KINAKABAHAN si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na posibleng lalong lumubha ang kaso ng COVID-19 sa Quezon City dahil hindi nasusunod ang social distancing at health protocols sa pamamahagi ng Local Government sa P1,000 ayuda. “Sigurado tataas na naman QC (COVID-19 cases),” pahayag ni Defensor nang makita ang mga larawan sa social media na kuha sa ilang barangay kung saan nagkukumpulan ang mga tao na naghihintay ng ayuda. Ilan sa mga larawan ay kuha sa Paltok, Quezon City kung saan bagama’t naka-face mask at face shield ang mga residente na…
Read MoreMonth: April 2021
Tunay na kalagayan ng pangulo isapubliko PHOTO OPS NI BONG GO ‘DI BUMENTA
(BERNARD TAGUINOD) HINDI na mabenta o hindi na pinaniniwalaan ng publiko ang photo ops ni Senator Bong Go lalo na sa kalagayan ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang linggo na umanong ‘missing in action’. Ito ang nabatid sa Makabayan bloc sa Kamara kaya hinamon ng mga ito si Go na ilabas nito ang medical certificate ng pangulo upang malaman kung kaya pa rin ba nitong mamuno o hindi na. Sa press conference ng nasabing grupo kahapon, sinabi ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na hindi kuntento ang mamamayan sa larawan…
Read MoreABS-CBN SUPALPAL KAY DEFENSOR
(BERNARD TAGUINOD) SUPALPAL kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang ABS-CBN matapos ireport ng nasabing media network na mamimigay ng veterinary drug na Ivermectin ang mambabatas. “Isang malaking Fake News ang pinapakalat ng ABS-CBN na ang ipamimigay ko na ivermectin ay isang veterinary drug. Wala pong doctor na [magpe-prescribe] ng gamot na para sa mga hayop,” ani Defensor. Magugunita na inanunsyo ni Defensor na mamimigay ito ng Ivermectin sa mga residente ng Quezon City para maproteksyunan ang mga ito sa COVID-19 at gumaling ang mga nagpositibo sa nasabing sakit. Kasunod…
Read MoreEX-SPEAKER ALVAREZ TINAMAAN NG COVID-19
HINDI nakaligtas sa coronavirus 2019 (COVID-19) si dating Speaker at Davao del Norte Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez. Kinumpirma mismo ng anak ni Alvarez sa mga mamamahayag sa Kamara, na nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang ama ngunit itinanggi nito na nasa seryosong kalagayan ang mambabatas. “Speaker Alvarez did test positive for the virus, but he is not in any serious health condition. He is still in Davao del Norte and is recovering at home. Thank you for your concern and for everyone’s prayers,” ani Finance Assistant Secretary Paola Alvarez. Nitong nakaraang…
Read MoreMILD HEART ATTACK NI PDU30 FAKE NEWS – PCOO
FAKE NEWS ang sigaw ni Presidential Communications Operation Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa kumalat na balitang dumanas ng mild heart attack si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sa post ni Sec. Andanar sa kanyang Facebook account ay ipinakita nito ang isang screen shot ng nagpakilalang Maharlika.TV na nagsabing ….”Breaking News: Sources say Duterte suffers Mild Heart Attack.” Inilagay naman ni Sec. Andanar ang malaking “fake news” sa harap mismo ng nasabing screenshot bilang caption upang pabulaanan ang nasabing balita. Kapansin-pansin naman na hindi na makita ang nabanggit na post ng…
Read MoreKONGRESISTA, DPWH OFFICIAL, KINASUHAN NG KORAPSYON SA OMB
(NELSON S. BADILLA) SINAMPAHAN ng kasong korapsyon ng Task Force Against Corruption (TFAC) ang isang kongresista at opisyal ng Department of Public of Works and Highways (DPWH) sa Office of the Ombudsman (OMB). Ayon kay Justice Undersecretary Emmeline Aglipay – Villar, mayroong sapat na “porma” at “sustansiya” ang reklamo sa kongresista at opisyal ng DPWH, kaya inihain ang mga reklamo laban sa kanila sa OMB. Hindi ibinigay ni Villar sa mga mamamahayag ang pagkakakilanlan ng kongresista at opisyal dahil iimbestigahan pa ng OMB ang reklamo laban sa nasabing mambabatas. Ang…
Read MorePAGGAMIT NG ASTRAZENECA PINASUSPINDE SA DOH
HINILING ng Food and Drug Administration (FDA) sa Department of Health (DOH) na suspendihin ang paggamit ng bakunang AstraZeneca bilang panlaban sa coronavirus disease – 2019 (COVID-19) sa mga Pilipinong 60-anyos pababa dahil sa nadiskubreng pamumuo ng dugo sa ilang naturukan nito. Ginawa ito ng FDA matapos makita ng mga European drug regulator na konektado ang bakunang AstraZeneca sa ilang kaso ng pamumuo ng dugo o blood clot at mababang bilang ng platelet sa katawan ng taong naturukan ng nasabing bakuna. “Bihira lamang ang mga kasong mayroong pamumuo ng dugo…
Read More4TH AT 5TH VAX SITES SA TAGUIG BINUKSAN
UPANG higit na mapabilis at tuloy-tuloy na mapalakas ang COVID-19 Vaccination program ng Taguig City government ay binuksan nitong Miyerkoles, April 7, sa publiko ang 4th at 5th vaccination sites sa Maharlika Elementary School sa Barangay Maharlika at EM’s Signal Village Elementary School na matatagpuan naman sa Barangay Central Signal. Ang karagdagang community vaccination centers na ito ay makatutulong sa dalawa pang kasalukuyang Mega Vaccination Hubs sa Lakeshore area sa Barangay Lower Bicutan at Vista Mall Parking Building sa Barangay Calzada, at sa kauna-unahang community vaccination center sa RP Cruz…
Read MoreMga Bulakenyo, napa-‘sana all’ ‘DI LAHAT MAY AYUDA SA BULACAN
BULACAN – Nilinaw ni Guiguinto Mayor Ambrosio Cruz Jr., pangulo ng League of Municipalities of the Philippines Bulacan Chapter, hindi lahat ay makatatanggap ng ayuda o emergency subsidy na galing sa national government. Nauna rito, ipinadala na ng Department of Budget and Management (DBM) ang inilaang P2.9 billion pondo para sa agarang pamamahagi ng emergency subsidy sa 21 munisipalidad at 3 lungsod sa Bulacan na kasama sa NCR Plus, na apektado ng reimplementation ng enhanced community quarantine (ECQ). Base sa Joint Memorandum Circular (JMC) guidelines na ipinadala sa Department of…
Read More