Muling inulit ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang panawagan bilang suporta sa Food and Drug Administration (FDA) sa matinding babala sa publiko laban sa paglaganap ng pekeng COVID vaccines na gawang lokal. Ang BOC ay naninindigan sa direktiba ng national government para sa awtorisadong private sectors para mag-import ng COVID-19 vaccines, at laban naman sa walang prinsipyong entity na nananamantala para pagkakitaan ang panahon ng pandemic sa pamamagitan ng paggawa ng ilegal na pekeng bakuna. Ang counterfeit vaccines ay mapanganib sa kalusugan ng publiko at kaligtasan. Hinikayat naman ng…
Read MoreMonth: April 2021
BOC, WCO NAGSAMA PARA SA ‘PEOPLE DEVELOPMENT DIAGNOSTIC VIRTUAL MISSION’
Bilang bahagi ng Bureau of Customs (BOC) sa kanilang layunin na pagpapahusay ng personnel development, ang BOC sa pamamagitan ng Human Resource Management (HRM) Modernization Working Group, ay nakipagmiting sa World Customs Organization (WCO) para sa isang People Development Diagnostic Virtual Mission. Ang virtual mission ay isinagawa sa pamamagitan ng sunod-sunod na online meetings at interviews na dinaluhan ng WCO Experts at BOC HRM Modernization Working Group na pinangunahan nina Si Mohamed EL HAIL, WCO People Development Programme Manager, at Donato B. San Juan, Chairperson ng HRM Modernization Working Group…
Read MoreSMUGGLING VS IMPORTER, CUSTOMS BROKER ISINAMPA SA DOJ
Nahaharap ngayon sa kasong smuggling ang isang importer at customs broker matapos sampahan ng Bureau of Customs Bureau’s Action Team Against Smugglers (BOC-BATAS) sa Department of Justice (DOJ). Ang kinasuhan ay ang SPI Semicon Asia Inc. dahil sa umano’y misdeclaration na isa sa mga aspeto ng smuggling. Bukod sa SPI Semicon Asis Inc., kasama sa kinasuhan ay ang kanyang customs broker para sa misdeclaration at illegal importation ng tatlong 40-footer containers na naglalaman ng iba’t-ibang general merchandise na nagkakahalaga ng P7,208,666.14, kasama ng duties and taxes. Ang respondents ay nakitaan…
Read MorePara palakasin ang border security FORUM ISINAGAWA NG BOC, PDEA AT PHILPost
Ni JOEL O. AMONGO PINANGUNAHAN ng Bureau of Customs ang pag-organisa ng isang Inter-Port coordination virtual forum para sa lalo pang pagpapalakas ng border protection na isinusulong ng pamahalaan. Kasama sa naturang aktibidad na pinagunahan ng BOC-NAIA at Port of Manila ay ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine Postal Corporation (PHLPost) noong nakaraang Marso 29, 2021. Sa nasabing forum ay tinalakay ang tinatawag na interdiction processes at iba’t-ibang operations and best practices para matiyak na maging maayos ang inter-port at inter-agency na koordinasyon sa panahon ng pagsasagawa…
Read MoreOWWA TULONG PUSO AY PARA SA LAHAT NG OFW ORGANIZATION (Unang Bahagi)
NOONG ako ay nanumpa sa harap ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa palasyo ng Malakanyang bilang miyembro ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Board of Trustees bilang kinatawan ng lahat ng Overseas Filipino Workers Landbased Sector noong May 27, 2019 ay naalala ko pa ang maraming tagubilin ng ating pangulo. Kabilang dito ang kanyang pagbabanta na hindi niya palalagpasin ang anumang kurapsyon sa kahit na anong ahensya. Isa pa sa tagubilin ni Pangulong Duterte ay ang siguruhin na sa bawat programa o proyekto, ang bawat mamamayan ay kasali sa makikinabang.…
Read MorePOD CHIEF POSITION, GINAPANG?
HINDI pa man nag-iinit ang tumbong ni Candy Tan bilang Chief ng Port Operations Division ng Bureau of Immigration ay mayroon nang bagong itinalaga sa pwesto si Commissioner Jaime Morente bilang kapalit nito. Bagama’t ang pagtatalaga ng POD Chief ay nasa kapangyarihan ng kalihim ng Department of Justice, tila napilitan na lamang si Morente na sundin ang kautusan dahil mukhang nahaluan na naman ng pulitika ang usapin dahil may isa daw mataas na opisyal ng BI ang gumapang nito sa Malacañang. Ang POD chief ang isa sa mga posisyon na…
Read MoreMGA PAGNINILAY NGAYONG SEMANA SANTA
MULA pa man noon, ang panahon ng Semana Santa ay itinuturing na panahon ng pagninilay para sa mga Kristiyano. Bagamat muling ipagdiriwang ang Semana Santa sa ilalim ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR+, nananatili ang diwa nito sa aking puso. Bahagi ng aking pagninilay kaugnay ng Pasko ng Pagkabuhay ang katotohanang hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa ukol sa pagharap sa pandemyang COVID-19. Hindi maganda ang sitwasyon ng ating bansa ukol sa laban kontra COVID-19. Patuloy ang pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 kada araw.…
Read MoreFDA KUMAMBYO SA IVERMECTIN
BINAWI na ng Food and Drug Administration (FDA) ang direktiba nitong nagpapatigil sa produksiyon ng Ivermectin. Inilabas ng FDA ang kautusan pabor sa Ivermectin, sa pamamagitan nina Cristal Jule Dolendo at Michael Galang na inisyu noong Marso 29 ng kasalukuyang taon. Ang kautusan ay “To lift the [FDA] directive “Temporarily stop production of affected product lines /stand or batches (Ivermectin)”. Nangangahulugang maaari nang suriin at pag-aralan kung totoong epektibo ang Ivermectin laban sa coronavirus disease – 2019 (COVID-19). Inilabas ang kautusan ng FDA makaraan ang kolektibong panawagan ng mga kilalang…
Read MoreSa laban kontra pagkalat ng COVID-19 FDA, DOMINGO KALABAN NG PILIPINO?
(BERNARD TAGUINOD) IMBES na maging kakampi sa giyera kontra coronavirus diseases 2019, mistulang kalaban pa ng mga Pilipino ang Food and Drug Administration (FDA) sa pangunguna ng director general nito na si Eric Domingo. Ganito ang lumalabas matapos bitin-bitinin ng FDA ang application ni Dr. Allan Landrito para mag-distribute ng Ivermectin sa mga pasyente na tinamaan ng COVID-19 na bukod sa mura ay mabisa umano sa nasabing virus. “Ang red tape sa FDA ay ganito. Nag-apply ako dyan February 11, after 20 working days they send me note. Malabo daw…
Read More