Hindi pag-anunsyo ng vaccine brand UTOS NI DUTERTE

MISMONG si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nag-utos sa lahat ng Local Goverment Units (LGUs) na iwasan ang paga-anunsyo ng brand ng COVID-19 vaccine brands na gagamitin sa mga inoculation site. Tugon ito ng Palasyo matapos palagan ang utos ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng LGUs na tigilan na ang paga-anunsyo ng vaccine brands na naka-iskedyul para sa pamamahagi sa vaccination sites. “Unang-una, si presidente po ang nag-utos niyan dahil nakita nga po niya iyong kawalan ng social distancing doon sa ilang lugar kung saan…

Read More

Trapiko sa Metro Manila ‘manageable’ – MMDA NUMBER CODING SUSPENDED PA RIN

WALA pang nakikitang dahilan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para ibalik ang number coding scheme sa Metro Manila (MM). Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque ay sinabi ni MMDA chair Benhur Abalos na “manageable” naman ang trapiko kaya’t walang rason para ibalik ang number coding scheme kahit pa nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions ang National Capital Region (NCR) simula Mayo 15 hanggang Mayo 31, 2021. Nananatiling suspendido ang number coding scheme na ipinatutupad ng MMDA sa NCR. Iyon nga lamang, “This…

Read More

CHINESE KIDNAP VICTIM NASAGIP

NASAGIP ng mga tauhan ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group ang isang Chinese national na biktima ng hinihinalang organized kidnap for ransom group sa Pasay City, iniulat kahapon. Ayon kay P/Col. Rudolph Dimas, acting director ng PNP-AKG, nailigtas ang 27-anyos na Chinese national na kinilalang si Sun Xia Lin sa inilunsad na rescue operation ng PNP-AKG sa Atrium Hotel sa nasabing lungsod. Nadakip naman ang tatlong sangkot umano sa pagdukot na kinilalang si Alvin Cardeño Israel at dalawang Chinese national na sina Li Fei at Ye Hong. May 16, 2021…

Read More

1 PATAY, 17 ARESTADO SA CAVITE BUY-BUST

CAVITE – Patay ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang manlaban sa mga awtoridad habang 17 ang arestado sa ikinasang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito, nitong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang napatay na si Edwin Callos, 46, ng Brgy. Granados, General Mariano Alvarez, Cavite. Ayon sa ulat ni Pat. Verlee Gym Tigbao ng GMA Police Station, dakong alas-12:30 noong Huwebes ng madaling araw nang nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Group ng GMA MPS sa Brgy. Granados ng naturang…

Read More

TANDEM SUMALPOK SA TRUCK, PATAY

CAVITE – Kapwa binawian ng buhay ang riding in tandem makaraang salpukin ng dump truck ang kanilang motorsiklo nang magpang-abot sa bahagi ng Crossing Junction ng Trece Martires City nitong Huwebes ng madaling araw. Isinugod sa Gen. Trias General Hospital sina Kent Brian Ignacio, 25, driver ng motorsiklo, at Mark Anthony Colong, 25, ngunit kapwa hindi umabot nang buhay. Habang kinilala ang driver ng dump truck na si Edison Estabillo, 38-anyos. Ayon sa ulat ni P/SMSgt. Richard Chavez ng Trece Martires City Police, dakong alas-3:15 ng madaling araw nang mangyari…

Read More

Nagpapasaklolo sa IATF RESORTS OWNERS LUGMOK NA SA PAGKALUGI

LAGUNA –Umapela sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang lungsod ng Calamba at mga resorts owner sa Barangay Pansol, na pahintulutan na silang magbukas at tumanggap ng mga bisita dahil matindi na ang kanilang pagkalugi sa negosyo. Sinabi ni Calamba Mayor Justin Chipeco, halos dalawang libong resorts owner ang apektado dahil sa kawalan ng kita. Aniya, sana ay payagan na ang private resorts na magbukas kahit na ilang porsyento lamang gaya ng ilang hotels at staycations dahil mas ligtas umano ito sapagkat nasa open area ang mga pumupunta. Dagdag pa nito,…

Read More

ACUTE BLOODY DIARRHEA NAITALA SA CALABARZON

LAGUNA – Naitala ng DOH Calabarzon ang bagong kaso ng acute bloody diarrhea sa ilang bahagi ng rehiyon. Patuloy ang kanilang pagbabantay sa pagtaas ng mga kaso ng nasabing sakit sa probinsya ng Quezon at Rizal na mayroon nang 19 at 13 kaso. Ayon kay Regional Director Eduardo Janairo, “The regional office is continuing its disease surveillance and is directly in contact with the local health officials in the provinces. Hindi dapat balewalain ang diarrhea dahil ito ay nakamamatay kung ito ay napabayaan at hindi agad nabigyan ng lunas”. “Ang…

Read More

BRGY., SK OFF’LS PINATUTULONG SA PAGBABAKUNA

INATASAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Manila Barangay Bureau, sa pamumuno ni Romeo Bagay, na tiyaking ang lahat ng punong barangay sa lungsod ay pakikilusin ang kanilang barangay council at Sangguniang Kabataan upang tumulong sa lahat ng bedridden, immobile residents, senior citizens at mga may comorbidities na makapagrehistro sa online upang mabakunahan ang mga ito. Ginawa ito ng alkalde matapos makatanggap ng maraming text messages mula sa netizens na nagtatanong kung paano makapagpapabakuna nang libre ang kanilang mga kaanak na baldado o hindi na makakilos bunga ng…

Read More

15 DAGDAG SA CAMANAVA COVID DEATHS

NAGTALA ng 15 namatay sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Mayo 19, nabatid sa health offices ng nasabing mga lungsod. Ayon sa ulat, sampu ang namatay sa Caloocan at 1,169 ang active cases. Pumalo na sa 29,962 ang total confirmed cases sa lungsod, kung saan 27,929 na ang gumaling at 864 ang namatay. Samantala, dalawa ang binawian ng buhay sa Navotas City at 154 ang active cases sa lungsod makaraang 24 ang nagpositibo at 20 ang gumaling. Sumampa na sa 10,742 ang tinamaan ng COVID sa…

Read More