2 PANG MMDA TRAFFIC ENFORCERS SIBAK SA EXTORTION

DALAWA na namang traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang tinanggal sa serbisyo dahil sa pangongotong sa motorista. Nang mapatunayan sa imbestigasyon ng MMDA na nanghingi at tumanggap sina Mark James Ayatin at Jason Salibio ng P300 mula sa isang Christ Edward Lamagui ay inaprubahan ni MMDA Chairman Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. ang pagtanggal sa dalawa dahil sa kasong “grave misconduct as public employees”. Sina Ayatin at Salibio ay nakadestino sa C5 Special Traffic Zone sa Lungsod ng Taguig. Ilang araw na ang nakalipas nang sinibak din ni…

Read More

Hiling ng labor coalition sa Kamara WORKERS IPRAYORIDAD ‘WAG CHACHA

UNAHIN at tutukan ng Kamara de Representantes ang hindi mainam na kalagayan ng mga manggagawa imbes na ang pagbabago sa Konstitusyon. Ito ang panawagan ng NAGKAISA Labor Coalition sa liderato ng Kamara, partikular kay House Speaker Lord Allan Jay Velasco, makaraang aminin ng huli sa media na kagyat na aatupagin at reresolbahin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Resolution of Both House No. 2 (RBH-2) hinggil sa Constitutional Change (Chacha). Lubos na naniniwala si Velasco na Chacha ang ‘solusyon’ sa paglala ng kahirapan ng mga Filipino mula nang umatake ang…

Read More

PDU30 NAGMATIGAS SA MGA KANO

PINANINDIGAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang posisyon na hindi payagan ang tropa ng Pilipinas na makiisa sa anomang giyera kasama ang Estados Unidos sa ilalim ng kanyang liderato. Pahayag ito ni Pangulong Duterte matapos nitong batikusin ang naging papel umano ng Estados Unidos sa pag-atras ng Philippine vessels mula sa Scarborough Shoal noong 2012 sa gitna ng standoff sa China. “Please do not include my country… Sa panahon ko, there will never be a time that I will allow my soldiers to go somewhere to fight and join…

Read More

Sabwatang Smartmatic at Comelec ibinisto SABOTAHE SA VCM BIDDING NABUKING

(BERNARD TAGUINOD) MISTULANG nabuko ang Commission on Elections (Comelec) na “napakikialaman” at kayang palitan ng mga ito ang resulta ng halalan matapos ang isinagawang bidding na pinanalunan na naman ng Smartmatic nang idiskuwalipika ang isang bidder dahil lang umano sa teknikalidad. Sa manifestation and verified complaint ng natalong bidder ng Pivot International, Inc. and Power Serve (PSI), Inc. Joint Ventures na kinakatawan ni Steven Allen Bhyer sa Comelec, nabuko na kaya nitong ireformat ang mga umano’y “WORM” o Write Once Read Many card. Sa WORM card pinapasok ang mga resulta…

Read More

SESYON SA KONGRESO HYBRID PA RIN

HINDI pa rin isandaang porsyento ang operasyon ng mababang kapulungan ng Kongreso sa pagbabalik ng mga ito sa kanilang regular session simula ngayong araw dahil nananatiling mataas ang banta ng COVID-19. Ito ang nabatid kay House Speaker Lord Allan Velasco kaya tulad ng nakaraan ay “hybrid” o idadaan sa zoom ang session at ilan lang ang papayagang dumalo sa aktuwal na trabaho sa plenaryo ng Kapulungan. “Gusto ko sanang bumalik na tayo sa pre-pandemic eh kaya lang ang problem is talaga, kitang-kita naman natin na medyo nakakatakot itong COVID-19 kaya…

Read More

Gugulong na sa Kamara WALA NANG ATRASAN SA LEONEN IMPEACHMENT

(BERNARD TAGUINOD) WALA nang atrasan sa impeachment case na kinakaharap ni Supreme Court (SC) Associate Justice Mario Victor “Marvic” Leonen sa mababang kapulungan ng Kongreso. Ito ang tiniyak ni House Speaker Lord Allan Velasco sa isang panayam kaugnay ng agenda ng Kamara sa pagbabalik session ng mga ito ngayong araw, Lunes, Mayo 17. “With the Leonen impeachment, naforward na natin yan sa Rules committee so they have 3 (session) days to be able to refer it to Committee on Justice,” ayon kay Velasco. Bago natapos ang sesyon ng Kamara noong…

Read More

Sen. Go kumpiyansa sa takbo ng pagbabakuna HERD IMMUNITY MAKAKAMIT NG PINAS

“THERE is light at the end of the tunnel.” Ito ang kumpiyansang ipinahayag ni Senator Christopher “Bong” Go, kasunod na rin ng pagsusumikap ng pamahalaan na makapagbakuna ng may 50 milyon katao hanggang sa Setyembre at maabot ang 70 milyong target sa pagtatapos ng taong 2021 upang makamit ng bansa ang herd immunity laban sa COVID-19. “Bilisan natin ang ating vaccine rollout at ni isang dose ay hindi dapat masayang dahil talagang agawan ang supply ng bakuna. Paigtingin at pabilisin natin lalo ang pagbabakuna para ma-attain natin ‘yung herd immunity…

Read More

Solon sa PNP at PDEA DRUG WAR OPS PAG-USAPAN

NARARAPAT talagang mag-usap ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) hinggil sa kanilang anti-drug operations para maiwasan ang misencounter, ayon sa Anti-Crime and Terrorism – Community Involvement and Support (ACT-CIS) Party-list. Sa isang panayam, sinabi ni ACT-CIS Rep. Eric Yap, “coordination lang ang susi para walang mapatay o masaktan sa government forces on this continuing war on drugs”. Ang tinutukoy ni Cong. Yap ay ang engkuwentro na muntik na namang maganap sa pagitan ng mga tauhan ng PNP at PDEA, sa isang mall sa Fairview, Quezon…

Read More

Pulso ng Masa sa mga makabuluhang issues ng bayan, games at public service kumpletong handog ni Kuya Jing sa kanyang Facebook live

Ilang beses ko na din napanood ang Facebook live episodes ni dating Senador Jinggoy Estrada o Kuya Jing at talaga naman di ka mababagot. Bukod sa mga nakakatawang hirit ni Kuya Jing ay binibigyan din nya ng pagkakataon ang mga viewers nya na ilabas ang saloobin sa mga maiinit na issue na kinakaharap ng ating bansa. Nitong Byernes ay tungkol sa COVID19 vaccine ang usapin at sa mayorya sa libong viewers nya ay willing na willing magpabakuna. Sana nga ang mapabilis ng gobyerno ang vaccine roll out. Dagdag saya at…

Read More