Rabiya bigong umariba sa Top 10 69TH MISS U CROWN NASUNGKIT NI MISS MEXICO

NAG-UUMAPAW ang kasiyahan ngayon ng mga Mexicano matapos tawagin ang pangalan ng kanilang pambato na si Andrea Meza na sumungkit ng korona sa katatapos na prestigious Miss Universe pageant. Si Andrea ng Mexico ang kinoronahang Miss Universe 2020. Ang nagpasa ng korona ay si Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi ng South Africa na itinuturing na longest reigning Miss Universe dahil naudlot ang paligsahan noong isang taon kaugnay ng pagputok ng COVID-19 sa buong mundo. Si Andrea ang ikatlong Mexican na nanalong Miss Universe, pagkatapos nina Lupita Jones noong 1991 at…

Read More

Andaya ibinunyag ang ‘espesyal’ na relasyon ng dating kongresista kay Robredo BANAL BOYLET NGA BA?

(NELSON S. BADILLA) IBINUNYAG ni dating Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr. ang ‘espesyal’ umanong relasyon ni Bise Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo kay dating Quezon City Rep. Jorge “Bolet” Banal. Sa kanyang panayam sa DZRH sa Bicol, inilahad ni Andaya na “ipinagtitimpla niya (Banal) ng kape si Leni, e di naman siya waiter”. Tinumbok ni Andaya na kapag pumupunta raw siya sa opisina ni Robredo sa Maynila ay naroon si Banal na nagtitimpla umano ng kape para sa pangalawang pangulo ng bansa. Ipinunto ni Andaya na ang dapat na…

Read More

Resulta magiging kaduda-duda sa SD card na kayang i-reformat DAYAAN SA 2022 POLLS KASADO NA?

(BERNARD TAGUINOD) ISANG mambabatas sa Kamara na hindi muna nagpabanggit ng pangalan ang nagsabi na ngayon pa lamang ay pagdududahan na ang magiging resulta ng 2022 elections kung mapatunayang totoo ang alegasyon na nare-reformat ng Commission on Elections (Comelec) ang Write Once Read Many (WORM) SD (secure digital) card. Sa kondisyong huwag munang pangalanan habang pinag-aaralan ang reklamong isinampa ng Joint Venture, sinabi ng mambabatas na kailangang imbestigahan kung kayang pakialaman ng Comelec ang WORM SD card. Lumutang ang usaping ito matapos maghain ng reklamo ang kumpanya na diniskwalipika sa…

Read More

58M SA COVID-19 HOTSPOT AREAS TARGET BAKUNAHAN

TARGET ng Pilipinas na mabakunahan ang 58 milyong indibidwal o 70% ng 83 milyong katao na nakatira sa COVID-19 hotspots para makamit ang herd immunity. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang tinaguriang hotspots areas ay ang National Capital Region, Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Cavite, Pampanga, Laguna, Batangas, at Rizal. Ang expansion areas, sa kabilang dako ay kinabibilangan naman ng Region 3, Region 4, Cagayan de Oro, Baguio City, Zamboanga City, Bacolod City, Iloilo City, General Santos, Iligan City, Region 7 at Region 11, Region 10, Region 6,…

Read More

LOCAL OFFICIALS ISINAMA NA SA A1 VACCINE PRIORITY LIST

INILIPAT ng pamahalaan ang mga local government official sa A1 priority list ng COVID-19 vaccination program sanhi ng “high exposure” ng mga ito sa coronavirus. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, nabibilang na ngayon sa A1 group ang mga lokal na opisyal kahalintulad ng health workers. Ang mga lokal na opisyal ngayon ay nasa ilalim na ng A1.5. “The mayors, governors, they are the ones implementing localized lockdown, prevention, detection, isolation, treatment and recovery programs. While they are not from the medical field, they are equally the frontliners in implementing…

Read More

ECONOMIC BILLS, TARGET APRUBAHAN NG SENADO

TARGET ng Senado na aprubahan ang mga panukala na may kinalaman sa pagbuhay sa ekonomiya sa kanilang tatlong linggong sesyon Mayo hanggang Hunyo. Ayon kay Senate Majority Leader Migz Zubiri, napagkasunduan ng mga senador sa kanilang halos isang oras na caucus ang ilang panukala kabilang na ang pag-amyenda sa Public Service Act, Foreign Investment Act, at iba pa. Napagkasunduan din ng mga senador sa caucus ang pagkakaroon ng session tuwing Huwebes upang maging 12 ang araw ng kanilang sesyon bago mag-adjourn sa Hunyo. Una nang sinertipikahang urgent bill ang pag-amyenda…

Read More

P15-B GINASTOS NG PHILHEALTH SA COVID-19

LAGPAS na sa P15 billion ang ginagastos ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa COVID-19 dahil maging ang remdesivir ay ginagastusan nila nang malaki. Ito ang isiniwalat ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House committee on good government and public accountability sa kabagalan ng Food and Drug Administration (FDA) kaugnay ng pagpabor ng mga ito sa remdesivir subalit pagdating sa murang gamot tulad ng ivermectin ay ang bagal ng desisyon ng mga ito. “Mr. Chair as of now, for the record…P15 Billion na po…the last…

Read More

NAGNAKAW SA BANGKO NAARESTO SA CURFEW

QUEZON – Arestado ang isang bank robbery suspect matapos na masita ng mga pulis dahil sa paglabag sa curfew sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si John Alcris Morante Baloran, 25, taga Barangay San Miguel, Sto. Tomas, Batangas. Ayon sa report ng Sariaya Police, nasita ang suspek habang naglalakad sa Maharlika Highway sa Barangay Hibanga patungo sa direksyon ng Lucena. Nang beripikahin ang dala-dalahan nito, nakita ang ilang Card Bank saving accounts na may iba-ibang pangalan mula sa Card Bank…

Read More

DRUG DEN NABUWAG NG ZAMBALES PPO

MALINAW ang kampanya ni bagong talagang PNP chief, Gen. Guillermo Eleazar, ang magkaroon ng clean governance. Tumalima rito si PNP Zambales Provincial Director, P/Col. Romano V. Cardiño sa pamamagitan ng pag-arestado sa limang drug personalities. Noong Linggo, Mayo 16, dakong alas-12:35 ng madaling araw, sa Purok 3C, Sitio Tahimik, Brgy. Calapacuan, Subic, Zambales, nadakip ng mga tauhan ni Cardiño ang mga suspek na sina Benjamin Cruz y Monteverde, drug maintainer; Elmer Bais y Villanueva, make-up artist; Rex Soriano y Bagorio, mangingisda; Emmanuel Reyes y Guevarra, jobless, at Marvin Toralba y…

Read More