreCOVID-19 CASES SA NCR, HIGIT 5K KADA ARAW
INIHAYAG ng OCTA Research Group na pumalo sa tatlong porsyento ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa National Capital Region (NCR) sa nakaraang buong isang linggo. Ayon sa OCTA, katumbas ang nasabing porsiyento ng “daily average” na 5,146 mga kaso ng COVID-19 mula Marso 31 hanggang Abril 6. Nilinaw ng OCTA na ang nasabing impormasyon ay isang linggo lamang ang sakop. Ngunit hindi nangangahulugang kitang-kita na ang buong itsura ng kondisyon ng COVID-19 sa NCR dahil sinabi ng OCTA na “We are not seeing…
Read MorePAGTATAYO NG CELL SITE HINARANG NG MGA RESIDENTE SA PARAÑAQUE
NAGHAIN ng petisyon ang mga residente ng isang subdibisyon sa Parañaque City upang patigilin ang pagtatayo ng cell site ng Dito Telecommunity Corp. dahil sa epekto nito sa kalusugan at kaligtasan. Sa kanilang petisyon na inihain sa barangay, mariing tinututulan ng mga residente ng Welcome Village, San Antonio Valley 1, Parañaque ang cell site at nagsabing bigo ang Dito na talakayin at ipakita sa kanila ang mga detalye ng cell site kabilang ang taas at bigat nito lalo na sa mga nakatira sa 50 hanggang 150 radius. Anila, walang naganap…
Read More