PASAWAY ANG DAHILAN NG PAGKALAT NG COVID-19

TINUMBOK ng Social Weather Survey (SWS) na ang pangunahing dahilan ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa ay maraming Filipino ang pasaway. Sa SWS survey noong Abril 28 hanggang Mayo 2, ­mayroong 79 porsiyentong adult Filipinos ang nagsabing paglabag sa health protrocols ang pangunahing dahilan sa pagkalat ng COVID-19 sa bansa. Labing-isang porsiyento naman ang nangatwirang kakulangan sa kahandaan ng gobyerno ang dahilan ng malalang COVID-19 at 10% lang ang naniniwalang bagong COVID-19 variants ang dahilan. Anu-ano ba ang hindi sinusunod ng mga pasaway? Ito ay ang ‘di…

Read More

NAGPAPARAMDAM NA SI MR. SECRETARY

PINANINIWALAAN ng mga taga-probinsya na naghahahanap na ng fallback ang isang miyembro ng ­Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil walang ­kasiguraduhan na magkakaroon uli ito ng posisyon sa susunod na administrasyon. At ang fallback: Gustong maging politiko na lang ng opisyal. Kaya, sasali siya sa lokal, o national elections, para siguradong makapangyarihan siya kahit sino pa ang pumalit kay Duterte. Nalaman ng inyong DPA, as in Deep Penetration Agent (DPA), na panay ang ikot ngayon ng Cabinet official sa iba’t ibang probinsya, lalo na sa Norte kung saan siya ipinanganak…

Read More

KONTRA KORAPSYON NI BONG GO WALANG PATUNAY

KAMAKAILAN, kinuha ng Presidential Anti-Corruption Commission (-PACC) ang Philippine National Police (PNP) upang makatuwang ng una ang huli sa paglaban at pagsugpo sa korapsyon. Bago maganap ang panunumpa ni General Guillermo Lorenzo Eleazar, mayroong ipinalabas ng dalawang video kung saan nagpahayag sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ng kani-kanilang pahayag laban sa korapsyon. Kauna-unawa na magpahayag si Duterte dahil pangulo siya ng Pilipinas. Si Go ay senador, ngunit hindi siya ang pangulo ng Senado. Katunayan, bagitong senador si Go dahil unang panalo niya sa halalan. Kaya,…

Read More

BULTO NG COVID VACCINES ILALAAN SA MGA LALAWIGAN

ISINIWALAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang plano na maglaan ng mas maraming coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine doses sa mga lalawigan na napaulat na sumirit ang impeksyon. Sinabi ni Pangulong Duterte sa naging panayam sa kanya ni Pastor Quiboloy ng SMNI News, Martes ng gabi na ang mga siyudad gaya ng Cebu, Cagayan, at Zamboanga ay makatatanggap ng mas malaking bulto ng suplay ng COVID-19 vaccines dahil sa agarang pagtaas ng kaso doon. “This time, ‘yung ibang siyudad, bibigyan ng malaking allotment ,” he said. “May spike eh.…

Read More

Sa hirit na murder sa magkakalat ng COVID-19 ROQUE TINABLA SI PANELO

HINDI pabor si Presidential spokesperson Harry Roque sa mungkahing kasong murder ni Chief Legal Counsel Salvador Panelo para sa mga COVID-19 positive na pagala-gala pa rin at patuloy na nakikihalubilo sa komunidad. Ang katuwiran ni Sec. Roque, hindi lamang elemento ng murder ang intensiyong pumatay kundi kailangan din ng qualified circumstances kagaya ng treachery pati na ng abuse of strength. Giit ni Sec. Roque, hindi ito napatutunayan sa mga taong nagkakalat ng sakit. “Iyan po ay iminungkahi ni Sec. Sal Panelo. Pero alam ninyo naman po kaming mga abogado ay…

Read More

Galvez pumiyok COVID VACCINES SA LGUs KAPOS

HUMINGI ng paumahin si Vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa publiko dahil sa vaccination delay sa ilang local government units (LGUs) bunsod ng kakulangan ng suplay ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Tiniyak ni Galvez sa publiko na magiging normal ang sitwasyon sa Hunyo 14. Ani Galvez, nagkaroon ng problema matapos magkaubusan ng suplay ng bakuna. Idagdag pa aniya ang demand para sa bakuna ay “high across the globe.” Kamakailan ay sinabi ni Galvez na tinatayang may 10 milyong doses ang inaasahan na darating sa bansa ngayong buwan…

Read More

Mag-aral muna bago pumutak PACQUIAO MABABAW -DUTERTE

KAILANGAN munang mag-aral ni senador at boxing champ Manny Pacquiao bago punahin at batikusin ang foreign policy at ang paninindigan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte hinggil sa isyu ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. “I don’t want to degrade him, but next time he should—mag-aral ka muna nang husto bago ka pumasok,” ayon kay Pangulong Duterte sa naging panayam sa kanya ni Pastor Apollo Quiboloy ng SMNI News, Martes ng gabi. Tila ipinamukha pa ng Punong Ehekutibo na may ” mababaw na kaalaman” si Pacquiao pagdating sa mga usapin…

Read More

Sugalan sa lalawigan ng Cavite mistulang kinukunsinte ng Kapitolyo JUETENG NI ‘JOHN YAP’ ‘DI MASUPIL

(NELSON S. BADILLA) KAHIT kailan, hindi umamin si Gobernador Juanito Victor “Jonvic” Remulla Jr. na isa sa tinatawag na “sources of wealth” ng mga politiko sa Cavite ang jueteng. Hindi sikreto ang pamamayagpag ng jueteng sa mga lungsod at bayan ng Cavite dahil napakalaya namang umiikot ang mga tauhan ng jueteng lord na kilala sa bansag na “John Yap”. Malaking hamon kay Gobernador Remulla ang pagpapatapos sa jueteng ni alyas John Yap. Ang utos ni Remulla sa direktor ng Philippine National Police (PNP) sa Cavite na si Colonel Marlon Santos…

Read More

Kawawa ang mga sibilyan – NAGKAISA NPA BINANATAN SA MASBATE KILLING

TAHASANG binatikos at kinondena ng NAGKAISA Labor Coalition ang New People’s Army (NPA) hinggil sa pagkamatay ng lider – manggagawang si Nolven Absalon sa Masbate dahil sa sumabog na bomba kamakalawa. Namatay rin ang pinsan ni Absalon na si Far Eastern University (FEU) football player Keith Absalon. Inamin ng NPA na sila ang utak ng pagpapasabog. Humingi ng paumanhin ang armadong yunit ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa wala sa panahong pagkamatay ng magpinsang Absalon. Ayon sa NAGKAISA, walang kahit anong dahilan at paliwanag ang pagkamatay ng mga…

Read More