2 TRIKE DRIVER TIMBOG SA P84K SHABU

SWAK sa kulungan ang dalawang tricycle driver na kapwa umano sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga, matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ni Malabon Police chief, Col. Joel Villanueva ang mga arestado na sina Roberto Calixto, 54, ng Blk. 24, Lot 4, 2nd St., at Allan Almario, 40, ng 1st St., kapwa ng Brgy. Tañong. Ayon kay Col. Villanueva, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon hinggil sa pagtutulak umano ng ilegal na droga…

Read More

2 ‘HOLDAPER’ TIKLO SA BARIL

BAGSAK sa selda ng Manila Police District ang dalawang sakay ng motorsiklo na hinihinalang mga holdaper makaraang makumpiskahan ng baril sa Sta. Cruz, Manila noong Miyerkoles ng tanghali. Kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (illegal possession of firearm and ammunitions), Article 151 ng RPC (disobedience to a person in authority) RA 10054 (Motorcycle Helmet Act) at RA 4136 (driving without license and OR/CR) ang mga suspek na sina John Carlo San Juan, 21, binata, tambay, ng #1620 Sulu St., Sta. Cruz, Manila, at Janlloyd Loyola,18, binata, tambay, kaanib…

Read More

2 KRITIKAL SA PAMAMARIL SA NAVOTAS, MALABON

DALAWANG lalaki ang nasa malubhang kalagayan makaraang mabiktima ng pamamaril noong Martes sa magkahiwalay na lugar sa mga lungsod ng Malabon at Navotas. Nasa kritikal pa ring kalagayan sa Tondo Medical Center si Lucino Laguros, 54, tricycle driver at naninirahan sa Area 3, Labahita St., Brgy. Longos, Malabon City sanhi ng mga tama ng bala ng hindi pa natukoy na kalibre ng baril, sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ayon sa ulat ng tanggapan ni Navotas Police chief, P/Col. Dexter Ollaging, habang nakahiga ang biktima sa motorsiklo ng kanyang tricycle…

Read More

PULIS ITINUMBA NG TANDEM

PATAY ang isang pulis matapos pagbabarilin ng hindi kilalang riding in tandem sa Caloocan City noong Miyerkoles ng gabi. Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang kinilalang si P/Cpl. Ruben Tan, 28, nakatalaga sa Sta. Quiteria Police Sub-Station (SS-6) ng Caloocan City Police at residente sa #254 Amaya St., Baesa, Brgy. 161. Base sa nakarating na report kay Caloocan City Police chief, Col. Samuel Mina Jr., dakong alas-7:47 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Ignacio Compound, Brgy. 162, ng lungsod. Sa inisyal…

Read More

10 COVID NEW DEATHS SA 3 CAMANAVA CITIES

MULING nakapagtala ng sampung namatay sa COVID-19 ang tatlong lungsod sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Mayo 12. Ayon sa ulat, sumipa sa 424 ang COVID deaths sa Malabon City matapos na limang pasyente ang mamatay. Bukod dito, 24 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 12,703 ang positive cases sa lungsod, sa bilang na ito ay 315 ang active cases. Habang 11 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at sa kabuuan ay 11,964 na recovered patients ng Malabon City. Nagkaroon ng pagbabago sa…

Read More

4,301 HEALTH PROTOCOLS VIOLATORS HULI SA QCPD

INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Brigadier General Antonio C. Yarra ang pagkakadakip sa kabuuang 4,301 violators sa implementasyon ng Minimum Public Health Standard (MPHS) Protocol na isinagawa noong Miyerkoles mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa Quezon City. Ayon kay Yarra, ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng QCPD, Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force on Transport and Traffic Management, Task Force Disiplina, Market Development and Administration Department, at mga barangay opisyal sa loob ng nasabing siyudad. Ang nahuling violators ay…

Read More

GO NEGOSYO, 2 MILLION FOLLOWERS NA SA FACEBOOK

Opisyal nang naging #1 NGO page at fastest-growing NGO page sa bansa ang Go Negosyo. Kamakailan lamang ay nakamit ng Go Negosyo Facebook page ang two million followers, isang malaking milestone sa hangarin nitong ibsan ang kahirapan sa bansa sa pamamagitan ng pagnenegosyo. Ang Go Negosyo ang mayroong pinakalamaking audience sa lahat ng Philippine NGO pages sa bansa, lamang ng kumulang isang milyon sa sumusunod dito, #2 Philippine Red Cross (1,167,673) at #3 World Health Organization Philippines (1,001,266). Nakabilang din ito sa top 100 sa buong mundo, ang natatanging NGO…

Read More

Istriktong protokol ipatutupad sa pagbabalik ng PBA

Ni EDDIE ALINEA ANG pagkatuloy ng 46th Season ng PBA ay nakasalalay pa rin sa istriktong pagsunod ng 12 miyembrong koponan sa itatakdang mga bagong protokol ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID). Ito ang nakapaloob sa mensaheng ipinadala ni PBA Commissioner Willie Marcial kahapon hinggil sa pagbibigay permiso ng IATF-MEID para makapag-ensayo na ang teams bago magsimula ang season sa Hunyo. Plano ng liga na magsagawa ng dalawang conference ngayong taon. Ipinarating ni Kume ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng isang zoom meeting sa…

Read More

EXODUS

NOONG isang gabi narinig ko ang kanta ni Gloc 9 na “wala nang natira” sa kapitbahay. Tungkol ito sa mga nag-aabroad na mga Filipino mula sa Nurses, Doctor, Engineer, guro hanggang sa karpintero at kasambahay. Dati, marami raw tayong supply ng mga ito pero ngayon ay wala ng natira dahil nag-aabroad sila kung saan naniniwala silang naroon ang kanilang kinabukasan pati na ang kanilang pamilya. Hindi lang naman dito sa Pilipinas ito nangyayari dahil kahit ang China, nag-aabroad ang kanilang mamamayan kaya sila ang tumatanggap ng pinakamalaking remittances ng dolyar…

Read More