PATUNAYAN NINYONG WALANG KORAPSYON SA FDA

MARAHIL nagsimula na ang Anti – Red Tape Authority (ARTA) sa pagtanggap sa mga paliwanag ng Food and Drug Administration (FDA) hinggil sa reklamong pagkaantala ng mahigit 600 aplikasyon ng iba’t ibang kumpanya upang maibenta na sa mga palengke ang kanilang mga produkto. Kasama sa mga ­aplikasyon ay isinumite pa ng mga ­kumpanya noong 2014. Pokaragat na ‘yan! Hindi pa si Rodrigo Duterte ang pangulo ng Pilipinas n’yan. Hindi pa si Undersecretary Rolando Enrique “Eric” Domingo ang administrador ng FDA n’yan. Nang nabunyag sa media ang aksyon ng ARTA hinggil…

Read More

PAGBABAKUNA SA KABATAAN, DAPAT NANG ARALIN NG GOBYERNO

PANAHON na upang pag-aralan at paghandaan ng national at local government ang pagbibigay ng COVID 19 sa younger population o sa kabataan. Ayon kina Senador Sonny Angara at Senador Sherwin Gatchalian, dapat matuto rin ang Pilipinas sa mga pamamaraang isinagawa sa ibang bansa tuald ng Estados Unidos sa pababakuna sa mga teenagers. Sinabi ni Angara na sa pamamagitan ng pagbabakuna sa school-age children, matityak na ang proteksyon sa malawak na populasyon sa bansa. “Yung nasa basic education natin, mga 28 million sila. Yung nasa tertiary, mga 3.4 million. If combined,…

Read More

Kaya ‘choosy’ ang taumbayan sa bakuna – solon DOH KULANG SA PALIWANAG

HINDI ang brand ng bakuna kundi ang kakulangan ng Department of Health (DOH) sa maayos na pagpapaliwanag ang dahilan ng mistulang pamimili pa ng taumbayan ng COVID-19 vaccine na ituturok sa kanila. Ito ang paniniwala ng ilang senador matapos na ring mapansin na dinumog agad ng taumbayan ang Pfizer vaccines habang ang ilang bakuna ay hindi pinapansin. Dahil dito, naglabas ng kautusan ang DOH na huwag nang ipaalam sa publiko ang bakunang ibibigay bawat araw na tinutulan naman ng ilang mambabatas. “Kaya nga meron ng informed consent form kasi binibigyan…

Read More

PUV DRIVERS UNAHIN SA BAKUNA

HINIKAYAT ni Senador Grace Poe ang pamahalaan na bigyan ng prayoridad ang public utility drivers at iba pang manggagawa sa sektor ng transportasyon sa pagbabakuna ng pamahalaan. Sa pahayag, sinabi ni Poe, chairman ng Senate Committee on public services, na kailangan nang mapabakunahan ang mga PUV driver upang makabangon sila sa kahirapan na dinanas sa panahon ng mahipit na lockdown dahil walang ayudang dumating sa kanila. “Mahigit isang taon sa ilalim ng lockdown, hirap pa rin sa pag-ahon ang ating mga public utility vehicle (PUV) driver. Napag-iwanan na nga sa…

Read More

Para talakayin ang usapin sa WPS DUTERTE MAKIKIPAGPULONG SA MGA DATING PRESIDENTE

PINAG-IISIPAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na konsultahin ang kanyang mga predecessor kaugnay sa incursions ng China sa West Philippine Sea sa halip na pulungin ang National Security Council (NSC). Tugon ito ng Palasyo sa sinabi ni dating Senador Rodolfo Biazon na kailangan nang hikayatin ng mga senador si Pangulong Duterte na pulungin ang NSC para linawin ang nakalilitong posisyon ng pamahalaan sa usapin ng WPS. “Unang-una, wala pong confusing sa stand ni Presidente sa West Philippine Sea,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Aniya, ang polisiya ng pangulo sa…

Read More

BAKUNA NG PRIVATE COMPANIES, NOT FOR SALE

MULING inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na “ilegal” ang pagpapabayad ng mga pribadong kumpanya sa pagpapabakuna ng kanilang mga manggagawa laban sa coronavirus disease-2019 (COVID-19). Idiniin ni Bello na hindi dapat sinisingil ng mga pribadong kumpanya ang kanilang mga manggagawa na handang magpabakuna. “Bawal po ‘yun, kung babakunahan, babakunahan sila, dapat libre kasi sagot ng ating pamahalaan ‘yan eh,” banggit ni Bello sa panayam sa radyo. Matatandaang ilang buwan na ang nakalipas nang sabihin ng kalihim ang mahigpit na pagtutol ng Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil…

Read More

Apela ng solon sa DepEd TAMANG PAGBOTO ITURO SA KABATAAN

HINILING ng isang lider ng mababang kapulungan ng Kongreso sa Department of Education (DepEd) na turuan na ang mga kabataan kung papaano pumili ng mga kandidato na karapat-dapat mamuno sa bansa. Ayon kay Deputy Speaker Bienvenido Abante, kailangang maturuan na ang mga kabataan sa elementarya at high school ng paraan sa pagpili ng mga kandidato para maihanda ang mga ito bago pa man sila makaboto pagdating nila sa edad na dise otso. Sinabi ng mambabatas na pangunahin sa dapat ituro ng DepEd ay ibase ang pagboto sa 3 “C” ng…

Read More

PFIZER BRAND IBIGAY SA MAHIHIRAP – PDU30

(CHRISTIAN DALE) IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipamahagi ang coronavirus vaccines na dinevelop ng Pfizer Inc. sa indigent population. Nais ng pangulo na ang American-made vaccines ay mapunta sa mahihirap na komunidad na mayroong “low vaccine take-up” at hindi sa shopping malls. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na hangad ng pangulo na mapalakas ang indigent population laban sa sakit. “Ipinag-utos ng pangulo na ibigay ang Pfizer sa mahihirap o sa indigent population dahil ‘yan ang patakaran ng COVAX facility,” ayon kay Sec. Roque. “Dagdag ng presidente na…

Read More

Solons sa panukala ng DOH at DILG SECRET SA VAX BRAND ILLEGAL

(BERNARD TAGUINOD) PINALAGAN ng ilang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso ang desisyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Health (DOH) na hindi na ipaaanunsyo kung anong brand ng COVID-19 vaccine ang available sa mga vaccination center upang maiwasan ang pagkakagulo. “It is immoral, illegal, and unjust,” paglalarawan ni minority Rep. Natasha Co at paglabag din umano ito sa karapatan ng mamamayan na pumili ng bakuna na nais nilang isaksak sa kanilang katawan. Ang desisyon ng DILG at DOH ay kasunod ng pagsugod ng mga…

Read More