BULTO NG COVID VACCINES ILALAAN SA MGA LALAWIGAN

ISINIWALAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang plano na maglaan ng mas maraming coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine doses sa mga lalawigan na napaulat na sumirit ang impeksyon.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa naging panayam sa kanya ni Pastor Quiboloy ng SMNI News, Martes ng gabi na ang mga siyudad gaya ng Cebu, Cagayan, at Zamboanga ay makatatanggap ng mas malaking bulto ng suplay ng COVID-19 vaccines dahil sa agarang pagtaas ng kaso doon.

“This time, ‘yung ibang siyudad, bibigyan ng malaking allotment ,” he said. “May spike eh. Hindi kasi naniniwala. Hawaan nang hawaan. ‘Yan ang mahirap,” dagdag na pahayag nito.

Ang National Capital Region (NCR) Plus 8, na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Metro Cebu, Metro Davao, Batangas, at Pampanga, ay prayoridad para sa Covid-19 vaccination program.

Ang paglalaan ng COVID-19 vaccine doses sa Metro Manila at sa walong iba pang lugar ay depende sa darating na suplay.

Ani Pangulong Duterte, ginagamit ng pamahalaan ang nautang na pondo mula sa World Bank at Asian Development Bank para makabili ng mas maraming COVID-19 vaccines. (CHRISTIAN DALE)

116

Related posts

Leave a Comment