MARAMING nagtatanong bakit limitado lang daw kay Brgy. 171 Bagumbong Chairman Romeo Rivera ang kaso at hindi raw isinama si Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan? Hindi lang naman kapabayaan ni Chairman Rivera, kundi kapabayaan rin daw ni Mayor Malapitan ang nangyari bilang ama ng siyudad. Kung sa Brgy. 171 o sa Bagumbong, ang ama ay si Chairman Rivera, ama rin naman si Mayor Malapitan ng siyudad ng Caloocan. Kaya dapat daw ay magkasama sila sa kinasuhan ng kasong administratibo. May punto ang sinasabi ng ating mga taga subaybay. Ano…
Read MoreMonth: May 2021
PINABAYAAN NI GOV. FERNANDO ANG MGA MAGSASAKA SA BULACAN
NAPAKARAMING magsasaka sa Bulacan kahit na napakalapit na ito sa Metro Manila (MM). Ang mga magsasaka sa Bulacan ay bahagi ng maraming Filipino na hanggang ngayon ay pagtatanim ng palay, mais, mga gulay at prutas ang ikinabubuhay kahit malawak na ang pagkakalatag ng sistemang kapitalismo sa ating bansa. Ang mag-asawang Warlito at Maricel Ronquillo ay dalawa lamang sa mga magsasaka sa San Ildefonso, Bulacan. Maliban sa palay, nagtatanim ang mag-asawa ng kamatis, at mga gulay sa kanilang sakahan. Napag-alaman kong kalunus-lunos ang buhay nila at ng kapwa nila magsasaka sa…
Read MorePROSESO NAGDULOT NG DELAY SA PAGHAHATID NG BAKUNA SA LGUs
NAGPALIWANAG ang Malakanyang sa pagkakaantala ng paghahatid ng bakuna sa ilang Local Government Units (LGUs). Kailangan lang na may tapusing proseso bago tuluyang maihatid sa mga LGU ang mga dumarating na bakuna sa bansa. Nagpaliwanag si Presidential spokesperson Harry Roque sa harap ng ulat na pagkaka-delay sa paghahatid ng bakuna sa ilang lokal na pamahalaan. Aniya, nagkakaroon talaga ng delay dahil mayroon pang pinoproseso na certificate of analysis. Sinabi ni Sec. Roque, sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng pag-aaral para makita kung parehas ang kalidad ng iba pang mga dumating…
Read MoreWPS isyu pinaiingay para sa 2022 election – solon FAKE NEWS SANDATA NG OPOSISYON
(BERNARD TAGUINOD) PINITIK ni dating Foreign Affairs Secretary at ngayo’y Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano si dating Supreme Court (SC) Associate Justice Antonio Carpio dahil ginagamit umano nito ang isyu sa West Philippine Sea para sa kanilang political ambition sa 2022 election. Sa unang pagkakataon, binasag ni Cayetano ang pananahimik sa isyu ng WPS dahil marami umanong fake news na inilalabas ang oposisyon at ginagamit ang usapin para paingayin ang kanilang grupo bilang paghahanda sa susunod na halalan. “Maraming fake news kasi. Bakit? Ginagawang partisan political issue. Tandaan nyo si…
Read MoreLaban sa terorismo at kriminalidad PNP-SAF LALONG PALAKASIN – ELEAZAR
UMAASA si Philippine National Police (PNP) Chief, General Guillermo Lorenzo Eleazar, na higit na pagbubutihin ng Special Action Force (SAF) sa ilalim ng bagong pinuno nitong si Brigadier General Felipe Natividad. Kahapon, nanumpa si Natividad sa harapan ni Eleazar bilang kapalit ni Major General Bernabe Balba. Si Natividad ay tinanggal mula sa pagiging direktor ng PNP-Region 4-A o Rehiyong Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) upang maging SAF director. Naging hepe rin siya ng Calabarzon noong termino ni dating PNP chief General Debold Sinas. Nagtapos siya sa Philippine Military…
Read MorePDu30 sa BARMM local leaders TERORISTA IBASURA
HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa local leaders ng Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao na tanggihan ang terrorist armed groups na naghahanap ng mapagtataguan o mapagkakanlungan sa kanilang komunidad. Sinabi ni Pangulong Duterte, ang hindi pagpapahintulot sa mga bandido sa BARMM ay kinakailangan upang mapigilan siyang mag-utos ng “all-out military offensive” laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa nasabing lugar. “This cannot go on. Kung hindi ko mapigilan and there will be an all-out offensive, ‘yan na ang problema. If I give the order, I will no longer…
Read MoreP600-B NAIPALABAS NA NG DBM SA BAYANIHAN LAW
NAKAPAGPALABAS na ang Department of Budget and Management (DBM) ng mahigit P600 bilyon sa ilalim ng mga Bayanihan law para suportahan ang programa, proyekto at aktibidad ng pamahalaan bilang tugon sa COVID-19 pandemic. Sa isang kalatas, sinabi ng DBM na “as of 15 April 2021”, nakapagpalabas na ito ng P646.97 bilyon sa ilalim ng mga Bayanihan law. Sa nasabing halaga, P387.17 bilyon ang pinalabas alinsunod sa Republic Act (RA) No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan I. “Implementing agencies reported that they have already obligated P358.24…
Read MorePayo ng solon, mapa ng Pilipinas pag-aralan ROQUE SUPALPAL NA NAMAN
SUPALPAL na naman si Presidential spokesman Harry Roque Jr. matapos palagan ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang kanyang mga pahayag kaugnay sa Julian Felipe Reef. “This is my last warning. When it comes to foreign affairs the Department of Foreign Affairs has the exclusive remit.” Ito ang iginiit ni Locsin matapos sabihin ni Roque na ang Julian Felipe Reef ay lampas sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. Nag-react din si Locsin sa naging tweet ni UP Law Professor Jay Batongbacal gamit ang pahayag ni Sec.…
Read More600 aplikasyon nakabinbin FDA INUTIL O PUGAD NG RED TAPE?
(NELSON S. BADILLA) INUTIL ba o sadyang matindi ang pinaiiral na “red tape” ng Food and Drug Administration (FDA) na pinamumunuan ni Undersecretary Eric Domingo? Ito ang gustong malaman ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na pinamumunuan ni Jeremiah Belgica makaraang madiskubre na mahigit 600 aplikasyon ng mga kumpanya ng gamot ang hindi pa pumasa sa FDA, gayong kumpleto naman ang mga rekesito nila. Ang FDA ang nagbibigay ng awtorisasyon at lisensya upang legal na makagawa at makapagbenta ng mga gamot ang isang kumpanya. Ayon sa ARTA, ang ibang aplikasyon sa…
Read More