CARNAPPING AGAD NARESOLBA NG PNP-PRO5

0

“A good leader sustains momentum, a great leader increases it.” Ang katagang ito ay tugma kay PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo makaraang muling magpakita ng kanyang kakayahan sa mabilis na pagdedesisyon.

Ang Estomo-lead PNP-PRO5 ay muling nakaiskor dahil sa pagkakaaresto kay Jhon Christopher Abu y Perez, ng Brgy. Balagtasin 1st, San Jose, Batangas dahil sa kasong carnapping.

Noong Lunes, Hunyo 7, dakong alas-2:00 ng hapon, ang PNP-PRO5 team ng Camarines Norte ay nakatanggap ng flash alarm hinggil sa carnapping incident sa Lucena City kaugnay sa puting L300 FB van na may plakang WZO-168.

Ayon sa ulat, inagaw ng suspek ang nasabing sasakyan mula sa driver at mga pasahero nito.

Makaraan ang ilang oras, inalerto ng concerned citizen ang Camarines Norte PPO hinggil sa nasabing sasakyan na nakita sa erya ng Poblacion, Vinzons, Camarines Norte.

Bunsod nito, walang inaksayang panahon, agad inatasan ng Provincial director ng Camarines Norte ang Vinzons MPS na tuntunin ang kinaroroonan ng sasakyan na natagpuan sa Sta. Cruz St., Brgy. 1 Poblacion sa bayan ng Vinzons na nagresulta sa pagkakadakip sa karnaper.

Ang nasabing van ay nakarehistro sa isang nagngangalang Ross Alvin B. Ole ng Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City, Quezon Province.

Pahayag ni Estomo, “I would like to extend my heartfelt appreciation to the citizens of PRO 5 for travelling an extra mile in working together with the police force to resolve crimes. Though we are vested by our duties, we still cannot maximize our resources without the cooperation of the community”.

Ang arestadong suspek ay nasa pansamantalang kustodiya ng Vinzons MPS at nakatakdang sampahan ng kasong carnapping.

Read More

LIDER NG CRIME GROUP NABITAG

0

BATANGAS – Arestado ng mga awtoridad ang isang lider umano ng crime group sa bisa ng search warrant dahil sa pagtatago ng mga baril sa bayan ng Laurel, nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Kinilala ng Laurel Municipal Police ang suspek na si Marlo Mendoza Gardiola alyas “Marglo,” 43, ng Brgy. Ticub, Laurel, Batangas.

Ayon sa ulat na nakarating sa Batangas Police Provincial Office, nagsanib-pwersa ang Provincial Intelligence Unit-Batangas PPO, OPD-Drug Enforcement Unit, Regional Special Operations Unit, Regional Intelligence Division 4-A, Crime Investigation and Detection Team-Batangas at Laurel MPS, para ihain ang search warrant kay Mendoza na lider umano ng Gardiola crime group, bandang alas-5:30 ng madaling araw.

Natagpuan ng mga awtoridad sa lugar ang gagamiting mga ebidensya laban kay Gardiola, kabilang isang 9mm Bereta Arabellum, isang live ammunition, dalawang cal.38 revolver, dalawang magazines ng cal. 9mm, 26 pirasong live ammunition ng cal. 38, isang black holster ng cal. 9mm, isang camouflage holster ng cal.38 revolver, isang sachet ng umano’y shabu at iba’t ibang drug paraphernalia.

Base sa record ng pulisya, may dating kasong murder at homicide ang nasabing suspek.

Ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ay nasa pangangalaga na ng Batangas PPO. (CYRILL QUILO)

Read More

KUMASA SA PARAK WANTED TIGBAK

0

NORTH COTABATO – Patay ang isang wanted person nang manlaban sa mga tauhan ng Matalam PNP na magsisilbi sa kanya ng warrant of arrest sa National Highway, Purok Poinsettia, Poblacion, ng bayan ng Matalam noong Martes ng hapon.

Kinilala ni Matalam chief of police, P/Major Junrel Amotan ang napatay na si Joharie Sati Sabal alyas “Alsati Gariano Sabal,” 44, magsasaka. taga Purok Krislam sa nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat ng pulisya, minamaneho ng suspek ang kanyang motorsiklo nang habulin ito ng mga pulis ngunit imbes na sumuko ay nagpaputok sa mga awtoridad.

Bunsod nito, gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Ayon sa pulisya, ang suspek ay nahaharap sa kasong attempted homicide, illegal possession of explosives at illegal drugs. (BONG PAULO)

 

Read More

2 KELOT TODAS SA TANDEM

0

NORTH COTABATO – Dalawa katao ang namatay makaraang atakehin ng riding in tandem sa magkahiwalay na lugar sa bayan ng Antipas at Kidapawan City noong Martes.

Sa bayan ng Antipas, Cotabato, dead on the spot si Dario Pamplona, 39-anyos, driver, residente ng Barangay Pontevedra sa nasabing bayan, makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek.

Ayon kay Antipas chief of police, Captain Jorlito Patrona, nagmamaneho ng kanyang motorsiklo ang biktima papunta sa kabisera ng bayan mula sa barangay Bangbang nang mangyari ang pamamaril dakong alas-2:00 ng hapon.

Samantala, agad ding namatay ang biktimang si Eric Delapieza, residente ng Barangay Manongol, Kidapawan City, Cotabato, matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Gana Subdivision, Barangay Sudapin sa nabanggit na lungsod dakong alas-5:20 ng hapon.

Ayon sa inisyal na impormasyon, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo papasok sa lugar nang harangin ng mga suspek at pinagbabaril. (BONG PAULO)

Read More

BUNGO NG TSERMAN PINASABOG NG TANDEM

0

BATANGAS – Patay ang isang barangay chairman makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa Lipa City noong Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Cesar Catibog, 68, residente at tserman ng Barangay Pagolingin East, Lipa City.

Ayon sa report ng Lipa City Police, nangyari ang pamamaril sa P. Torres St., sa nasabing lungsod bandang alas-7:40 ng umaga.

Kabababa lamang ng tserman sa kanilang barangay patrol na Nissan Navarra na minamaneho ng kanyang driver na si Joseph Surco, nang dumating ang mga suspek na sakay ng walang plakang motorsiklo.

Pagkaraan ay malapitang pinagbabaril ng mga suspek ang biktima na tinamaan sa ulo.

Isinugod sa NL Villa Medical Center ang biktima ngunit idineklaramg dead on arrival ng doktor.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam ang motibo at kung sino ang mga suspek sa krimen. (NILOU DEL CARMEN)

Read More

P13.6 M SHABU NASABAT SA DRUG TRAFFICKER

0

NORTH COTABATO – Kalaboso ang isang 24-anyos na lalaking hinihinalang drug trafficker makaraang makumpiskahan ng P13.6 milyong halaga ng ilegal na droga sa inilunsad na drug buy-bust operation sa Purok Gemini, Maharlika Highway, Lasang, Davao City.

Kinilala ang nadakip na si Jaber Mangotara Sarangani, residente ng Jackfruit St., Santo Domingo 2, Sasa, Davao City, pang lima sa listahan ng pulisya sa drug personalities sa lungsod.

Ayon kay P/BGen. Filmore Escobal, Davao Police provincial director, alas-7:59 ng gabi noong Martes nang magsanib-pwersa ang mga elemento ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa suspek.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang jumbo size na sachet ng umano’y shabu na may timbang na 850 gramo at P13,600,000 ang halaga.

Bukod dito, nakumpiska rin sa suspek ang isang cellphone at isang motorsiklo na ginagamit nito sa kanyang ilegal na transaksyon. (BONG PAULO)

Read More

EPICENTER NG COVID-19, NCR PA RIN

0

NATIONAL Capital Region (NCR) pa rin ang epicenter ng COVID-19 sa bansa.

Binanggit ito ni Dr. Guido David sa Laging Handa public press briefing sa gitna ng pagsipa ng kaso sa Davao City.

Ayon kay David, halos 1,000 kaso pa rin ang naitatala sa Metro Manila kada araw.

Gayunpaman, ang nakikita aniyang trend sa ngayon sa NCR ay pababa na, lumuluwag na rin ang mga ospital at bumubuti ang naitatalang positivity rate.

Nauna rito, pinalagan ng Malakanyang ang pagkukumpara sa Davao City at Quezon City pagdating sa usapin ng “latest average daily COVID-19 cases” lalo pa’t magkaiba ang ipinatutupad na quarantine classifications sa dalawang lugar.

“Quezon City is part of the NCR bubble and Davao City has been under GCQ (general community quarantine) for a long period. Hindi tama ang comparison, hindi apple to apple,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Ang pahayag ay ginawa ni Sec. Roque matapos iulat ng OCTA Research na na-overtake o naungusan na ng Davao ang Quezon City pagdating sa “average daily COVID-19 cases”.

Ang Davao City kasi ay mayroong 213 average daily COVID-19 cases kumpara sa 207 ng Quezon City.

“Quezon City has been under ECQ, MECQ for almost two months. That did not happen in Davao,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque sabay tukoy sa enhanced community quarantine at modified enhanced community quarantine — itinuturing na mahigpit na quarantine classifications.

Sa ilalim ng ECQ, pinapayagan lamang nito na nakabukas ang essential trips at services/businesses habang sa ilalim naman ng MECQ, pinapayagan lamang nito ang essential trips at partially resumes operation ng non-essential business/services.

Ang GCQ, sa kabilang dako ay pinapayagan naman ang leisurely travel “in a downscaled capacity and subject to compliance with local government guidelines.”

Samantala, sinabi naman ni Sec. Roque na ang mga tao sa buong Davao Region ay madalas na magpunta ng Davao City para humingi ng medical assistance, na siyang naglagay ng malaking responsibilidad sa lungsod.

“Since many people go to Davao for medical assistance, their COVID-19 cases include those in neighboring areas,” ang pahayag ni Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)

Read More

Gulangan sa pagkukumpuni ng nasirang bahay PEDICAB DRIVER, TINAGA NG STEPFATHER

0

AGAW-BUHAY ang isang pedicab driver nang halihawin ng itak ng kanyang stepfather na buko vendor matapos magturuan kung sino sa kanila ang dapat magkumpuni ng nasira nilang bahay noong Martes ng gabi sa Malabon City.

Binigyan ng 50-50 tsansang mabuhay sa Tondo Medical Center dahil sa taga sa ulo at katawan si Marcelino Austria, 63, ng Bronze St., Brgy. Tugatog, habang arestado naman ang suspek na si Eduardo Aguilar, 72, ng nasabi ring address.

Ayon sa ulat ng pulisya, alas-7:40 ng gabi nang magkasagutan ang dalawa hinggil sa kung sino ang dapat magkumpuni ng nasira nilang bahay.

Sa gitna ng palitan ng maaanghang na salita ay kumuha ng itak ang suspek at pinagtataga ang biktima na bagama’t sugatan ay nakatakas at nakahingi ng tulong.

Itinakbo ang biktima sa naturang pagamutan ng kanyang kapatid na si Malou Austria habang nadakip naman ang suspek. (ALAIN AJERO)

Read More

Nagmolestiya ng pasyente? DENTISTA ARESTADO

0

ARESTADO sa mga operatiba ng Manila Police District Sta. Ana Police Station 6 ang isang 49-anyos na dentista na kinasuhan ng acts of lasciviousness.

Base sa ulat na isinumite nina P/Major Geuel Capuz ng Intelligence Section, at ng hepe ng Warrant and Subpoena Section na si Lt. Renato Ramento, kay P/Lt. Col. Orlando Mirando Jr., station commander, inaresto ang suspek na si Fidel Francis Gomez, ng Sta. Ana, Manila makaraang silbihan ng warrant of arrest ng mga awtoridad dahil sa nasabing kaso dakong alas-10:00 ng umaga nitong Miyerkoles.

Inirekomenda ng Manila MTC Branch 19 na makapagpyansa ang suspek ng halagang P36,000 para sa pansamantala nitong kalayaan.

Agad namang nagtungo sa himpilan ng pulisya ang abogado ng suspek para ayusin ang pyansa ng kanyang kliyente. (RENE CRISOSTOMO)

Read More