LAGUNA –Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang dating pulis habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay noong Martes ng gabi sa Brgy. Parian, Calamba City. Kinilala ng Calamba City Police ang biktimang si Ramonito Suarnaba Tomo, dating PNP member. Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng tawag mula sa BFP Regional Office na isang lalaki ang pinagbabaril nang walang dahilan ng hindi kilalang mga suspek bandang alas-6:55 ng gabi. Tinamaan ng dalawang bala sa ulo ang biktima habang mabilis na tumakas ang mga suspek makaraan ang pamamaril. Dinala ng BFP personnel si…
Read MoreMonth: May 2021
8 SUSPEK SA EX-PAGBILAO MAYOR SLAY, KINASUHAN
QUEZON – Sinampahan ng kaso ang walong indibidwal na may kinalaman umano sa pagpatay sa dating mayor ng bayan ng Pagbilao sa lalawigang ito, na binaril noong Nobyembre ng nakaraang taon. Kasama ang kanyang abogado, mismong si Pagbilao Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic, anak ng biktima, ang nagsampa ng kaso noong Martes sa Regional Trial Court sa lungsod ng Lucena. Kabilang sa mga sinampahan ng kaso ang dalawang kaanak ng nakalaban nito sa halalan noong nakaraang 2019 election na parehong taga bayan ng Pagbilao. Kasama rin sa mga kinasuhan ang isang…
Read More4 BIFF PATAY SA MILITARY OPS
APAT na kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Karialan faction ang napatay ng mga sundalo sa Datu Paglas, Maguindanao nitong Miyerkoles ng umaga, ayon kay Brigadier General Roy Galido, commander ng 601st Infantry Brigade. Ayon kay BGen. Galido, nakasagupa ng kanilang tropa ang tumatakas na mga miyembro ng BIFF-Karialan faction at pagkaraan ay natagpuan ang bangkay ng apat na mga rebelde, isang high powered firearm at war materials. Nabatid na hindi nilubayan ng Joint Task Force Central at 6th Infantry Division, sa pamumuno ni Major General Juvymax Uy, commander, ang pagtugis…
Read MoreP15.7-M ECSTASY TIMBOG SA CENTRAL POST OFFICE
INABANGAN ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency ang taong kukuha sa Central Post Office sa Quezon City ng tatlong kahon na nadiskubreng naglalaman ng libo-libong ecstasy tablets na P15.71 milyon ang halaga at nagmula sa The Netherlands. Ayon kay PDEA Director Derick Carreon, positibo ang kanilang controlled delivery operation para sa nadiskubreng puslit na ecstasy tablets at nagresulta sa pagkakaaresto kina Rowena Evangelio, 40-anyos, residente sa B2, L6, Cotton Hills, Subd. Bagumbayan, Teresa, Rizal, tumatayong kinatawan ng consignee na si Glorie Joy Buzeta, ng West Kamias, Quezon City;…
Read MoreNavotas may pinakamababang attack rate sa NCR CALABARZON COVID CASES BUMABA
BUMABA na sa 23,039 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Calabarzon matapos makapagtala ng 1,911 panibagong kaso ang Department of Health Region 4-A noong Mayo 11, 2021. Ang lalawigan ng Cavite ay nakapagtala ng 573 bagong kaso, ang Laguna ay 448; Batangas, 209; Rizal, 518; Quezon, 147, at Lucena City, 16 news cases. Nasa 118,204 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling habang 4,066 naman ang namatay. Samantala, muling naitala ng Navotas City ang pinakamababang bilang ng bagong COVID-19 cases kada araw sa lahat pamahalaang lokal sa…
Read MoreSa one time, bigtime ops sa QC 3,200 HEALTH PROTOCOL VIOLATORS ARESTADO
UMABOT sa 3,200 katao na health protocol violators ang nahuli sa “one-time, bigtime” na operasyon ng Department of Public Order and Safety, QC Police District, Task Force on Transport and Traffic Management, Task Force Disiplina, at Market Development and Administration Department sa 142 barangays sa nasabing siyudad. Ang mga lumabag ay dinala sa Quezon Memorial Circle para sa kaukulang documentation at lecture kaugnay sa mga ordinansa na may kinalaman sa minimum health protocols ng siyudad. Sila ay inisyuhan ng Ordinance Violation Receipts (OVR) na may kaakibat na multa na halagang…
Read More27 LUGAR SA QC LOCKDOWN PA RIN
NANANATILING nasa ilalim ng Special Concern Lockdown Areas (SCLA) ang 27 lugar sa Quezon City dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19. May lugar lamang na tinutukoy na sakop ng SCLA at hindi ang buong barangay. As of May 11, 2021, iniulat ng Quezon City na ang mga lugar na sakop ng SCLA ay ang isang lugar sa Scout Gandia St., Brgy. Sacred Heart; isang lugar sa Iriga St., Brgy. Sta. Teresita; bahagi ng Gen. Yengco, Brgy. Bagong Silangan; isang lugar sa Del Mundo St., Saint Martin…
Read MoreWalang akreditasyon sa DOT GUBAT SA CIUDAD OPERATION, ILEGAL
POSIBLENG ilegal ang operasyon ng Gubat sa Ciudad Resort sa Lungsod ng Caloocan makaraang isiwalat sa media ng Department of Tourism (DOT) na walang akreditasyon sa kagawaran ang naturang business establishment. “Upon verification, the resort was found to be operating without DOT accreditation,” ayon sa DOT sa press statement nito. Ipinaliwanag ng kagawarang pinamumunuan ni Secretary Bernadette Romulo-Puyat, mahalaga ang akreditasyon ng tourist-related business establishment sa DOT dahil ito ay “assurance that a tourism enterprise has complied with the minimum standards for the operation of tourism facilities and services”. Nabisto…
Read MoreSUNTUKAN NG KAPITAN AT TRIKE DRIVER HULI SA CCTV
NAHULI sa camera ang pagsusuntukan ng isang kapitan ng barangay at ng sinita nitong tricycle driver sa Sariaya, Quezon nitong Martes ng umaga. Base sa kuha ng CCTV ng Barangay 6, Sariaya, nakitang nagsusuntukan ang dalawan g lalaki kung saan nakilala ang isa na si Richard Pasumbal, 42-anyos ng Barangay Poblacion 6 habang ang kasuntukan nito ay si Bryan Baladad. Nangyari ang insidente sa Kasadya Street, Brgy. Poblacion 6 hindi kalayuan sa bahay ni Baladad. Makikita sa video na nilapitan ng kapitan ang nakaupo sa kanyang nakaparadang tricycle na si…
Read More