UMABOT sa 4,000 nurses ang nawalan ng trabaho sa ibang bansa dulot ng coronavirus disease-2019 (COVID-19). Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) consultant Marianito Roque, nagsimulang mawalan ng trabaho ang mga nars noong Setyembre 2020. Ani Roque, nadiskubre ang malaking bilang ng mga nars na nawalan ng trabaho sa database ng Overseas Workers Assistance and Information System (OASIS) ng DOLE. Sa kabila nito, maaaring magkaroon din ng trabaho ang 4,000 nars kung kukunin sila ng Department of Health (DOH) upang maging bahagi ng ‘sundalo’ ng health workers na…
Read MoreMonth: May 2021
SENADO MAGDARAGDAG NG SESSION DAYS
BITIN para sa mga senador ang siyam na session days sa pagbabalik ng kanilang sesyon sa Mayo 17 hanggang sa kanilang sine die adjournment sa Hunyo 5. Dahil dito, plano ng mga senador na magsagawa rin ng sesyon tuwing Huwebes upang maging 12 pa ang natitira nilang session days. “I will propose to have sessions on Thursdays which we had in the Old Congress so we can have 12 days instead of 9,” saad ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III. Suportado naman ito ng mga senador at posibleng aprubahan…
Read MoreSINGAPORE NAUNGUSAN NA NG PH SA PAGBABAKUNA
PINALAGAN ng Malakanyang ang paratang ng mga kritiko ng Duterte administration na kulelat ang Pilipinas pagdating sa dami ng mga nabigyan na ng COVID-19 vaccines. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, kung pagbabasehan ang datos ukol sa bilang ng mga nabakunahan ay pumapangalawa na aniya ang bansa sa ASEAN region. Bukod dito, hindi naman nakikipag-unahan o nakikipagkumpetensya ang Pilipinas sa ibang mga bansa sa rehiyon subalit kailangan lamang aniya na sabihin ang totoong estado ng vaccination program para patunayan sa mga kritiko na mali ang kanilang mga paratang. Sa kasalukuyan,…
Read MorePAGPAPAUWI SA MGA PINOY SA ISRAEL MAMADALIIN
HANDA ang Pilipinas na madaliin ang emergency repatriation ng mga Filipino sa Israel sa gitna ng pinakamabigat na bakbakan sa pagitan ng Israeli forces at Palestinian militants. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang Philippine Embassy sa Israel at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay eksperto sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga Filipino sa gitna ng huling karahasan sa Gaza at Jerusalem. “So, hinahanda na po ‘yung posibleng repatriation at binibigyan na po sila ng warning na kung pupuwede po ay mag-ingat dahil dito sa mga pag-iinit ng mga…
Read MorePDUTERTE NAKIISA SA PAGDIRIWANG NG EID’L FITR
NAKIISA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ngayong araw ng Eid’l Fitr, ang kapistahan na hudyat ng katapusan ng Ramadan, isang banal na buwan ng pag-aayuno. “In the name of Allah, the Most Gracious, the Most Merciful, I join our Muslim brothers and sisters in the solemn observance of Eid’l Fitr,” ang bahagi ng mensahe ni Pangulong Duterte. Sa pagtatapos aniya ng isang banal na buwan ng pag-aayuno, hangad ng pangulo na ipagpatuloy ni Allah na panatilihin sa mga kapatid na Muslim ang kabutihang…
Read MoreREKLAMO SA PEKENG DOJ LAWYER, DUMAGSA
DUMAGSA pa sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Sariaya, Quezon ang mga nabiktima ng nagpakilalang abogado na konektado umano sa Department of Justice (DOG) at nangakong tutulong para makalaya ang asawa ng mga biktima na lahat ay nakakulong dahil sa kasong ilegal na droga. Nitong Miyerkoles ng hapon, magkakasamang dumating sa Sariaya police station sina Adora Pacia Ilagan, Jeara Rosales Gagalac, Jennifer Dela Peña Dando at Lorna Artificio Rasay, mga residente ng Barangay Bogon at Sampaloc 2, para ireklamo ang suspek na si John Ezekiel Trivor Medrano Panaligan, 35,…
Read More5K motorista makikinabang CALAX SUBSECTION 5 HALOS PATAPOS NA
LAGUNA-Inaasahang bubuksan na ng Department of Public Works and Highways ang 7.2 kilometrong Cavite-Laguna Expressway o CALAX Subsection 5 sa ikatlong quarter ngayong taon. Nitong Martes ay muling binisita ni DPWH Sec. Mark Villar kasama ang executives ng MPCALA Holdings ang nasabing proyekto na inaasahang magbebenepisyo sa halos 5,000 sasakyan araw-araw. Ayon sa kalihim, maiibsan na ang trapiko sa Governors Drive, Aguinaldo Highway at Sta. Rosa Tagaytay Road. “I am very pleased that despite the mobility challenges brought about by the pandemic, construction for CALAX Subsection 5 remains on track…
Read More2 RIDER PATAY SA AKSIDENTE SA CAVITE
CAVITE – Dalawang motorcycle riders ang namatay makaraang maaksidente sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang mga biktimang sina Arven Dumayo, 48, fish vendor, ng Brgy. Aniban 1, Bacoor City, Cavite, at Sandro Manlangit Manuel, 32, ng Brgy. Maliksi, Gen. Trias City, Cavite. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:40 ng gabi nang mangyari ang insidente habang minamaneho ni Dumayo ang kanyang motorsiklo at binabagtas ang kahaban ng Centenial Road. Ngunit pagsapit sa Brgy. Panamitan, Kawit, Cavite nang umano’y nawalan ng kontrol sa kanyang…
Read MoreCANTEEN NASUNOG DAHIL SA LUMIYAB NA LPG TANK
BATANGAS – Sumabog ang isang LPG tank sa isang canteen na naging sanhi ng sunog noong Miyerkoles sa Brgy. San Rafael, Sto. Tomas City sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ng isang concerned citizen sa Sto. Tomas City Police, bandang alas-7:50 ng umaga nang sumiklab ang LPG tank sa isang canteen na pagmamay-ari ni John Xavier Medalla y Laura ng nabanggit na lugar. Agad nagresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection, sa pangunguna ni SFO1 Bernard P. Zaraga, upang apulain ang apoy. Walang naiulat na nasugatan sa nasabing…
Read More