Skeleton workforce sa ilalim ng GCQ BI OFFICES SA NCR PLUS BUKAS

INANUNSYO ni Commissioner Jaime Morente ng Bureau of Immigration (BI), nananatiling bukas ang kanilang mga opisina sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan tulad ng Laguna, Rizal at Cavite at patuloy ang operasyon sa pamamagitan ng skeleton workforce. Sa public advisory ni Morente, sinabi niyang ang limitadong operasyon ng BI ay bilang pagsunod sa resolusyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na naglagay sa NCR Plus area bubble sa ilalim ng general community quarantine with heightened restrictions. Inatasan ng IATF ang lahat ng government offices sa…

Read More

Sa Taguig 9th vaccination site 800 KATAO TARGET BAKUNAHAN KADA ARAW

BINUKSAN kamakalawa ang ika-siyam na vaccination site sa isang mall sa Mckinley Hill, Brgy. Pinagsama, Taguig City. Layon ng bagong vaccination hub na ito na mapabilis ang kasalukuyang rollout na may 2 vaccination teams per cinema na nagsasagawa ng inoculations sa tinatayang 400 katao na daily capacity. “We have a good number of vaccine supplies as of now. We were told by the national government that there will be more in June. With that, the job of the LGU is to make sure that vaccination is safe, fast, and accessible.…

Read More

MOA PARA SA DAGDAG NA MEDICAL WORKERS

MAGTUTULUNGAN na ang Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) Party-list at ang Quezon City government upang mapabilis pa ang vaccination drive sa lungsod. Lumagda kahapon sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at ang ACT-CIS Party-list sa pangunguna ng magkapatid na radio broadcasters na sina Raffy at Erwin Tulfo, ng Memorandum of Agreement (MOA) hinggil dito, sa isang seremonya na ginanap sa Annabel’s restaurant sa Timog Avenue, QC. Tiniyak ng ACT-CIS na sila ay committed para tumulong sa vaccination program ng Quezon City, sa pamamagitan ng pagbibigay ng medical…

Read More

PANGANGAMPANYA NG MGA POLITIKO NALIMITAHAN NG COVID

KUNG hindi dahil sa COVID-19 na hindi pinigilan ng China na kumalat sa buong mundo, malamang kabi-kabila na ang pangangampanya ng mga politikong tatakbo sa susunod na eleksyon. Bago sumabog ang ­COVID-19, pagtuntong ng ganitong mga panahon ay kabi-kabila na ang pangangampanya ng mga politiko. Nandyan yung magpapatawag ng pulong sa bawat barangay ang mga local officials para magparamdam. Bawat barangay pinupuntahan na ni Mayor lalo na sa mga probinsya na hindi niya ginagawa kapag nanalo na siya. Saka lang sila magpaparamdam isang taon bago ang eleksyon. Kaya kunwari 50…

Read More

MARAMI PA RING PASAWAY

MAHIGIT isang taon na tayong naghihirap dahil sa COVID-19 pero ang dami pa ring mga Pinoy ang pasaway. Tulad na lamang kamakailan nang dagsain ng mga tao ang Gubat sa Ciudad sa Brgy. 171 Bagumbong, Caloocan City kasabay ng selebrasyon ng Mother’s Day. Sa kabila ng mahigpit na pagbabawal sa mass gathering kasabay pa ng pagpapatupad ng mahigpit na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa National Capitol Region plus ay binalewala pa rin ito ng pamunuan ng Gubat sa Ciudad. Mahigit kumulang sa limang daang katao ang dumagsa sa nasabing…

Read More

KONTRA – MANGGAGAWA SI DUTERTE

LAHAT naman ng naging pangulo ng Pilipinas ay hindi maganda ang pagtrato sa manggagawa kung ihahambing ang mga patakaran at direktibang inilabas para sa mga negosyante o kapitalista. Syempre , higit na kinampihan at sinuportahan ng mga pangulo ang mga negosyante kaysa mga manggagawa. Kabilang diyan si Pangulong Rodrigo Duterte. Sabihin n’yo kung mali ako. Kastiguhin ninyo ako kung kumbinsido kayo na ­napakaraming nagawa si Duterte para sa mga manggagawa simula nang maging pangulo siya noong Hunyo 2016 hanggang ngayong malapit nang matapos ang kanyang termino. Ang kakaiba kay Duterte…

Read More

DILG BIBIGYAN NG PAPEL SA VACCINE DELIVERIES

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dapat maging kabahagi ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa ninanais ng Pfizer na direct vaccine delivery ng kanilang mga bakuna. Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., gusto ng Pfizer na huwag nang magkaroon ng double handling at sa halip ay ideretso na agad ang kanilang bakuna sa kinauukulang Local Government Unit (LGUs). Sinabi ng pangulo na ang magiging trabaho ng DILG ay tingnan kung ano pa ang kakailanganin sa paghahatid ng bakuna at matiyak na mapananatili ang integridad ng…

Read More

17-ANYOS PABABA BABAKUNAHAN DIN

HANDA ang pamahalaan na bumili ng bakuna na akma para sa mga 17 years old below. Ito ang siniguro ni Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez, Jr. sa harap ng ulat na maaari na rin umanong ipagamit ang ilang US brand vaccine sa nasabing age bracket. Aniya, hindi nawawala sa vision ng pamahalaan na maprotektahan din ang mga kabataan sa harap ng pinalalakas na vaccination program ng gobyerno. “Ang nakikita po natin i-evaluate pa po kung talagang bababa na po tayo, kung puwede na pong bumaba ang mga vaccine…

Read More

Ilang buwan matapos magbarilan, resulta ng imbestigasyon wala pa rin COVER UP SA QCPD-PDEA SHOOTOUT?

(NELSON S. BADILLA) INAABANGAN ng publiko ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa barilan ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) upang malaman kung sino sa dalawang armadong sangay ng pamahalaan ang naunang nagpaputok at kung totoong kapwa lehitimo ang kanilang operasyon. Ngunit, hanggang ngayong Mayo 20 ay wala pang abiso sa media si NBI Spokesman Ferdinand Lavin kung kailan ilalabas ang resulta ng imbestigasyon ng ahensiya sa engkuwentrong naganap noong Pebrero 24 sa…

Read More