Nakipagkita sa nobya LOLO INATAKE SA HOTEL, PATAY

HINDI umabot nang buhay sa ospital ang 65-anyos na lolo makaraang atakehin sa puso nang makipagkita sa kanyang nobya sa isang hotel sa Quiapo, Manila nitong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang biktimang si Abdulfattah Mogawan, retiradong overseas Filipino worker, at residente sa Pasay City. Ang biktima ay idineklarang dead on arrival sa Our Lady of Lourdes Hospital bandang alas-1:25 ng hapon. Batay sa ulat ni Det. Teody Siguen ng Manila Police District-Homicide Section, nakipagkita ang biktima sa umano’ y nobya nitong si Trish Aivee Glinofrea, 29, sa Quiapo, alas-11:30 ng…

Read More

24 TUMBA SA PANDEMYA SA CAMANAVA

UMABOT sa 24 katao ang namatay sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Hunyo 8, ayon sa health offices ng nasabing mga lungsod. Napag-alaman, 20 ang naitalang bagong namatay sa Caloocan City habang 687 ang active cases. Pumalo na sa 34,925 ang total confirmed cases sa siyudad, kung saan 33,229 na ang gumaling at 1,009 ang namatay. Tatlo naman ang namatay sa Valenzuela City at 326 ang active cases matapos na 53 ang gumaling at 53 ang nagpositibo sa virus. Sumampa na sa 20,072 ang tinamaan ng…

Read More

Nagsumite ng pekeng RT-PCR test result 3 POLICE APPLICANTS INARESTO

DISKWALIPIKADO na inaresto pa at kinasuhan ng pamunuan ng Philippine National Police ang tatlong police applicant, isa rito ay positibo pa umano sa COVID-19, matapos mabulgar na nagsumite ng pekeng RT-PCR test result sa recruitment process ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR). Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief, P/General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, isa sa tatlong inaresto ay nag-positive sa COVID-19 at inilagay na sa isolation facility habang ang pang-apat na aplikanteng pulis na nagsumite rin ng pekeng RT-PCR test result, ay target ngayon ng manhunt operation ng…

Read More

BOC-NAIA MABILIS NA TINANGGAP ANG 1M DOSES NG SINOVAC VACCINES

MABILIS na tinanggap ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC–NAIA) ang 1 milyong bakunang Sinovac ng China laban sa coronavirus disease – 2019 (COVID – 19). Nakapangalan sa Department of Health (DOH) ang mga bakuna na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Hunyo 6, sa pamamagitan ng Cebu Pacific Air Flight 5J-671 dakong 7:22 ng umaga. Ang shipment ay agad isinakay sa dalawang reefer vans at ibiniyahe sa Pharmaserv Cold Storage Facility sa San Roque, Marikina City. Guwardiyado ito ng BOC-NAIA CoVax Task Force at…

Read More

‘Di nakalusot sa BOC – NAIA P4-M ‘PAPER HAND TOWEL’ NABISTONG YOSI

HINDI nakalusot sa operatiba ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC – NAIA) ang P4 milyong halaga ng 2,520 reams ng sigarilyo mula sa tiwaling importer na nakabase sa Quezon City. Ang nasabing produkto ay idineklarang “paper hand towel” na tinangkang ipuslit papuntang Australia nitong Hunyo 5, ngunit naharang at nakumpiska ng mga tauhan ng BOC – NAIA. Batay sa ulat, ang shipment na patungo sa South Geelong Victoria, Australia ay kinomisyon para sa export ng kumpanyang nakabase sa Novaliches, Quezon City. Sa isinagawang physical examination ng…

Read More

MALALAKING PORTS TINALO NG MALILIIT SA KOLEKSYON

MAYROONG malalaking ports sa labingpitong ports (collection districts) ng Bureau of Customs (BOC) na tinalo ng maliliit na ports ang kanilang kita, o koleksyon sa duties at taxes. Base sa nakuhang datos para sa Marso, Abril at Mayo, anim sa 17 ports ang lumampas ang koleksiyon mula sa kanilang target para sa nasabing tatlong buwan. Ito ay ang Port of Fernando sa La Union, Port of Iloilo, Port of Tacloban, Port of Surigao, Port of Davao at Port of Subic. Pito naman ang nakadalawang buwan lang ang lagpas sa target…

Read More

PILIPINAS, PINUNO NG ‘ASEAN DGs OF CUSTOMS’ NGAYONG 2021

Ni BOY ANACTA PANALO ang Bureau of Customs (BOC) sa pamumuno ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa uupong pinuno ang Pilipinas sa “ASEAN Directors – General (DGs) of Customs for 2021 – 2022”. Dahil magsisilbing tserman ng pulong ng mga hepe ng Customs agencies sa ASEAN, ang BOC ang siyang magho-host sa tatlong araw na pulong sa isasagawang 30th Virtual ASEAN Directors-General Meeting. Gaganapin ito mula Hun­yo 8 hanggang 10 ng taong kasalukuyan. Si Guerrero ang magiging tserman ng mga ahensiya ng Customs sa ASEAN Region ngayong 2021 hanggang sa…

Read More