TINEDYER NA SUSPEK SA PAGNANAKAW ITINUMBA

RIZAL – Patay ang isang 19-anyos na lalaking suspek sa pagnanakaw makaraang pagbabarilin, habang nasugatan naman ang kasama nito sa insidenteng nangyari sa Brgy. Dalig, Antipolo City sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Kinilala ang biktimang sina John Howard Gabine Domingo, 19, at Ronaldo Ortiz Santos, 30-anyos. Base sa imbestigasyon ng Antipolo City Police, naglalakad ang dalawang biktima bandang alas-5:00 ng hapon sa Tapales St., Sitio Tubigan ng naturang lugar nang may humintong kalalakihang nakamotoriklo at pinagbabaril si Gabine hanggang sa mapatay. Tinamaan din ng bala si Ortiz na…

Read More

SEAMAN PATAY SA AMBUSH

BINUBUSISI ng mga awtoridad ang pagpaslang sa isang 25-anyos na seaman na pinagbabaril habang naglalakad sa Malate, Manila noong Linggo ng gabi. Hindi umabot nang buhay sa pinagdalhang pagamutan ang biktimang si John Carlo Estember, residente sa Singalong St., Malate. Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng tumakas na gunman. Batay sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-7:00 ng gabi nang mangyari ang pamamaril sa biktima sa Angel Linao St. sakop ng Brgy. 731 sa Malate. Sa initial report ng pulisya, habang naglalakad si…

Read More

Makaraang madakip sa drug buy-bust KASO VS 2 PERSONNEL TINIYAK NG PCG

BUKOD sa kasong kriminal, tiniyak ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) na haharap ang dalawa nilang personnel sa kasong administratibo makaraang madakip sa inilatag na buy-bust operation sa Zamboanga City noong Mayo 15. Kasabay nito, mariing kinondena ni PCG commandant, Admiral George Ursabia Jr. ang ginawa ng dalawa niyang tauhan. “I have been repeatedly urging our men and women to live up the ideals of genuine PCG – patriotism, compassion, and fear of God. I compel fellow senior PCG officers and personnel to shepherd their subordinates towards serving with…

Read More

DRIVE-THRU VACCINATION FACILITY ITATAYO SA PITX

MAGTUTULUNG-TULONG ang lokal na pamahalaan ng Parañaque, Southern Police District Office at ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na matiyak ang ligtas na pagbiyahe at iwas-hawa ng COVID-19 sa mga pasahero sa susunod na mga araw. Sa isinagawang weekly Southern Metro Manila Press Club Forum @ PITX, sinabi ni Jason Salvador, PITX Corporate Affairs and Government Relations head, umaabot sa 40,000 pasahero ang dumadagsa kada araw sa PITX kaya malaking bilang ang inaasahan nilang mababakunahan sa sandaling mailagay na ang drive-thru vaccination facility sa third-floor ng PITX sa pakikipagtulungan ng…

Read More

5 PATAY SA COVID SA CALOOCAN, MALABON

NABATID na apat ang namatay sa COVID-19 sa Caloocan City at isa naman sa Malabon City noong Mayo 16, ayon sa health offices ng nasabing mga lungsod. Pumalo na sa 29,355 ang total confirmed cases sa Caloocan, at sa nasabing bilang ay 1,206 ang active cases, 27,310 ang gumaling at 839 na ang namatay. Umakyat naman sa 428 ang COVID death toll sa Malabon makaraang isang pasyente ang bawian ng buhay. Habang 18 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 12,799 ang positive cases sa siyudad, 284 dito…

Read More

MAS PINAGANDA, MAS PINASULIT NA GLOBE AT HOME PREPAID WIFI HOMESURF99

PATULOY ang pagtugon ng Globe At Home Prepaid Wifi sa pangangailangan ng matibay at abot-kayang internet, kabilang na rito ang kanilang mas pinalakas na HomeSURF99. Papatok ito habang ang bawat miyembro ng pamilya ay work-from-home o nag-aaral online sa bahay. Nasa 15GB na ito at gagana ng hanggang limang araw! Sa murang halaga na 99 pesos lang ay may 10GB na ng data para patuloy ang pag-aaral, pagnenegosyo, o paggamit ng social media para sa buong pamilya. May additional pa na 5GB (1GB daily) data para magamit ang iba’t ibang…

Read More

ALIAS JC LITTLE COMMISSIONER NG BI?

DAPAT imbestigahan ng bagong talagang Chief ng Philippine National Police (PNP) at Action Man na si Director General ­Guillermo Eleazar ang isang aktibong opisyal ng PNP. Sa kabila na wala na ito sa Bureau of Immigration ay siya pa rin ang maituturing na little Commissioner ng BI na diumano ay mas makapangyarihan pa sa ibang matataas na opisyales ng ahensya. Si Alias JC ay itinalaga noon ni BI Commissioner Jaime Morente ilang taon na ang nakakaraan matapos sumabit ang mga dati niyang tauhan sa 50 Million Pesos na bribery scandal.…

Read More

DOFIL SINIMULAN NANG HIMAYIN NG SENADO

MATAPOS ang maraming buwan na paghihintay ay natapos na rin ang isinasagawang Senate Committee hearing na pinamumunuan ni Senador Joel Villanueva ng Senate Committee on Labor and ­Employment. Sa pagtatapos nito ay ­sinimulan naman ang pagpapatawag sa mga stake ­holders upang maging kabilang sa ­Senate Technical Working Group (TWG) upang himay-himayin, pagsama-samahin at talakayin ang iba’t ibang bersyon ng batas na isinampa ng mga senador. Kabilang dito ang mga ­senate bills nina Senador Christopher Go na Senate Bill 1949 at Senate Bill 202, Senate Bill 1848 ni Senador Joel Villanueva,…

Read More

MAS PINALAWAK AT MAS PINAGHUSAY NA SERBISYO NG BAYAD

SA pagkakaroon ng bagong normal ngayong panahon ng pandemyang COVID-19, napakahalaga para sa mga kumpanyang naghahatid ng iba’t ibang uri ng produkto at serbisyo ang umangkop sa mga pagbabagong dulot ng pandemya upang patuloy na makapaghatid ng mahusay na produkto’t serbisyo sa publiko. Upang makatulong sa pag-iwas sa virus, mainam kung ang mga transaksyon gaya ng pagbabayad ng bills, mga serbisyo, at pamimili ng iba’t ibang produkto ay maaaring gawin online upang hindi na kailangan pang lumabas ng bahay ang mga konsyumer. Kaugnay nito, ang isa sa pinakakilala at pinagkakatiwalaang…

Read More