IMINUNGKAHI ni Senador Joel Villanueva sa gobyerno na magtalaga ng mga drive-thru para sa bakuna o isang mega vaccination site para sa libo-libong delivery riders at couriers sa Mega Manila para umarangkada ang paggamit ng 5.1 milyong bakuna na malapit nang mag-expire. Iginiit ni Villanueva na mapabibilis ang pagbabakuna sa mga delivery rider kung magtatalaga ng vaccination site nang hindi na kailangan pumila at makisabay pa sa mga LGU facility. Bilang mga “essential workers,” malaking tulong sila sa mamamayan, lalo na noong panahon ng mahigpit na lockdown dahil sila ang…
Read MoreMonth: May 2021
DAGDAG NA LIVELIHOOD SA SENIORS HIRIT NI POE
HINIKAYAT ni Senador Grace Poe ang pamahalaan na dagdagan ang livelihood programs para sa senior citizen na maaari nilang gawin sa loob ng tahanan upang matulungan silang makaagapay sa panahon ng pandemya ng coronavirus. Sa pahayag, naniniwala si Poe na malaki ang maitutulong ng senior citizens sa pagbangon ng ekonomiya dahil malalim ang kanilang karanasan at kaalaman na naipon sa mahabang panahon kaya walang duda sa kanilang kakayahan. Ipinanawagan ito ni Poe matapos iulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas ang bilang ng taong naghahanap ng trabaho na may…
Read MorePILIPINAS GOT TALENT FINALIST HULI SA SHABU
LAGUNA – Kalaboso ang isang finalist ng ABS CBN’s “Pilipinas Got Talent” makaraang madakip sa kasong drug trafficking sa lalawigang ito. Kinilala ni Laguna Police Provincial Director, Col. Serafin Petalio II ang suspek na si Mark Joven Olvido, 30-anyos, driver, mula sa Sitio Maunawain, Brgy. Duhat, Sta. Cruz, Laguna. Nadakip ang suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng LPPO Drug Enforcement Unit, na pinangunahan nina Lt. Henry Sasakuya at Sta. Cruz Municipal Police Station chief, Lt. Col. Chitadel Gaoiran, noong Biyernes ng hapon. Nakumpiska sa suspek ang tatlong…
Read More420 PASAWAY HULI SA CALAMBA
LAGUNA – Umabot sa 420 indibidwal ang nadakip sa police checkpoints sa Calamba City dahil sa paglabag sa minimum health protocol mula alas-5:00 ng madaling araw hanggang alas-9:00 ng gabi noong Mayo 14, 2021 habang nasa ilalim pa ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang lalawigan. Ayon sa ulat ni Laguna Police Provincial Director, P/Col. Serafin Petalio II kay Regional Director, P/BGen. Eliseo Cruz, kabilang sa mga nahuli sa police checkpoint ay mga hindi nagsusuot ng face mask at face shield. Gayunman, ang nahuling mga indibidwal ay hindi kinasuhan kundi…
Read MoreRIDER PATAY SA JEEP AT MOTORSIKLO
CAVITE – Patay ang isang construction worker nang makasalpukan ang isang jeep at bumangga pa sa motorsiklo ng isang staff nurse sa Trece Martires City noong Biyernes ng gabi. Isinugod sa City of Gen. Trias City Medical Center ang biktimang si Elmer Dalida, 35, binata, ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas. Ayon sa ulat ni P/SMSgt. RR Tall ng Trece Martires City Police, dakong alas-5:30 ng hapon nang mangyari ang insidente. Galing ang biktima sa Manggahan area sakay ng kanyang motorsiklo patungo sa direksiyon ng Trece Martires City…
Read MoreASSAULT SUSPECT TIMBOG SA MAYNILA
ARESTADO sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang 42-anyos na lalaki sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong ‘direct assault upon agent or person in authority’ sa Mandaluyong City. Inirekomenda ng korte ang pyansang P12,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek na kinilalang si Remil Santos, binata, jobless, ng Coronado St., Barangay Hulo, Mandaluyong City. Batay sa ulat nina P/Major Geuel Capuz ng Intelligence Section, at P/Lt. Renato Ramento na isinumite kay P/Lt. Col. Orlando Mirando Jr., station commander ng MPD-Sta. Ana Police Station 6,…
Read MoreMga tomador nakaiskor ALAK PWEDE NA SA MALABON
SA kabila ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban muna ang pagdiriwang ng mga pista, pihadong parang Pasko ng Pagkabuhay ang nadama ng mga lasenggo sa Malabon City simula ngayong araw, Mayo 15, makaraang payagan nang muli ang pagbebenta ng alak sa lungsod, alinsunod sa Executive Order No. 21-05-14-012. Gayunpaman, tanging mga establisiyementong may business permit ang pinapayagang magbenta ng alak. Maaaring magbenta at uminom ng alak sa Business Permit and Licensing Office (BPLO)-registered establishments hanggang alas-9:00 ng gabi at hindi hihigit sa dalawang bote ang pwede kada customer.…
Read More7 DAGDAG SA COVID DEATHS SA 3 CAMANAVA CITIES
PITONG COVID-19 patients ang binawian ng buhay sa Caloocan, Malabon at Navotas noong Mayo 14, nabatid sa health offices ng nasabing mga lungsod. Ayon sa ulat, apat ang patay sa Caloocan City at 1,390 ang active cases. Pumalo na sa 29,130 ang total confirmed cases sa lungsod at sa nasabing bilang ay 26,908 na ang gumaling at 832 ang namatay. Umakyat naman sa 426 ang COVID death toll sa Malabon City matapos na dalawa ang naitalang sumakabilang buhay dahil sa coronavirus. Bukod dito, 58 ang nadagdag na confirmed cases at…
Read MoreBAYANIHAN 3, DAPAT UNAHIN NG KAMARA SA PAGBUBUKAS NG SESYON-ROBES
ISINULONG ngayon ni San Jose Del Monte City Rep. Florida Robes ang pagpapasa sa panukalang Bayanihan 3 na dapat aniyang bigyan ng prayoridad ng Kongreso sa pagbubukas ng sesyon sa Lunes, Mayo 17, 2021 Sa kanyang pahayag, sinabi ni Robes na marami pang nararapat na isagawang pagtulong sa mga nawalan ng trabaho at sa mga nagsarang kompanya na resulta ng pandemya, lalu na ang patuloy na pagbagsak ng ekonomiya na nagreresulta ng pagurong ng kabuhayan ng bansa. “We have yet to recover. In the meantime, unemployment is up, the economy…
Read More