NAGWAKAS din ang matagal na pagtatago sa batas ng isang suspek sa ilegal na droga noong Biyernes ng umaga sa lalawigan ng Zambales makaraang matunton ng mga operatiba ng Muntinlupa City Police. Nadakip ng mga pulis dakong alas-8:00 ng umaga sa Brgy. Locloc, Palauig, Zambales ang suspek na si Bryan Dave, 25, tubong Muntinlupa City. Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Presiding Judge Gener M. Gito ng Regional Trial Court Branch 206, Muntinlupa City, sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive…
Read MoreMonth: May 2021
11 SANGKOT SA DROGA TIKLO SA VALENZUELA
UMABOT SA 11 drug personalities ang arestado sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief, P/Lt. Joel Madregalejo ang arestadong mga suspek na sina Dexter Edubas, 34; Edgar Gozo, 28; Ariel Magrilos, 34; Jumi Lopez, 39; Roderick Tiña, 41; Eric Cacabilos, 31; Romie Jamilo, 29; Angelo Delos Reyes, 35; Eleazar Orcullo, 42, at Ron Dexter Ganacan, 31-anyos. Ayon kay SDEU investigator, P/Cpl. Pamela Joy Catalla, dakong alas-2:45 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU,…
Read More1 SUGATAN SA SUNOG SA VALENZUELA
DUMANAS ng second-degree burns sa kanyang mga paa ang isang lalaki sa nangyaring sunog sa isang industrial area sa Valenzela City. Kinilala ang biktimang si Fidel Pantua, nasa hustong gulang. Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), alas-11:23 noong Biyernes ng umaga nang itaas sa unang alarma ang sunog sa #2061 H. Delfin St., Purok 2, Mapulang Lupa, at umabot sa ikalawang alarma alas-11:51 ng umaga. Idineklara ng BFP na under control ang sunog alas-1:46 ng hapon at fire-out dakong alas-2:08 ng hapon. Inaalam pa kung magkano ang…
Read More10 PA PATAY SA COVID SA 3 CAMANAVA CITIES
NADAGDAGAN ng sampung namatay sa COVID-19 ang mga lungsod ng Caloocan, Malabon at Navotas noong Abril 30, ayon sa health offices ng nasabing mga lungsod. Ayon sa ulat, lima ang namatay sa Navotas City at 584 ang active cases matapos na 53 ang nagpositibo at 81 ang gumaling. Sumampa na sa 10,460 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa naturang bilang ay 9,546 na ang gumaling at 330 ang namatay. Tatlo ang patay sa Caloocan City at 1,547 ang active cases. Pumalo na sa 26,331 ang confirmed cases sa…
Read More