MULING umiskor ang mga tauhan ni P/Col. Randy Glenn G. Silvio, regional chief ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region Field Unit (CIDG-NCRFU), makaraang madakip ang isang suspect sa attempted qualified theft sa Villamor, Brgy. 183, Pasay City. Kinilala ni P/Col. Silvio ang arestado na si Michaelle Jones Velarde y Encomienda, 33, courier, residente sa Phase 24-13, 17th St., cor. 14th St., Villamor, Brgy. 183, Pasay City. Si Velarde ay naaresto noong Abril 29, alas-6:30 ng gabi sa kanyang bahay, ng mga tauhan ng CIDG-NCRFU na sina P/Maj. Dave…
Read MoreMonth: May 2021
FOREIGN TOURISTS BAWAL PA RIN SA PINAS
MULING nagpaalala ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko na bawal pa ring pumasok sa bansa ang foreign tourists sa kabila ng pag-alis ng ilang travel restrictions na naging epektibo noong Sabado. Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, ang mga dayuhang may valid at existing visa ang pinapayagang makapasok sa bansa. “Foreign tourists are still prohibited from entering the country and said restriction remains effective until it is lifted by the IATF (Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases),” ani Morente. Ipinaliwanag pa niya, ang bansa ay bumalik lamang sa…
Read MoreP10K AYUDA SA 200 LABOR DAY BENEFICIARIES
NAMAHAGI ng P10,000 cash assistance si dating House Speaker Alan Peter Cayetano at kanyang mga kaalyado sa Balik sa Tamang Serbisyo (BTS) sa Kongreso sa mahigit 200 benepisyaryo sa buong bansa nitong Sabado (May 1), bilang bahagi ng kampanya na isulong ang pagpasa ng 10K Ayuda Bill kasabay ng paggunita sa Araw ng Paggawa. Bunsod ng layunin na maabot ang mahihirap at ibang sektor na apektado ng pandemya, nagsagawa ng live virtual event si Cayetano at ang BTS movement na tinawag na “Sampung Libong Pag-asa” kung saan namigay ng cash…
Read MoreNEW COVID VARIANTS MAHIRAP MA-PREDICT – SEC. DIZON
“VERY unpredictable at napakahirap i-predict ng new variants ng COVID-19.” Ito ang pag-amin ni testing czar Sec. Vince Dizon makaraang mabulaga ang bansa sa mabilis na pagdami ng new variant cases ng virus noong nakalipas na ilang buwan na naging dahilan kung bakit kinulang ang itinayo ng gobyerno na 10,000 ICU at hospital beds noong nakalipas na taon. Sinabi ni Dizon na nararanasan din maging sa ibang bansa ang nangyaring ito sa Pilipinas partikular na sa India. Aniya pa, nakakaawa ang nasabing bansa dahil sa kinakaharap ngayong matinding epekto ng…
Read MoreDAGDAG ICU BEDS, HOSPITALS TATAPUSIN NGAYONG MAYO
INAASAHANG matatapos na ngayong Mayo ang lahat ng ipinatatayong modular hospitals and ICU beds sa bansa. Sinabi ni testing czar Sec. Vince Dizon, ang target ni treatment czar At Health Undersecretary Bong Vega at ng Inter-Agency Task Force (IATF) ay makapagdagdag ng mga nasa 3,000 beds para sa mga ospital na maaaring makapagbigay lunas sa mga moderate at severe COVID patients. Katuwang umano ng gobyerno sa pagpapatayo ng modular hospitals and icu beds ang private sectors at mga organisasyon, tulad ng Philippine Red Cross. Makikita aniya sa hakbanging ito ng…
Read MoreLUPA IPINAMAHAGI SA MGA DATING REBELDE
CAMP BGEN VICENTE LIM – Lumagda sa memorandum of agreement ang Department of Agrarian Reform (DAR) 4-A at Police Regional Office (PRO) – Calabarzon para sa kanilang proyekto na SIK-HAY o SIKAP-BUHAY bilang suporta sa mga rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan at kabilang sa SIKAP o Sitio Kapayapaan Project. Kasabay nito, ibinahagi nina Regional Director Rene Colocar at Police Regional Office Calabarzon PBGen. Felipe Natividad ang 15 ektaryang lupain na donasyon sa lalawigan ng Laguna, Rizal, at Quezon para gawing sakahan ng mga dating rebelde at kanilang pamilya. Isang ektaryang…
Read MorePaalala ng solon sa mga Pinoy ‘WAG MAWALAN NG PAG-ASA NGAYONG PANDEMYA
HINIMOK ni Sen. Christopher “Bong” Go ang ang mga Pilipino na “wag mawalan ng pag-asa dahil ang pamahalaan ay nariyan at handang tumulong”. Sa isang panayam, sinabi ni Sen. Go, “huwag kayong mawalan ng pag-asa dahil hindi kayo pababayaan ng gobyerno na laging nagmamalasakit sa inyo”. “Magbayanihan tayo para malagpasan natin ang krisis na ating kinakaharap ngayon dahil malaki po ang magagawa ng pagtutulungan natin sa isa’t isa,” dagdag pa ng senador. Ang tinutukoy ni Go ay ang mga nagsulputang “community pantry” kung saan sang-ayon ang mambabatas dahil nakatutulong ito…
Read MorePAGTATAYO NG MODULAR HOSPITALS, ICU BEDS PRAYORIDAD NG GOBYERNO
MAS pinagtutuunan ngayon ng pansin ng gobyerno ang pagtatayo pa ng mas maraming modular hospitals at ICU beds. Ayon kay testing czar Sec. Vince Dizon, mahalagang iprayoridad ang pagdadagdag ng critical care beds dahil ito talaga aniya ang kinakailangan ng bansa lalo na sa mga pagkakataong mabilis na tumataas ang COVID-19 cases. Nauna nang sinabi nito na sa ngayon bumaba na sa 70% Ang virus cases sa bansa mula sa 82% noong nakaraang linggo. Sinabi pa nito na isa sa pangunahing dahilan nito ang pagdami ng modular hospitals at critical…
Read MoreHEALTH WORKERS PINASALAMATAN NI DUTERTE
NAGPAHAYAG ng matinding pasasalamat si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa masisipag at masisigasig na healthcare workers at frontliners ngayong Araw ng Paggawa. Sa mensahe ng pangulo, sinabi nito na pinasalamatan niya ang mga healthcare worker at mga frontliners dahil sa hindi matatawarang commitment ng mga ito na tiyakin na walang magiging sagabal sa pagde-deliver ng goods at services para mapanatili ang komunidad at industriya ngayong panahon ng kagipitan. “To all Filipino workers here and abroad, let me assure you that this administration will endeavor to work as vigorously as you…
Read More