NANANATILI sa alert level 2 ang Bulkang Taal dahil patuloy itong nakikitaan ng abnormalidad. Sa nakalipas na 24-oras, nakapagtala ng labingsiyam (19) na volcanic earthquakes ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Sa ulat mula sa Phivolcs ngayong araw, bukod sa pagyanig ay naitala rin ang mahinang pagsingaw, na may taas na sampung (10) metro, mula sa mga fumaroles o gas vents sa main crater. Bunga nito, pinaaalalahanan ng ahensya ang publiko sa banta ng paulit-ulit na pagputok ng bulkan, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na pagbuga ng…
Read MoreMonth: May 2021
CALAX NAKABITAN NA NG EMERGENCY CALL BOXES
MAPABIBILIS na ang emergency response ngayong naikabit na ang mga state-of-the-art emergency call boxes na mayroong multi-modal communication features sa kahabaan ng Cavite-Laguna Expressway o CALAX. Nabatid na nalagyan na ng MPCALA Holdings Inc. (MHI), subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ng Emergency Roadside Communication System (ERCS) call box sa ilang bahagi ng expressway. Dahil dito, agad nang makahihingi ng tulong ang mga motorista sa CALAX Traffic Operation Center sa oras ng emergency. Ang mga ERCS call box ay mayroong built-in loudspeaker, camera, at hearing aids para sa mga…
Read MoreP681 SRA NG NURSE SA QUEZON, NILINAW NG DOH 4A
NILINAW ng Department of Health-Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ang P681.82 Special Risk Allowance o SRA na natanggap ng isang nurse sa Lucena City. Kumalat sa social media ang kakarampot na SRA ng nurse na si Mark Raven Dominguez matapos niya itong i-post kamakalawa. Paglilinaw ni Dr. Laula Paz Sydiongco, DOH Assistant Regional Director na ang SRA na natanggap ni Dominguez, staff nurse sa Mount Carmel Diocesan General Hospital ay base lamang sa araw na kanyang ipinasok sa nasabing ospital. Paliwanag ni Sydiongco, base sa Certificate of Employment at…
Read More1 PATAY, 3 SUGATAN SA TUMAOB NA VAN
CAVITE – Namatay noon din ang driver ng isang L300 van habang sugatan ang tatlo pang biktima nang tumaob ang nasabing sasakyan makaraang bumangga sa isang kongkretong poste sa Dasmariñas City, sa lalawigang ito, nitong Sabado ng umaga. Dead on the spot ang biktimang si Pedro Valenciana Jr., nasa hustong gulang, habang nilalapatan ng lunas sa Pagamutang Lungsod ng Dasmariñas sina Beltran Tupagan Jr., 32; Rodney Purta, 47, at alyas Junel, nasa hustong edad, dahil sa sugat sa kanilang katawan. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Donato Almenario ng Dasmariñas City…
Read MoreBANGKAY NATAGPUAN SA GILID NG DAGAT
CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Cavite Police hinggil sa sanhi ng pagkamatay ng isang lalaking natagpuan sa gilid ng dagat na sakop ng Cavite City noong Biyernes ng gabi. Inilarawan ang biktima na may edad na 40-48, may taas na 5’4 hanggang 5’7, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng long sleeve na kamiseta, naka-shorts, nakasuot ng cotton gloves ang mga kamay at foot socks ang mga paa. Ayon sa ulat ni P/SMSgt. Jonathan Baclas ng Cavite City Police, dakong alas-10:30 ng gabi habang nagpapatrulya ang mga barangay tanod sa gilid…
Read More1 PATAY, 67 TULAK TIMBOG SA CAVITE BUY-BUST
CAVITE – Patay ang isang 36-anyos na hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang makipagbarilan sa mga awtoridad, habang 67 iba pang drug suspect ang nadakip sa ikinasang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito. Kinilala ang napatay na si Jonathan Mulos ng Pasong Saging, Brgy. Poblacion 5, General Mariano Alvarez (GMA), Cavite. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Dann Czar Rosales ng GMA Police, dakong alas-6:20 noong Biyernes ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Group (DEG) ng GMA MPS sa Pasong…
Read MoreMOST WANTED SA NORTHERN SAMAR, TIMBOG SA CAVITE
INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District ang tinaguriang number 1 most wanted person sa Northern Samar sa kasong 4 counts ng rape, sa pinagtataguan nito sa GMA, Cavite nitong Sabado ng hapon. Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa suspek na si Antonio Amoradjie y Buenaobra alyas “Dodoy,” construction worker at pansamantalang naninirahan sa Rolling Hills Subd., Brgy. F. De Castro, GMA, Cavite. Base sa ulat ng MPD-Pandacan Police Station 10, bandang alas-2:30 ng hapon noong Mayo 1 nang arestuhin si Amoradjie ng mga tauhan ng MPD kasama…
Read More8 SUGATAN, P2-M ARI-ARIAN NAABO SA MALABON FIRE
WALO katao ang sugatan habang 300 pamilya ang nawalan ng tirahan at tinatayang P2 milyong halaga ng mga ari-arian ang naabo sa sunog nitong Sabado ng umaga sa Malabon City. Ayon sa ulat, dakong alas-10:40 ng umaga nang magliyab ang ikalawang palapag ng bahay ni Neri Abagon sa P. Concepcion St., Brgy. Tugatog at mabilis na kumalat ang apoy sa ibang kabahayan. Mabilis na nagresponde ang mga bumbero at idineklarang under control ang sunog dakong alas-4:20 ng hapon. Patuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa insidente at inaalam…
Read More‘RAPIST’ ARESTADO SA ROBBERY EXTORTION
NATIMBOG sa entrapment operation ng mga tauhan ng Manila Police District ang isang 32-anyos na rape suspect sa loob ng silid ng isang hotel sa Avenida Rizal, Sta. Cruz, Manila noong Biyernes ng gabi. Nahaharap sa kasong robbery extortion at rape ang suspek na kinilalang si Engelvert Nuñez y Gamit, may asawa, tubong Sablayan, Occidental Mindoro. Batay sa ulat ni P/Major Cicero Pura ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District, bandang alas-9:20 ng gabi noong Biyernes nang matimbog si Nuñez sa Luxury Lodging Inn sa Sta. Cruz,…
Read More