SI NILO TAMORIA ANG TUMIRA NG DENR – BLUE STAR MOA

SA pag-iimbestiga ko sa memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng Blue Star Construction and Development Corporation, nabanggit sa akin ng isang source na isang Nilo Tamoria ang tumira ng naturang kasunduan. Ang ibig sabihin, si Tamoria ang kumilos at nagtrabaho upang lagdaan ng noo’y DENR Secretary Regina “Gina” Lopez ang MOA ng DENR sa Blue Star na nagbigay ‘karapatan’ at ‘kapangyarihan’ sa nasabing korporasyon na magdesisyon para sa 2,700 ektaryang lupain ng mga Dumagat sa Rizal. Ang lupain na itinuring…

Read More

GASTOS SA SOC MED NG MGA KANDIDATO PINASASAMA SA CAMPAIGN EXPENSES

PABOR sina Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III at Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa desisyon ng Commission on Elections na ikonsiderang isama sa campaign expenses ang mga advertisement ng mga kandidato sa social media simula sa panahon ng paghahain ng kandidatura. Sinabi ni Sotto na magandang hakbang ito upang malimitahan din ang gastos ng mga kandidato na handang magbuhos ng bilyong pondo sa kampanya. “That’s a good move. The candidates with billions of campaign funds will be straightjacketed,” diin ni Sotto. Iginiit naman ni Lacson na magiging patas lamang ito…

Read More

DUTERTE DADALO SA PDP-LABAN MEETING SA JULY 17

Tiniyak ni Sec. Roque na dadalo si Pangulong Duterte sa nakatakdang espesyal na pulong ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Hulyo 17 dahil kinikilala naman nito ang liderato ni Energy Secretary Alfonso Cusi. Ito’y sa kabila ng kamakailan lamang ay pinatalsik si Cusi at dalawa pang opisyal ng ruling party dahil sa di umano’y paglabag sa constitution ng PDP-Laban. Base sa ilang ulat, aprubado ni Senador at PDP-Laban President Manny Pacquiao ang pagpapatalsik kay Cusi at kina party deputy secretary general Melvin Matibag at membership committee head Astra…

Read More

Sumibat nang walang iniwang ebidensya – Sec. Roque BANAT NI PACQUIAO ‘AMPAW’ LANG

KULANG na lang ay sabihin ng Malakanyang na “ampaw” ang alegasyon na malalang korapsyon ni Senador Manny Pacquiao sa ilalim ng Duterte administration. “Well, unang-una, ang mga alegasyon po ni sir Pacquiao ay alegasyon, walang detalye at tapos umalis siya ano. At ang inaasahan sana ng presidente gagampanan niya ang kaniyang papel bilang isang senador na talagang mag-iimbestiga sa Senado pero hindi po iyon nangyari ano,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Malinaw aniya ang sinabi ng pangulo kamakailan na “bago ka pumukol ng dumi ng iba eh ayusin mo…

Read More

Grupo ng CTG nasabat, 2 sibilyan nadamay SUNDALO PATAY SA BAKBAKAN SA SAMAR

PATAY ang isang tauhan ng Philippine Army habang dalawang sibilyan ang nasugatan nang sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng militar at communist terrorist group sa bayan ng Las Navas, Northern Samar. Kinilala ng 20th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army ang napatay na sundalo na si Private First Class John Vincent Bocaboc, miyembro ng Community Support Program sa Barangay Victory, Las Navas. Ayon sa 20th IB, nagkasagupa ang mga tropa ng gobyerno at mga rebelde noong Biyernes makaraang mapansin ni Bocaboc ang isang armadong lalaki sa barangay. Tinamaan ng bala…

Read More

DISABLED PERSON ITINUMBA SA CAVITE

CAVITE – Masusing iniimbestigahan ng Cavite Police ang hinggil sa pagpatay sa isang lalaking may diperensiya sa pag-iisip na binaril ng hindi kilalang suspek sa Gen. Trias City sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Jerick Posas, 31, binata, residente ng Brgy. Sta. Clara, Gen. Trias City. Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa suspek na tumakas matapos ang pamamaril. Ayon sa salaysay ni Bgry. Tanod Nelson Alfaro kay P/SSgt. Ernesto Angue Jr. ng Gen. Trias City Police, nasa loob siya…

Read More

INA, SANGGOL DUROG SA PICK-UP TRUCK

PATAY ang isang ginang at ang kanyang isang taong gulang na sanggol nang mabundol ng isang pick-up truck sa bayan ng Leon, lalawigan ng Iloilo noong Linggo. Ayon sa ulat ng Leon Municipal Police Station, naglalakad ang ginang sa gilid ng kalsada habang itinutulak ang stroller na sinasakyang ng kanyang anak nang bigla silang mabundol ng rumaragasang pick-up. Idineklarang dead on arrival ang 25-anyos na ginang na si Emilyn Cañonero habang nalagutan ng hininga ang sanggol habang nilalapatan ng lunas. Arestado naman ang 19-anyos na lalaking driver ng pick-up truck…

Read More

7 NPA MEMBERS SA CAMSUR, SUMUKO

PITONG high ranking members ng komunistang New People’s Army ang nagpasyang magbalik-loob sa pamahalaan kaya dumulog sa pulisya at militar noong Biyernes upang sumuko sa Brgy. Sagrada Familia, Bula, Camarines Sur. Batay sa isinumiteng report ng Camarines Sur Police Provincial Office, sa tanggapan ni PNP-PRO5 Director Jonnel C. Estomo, ang mga nagbalik-loob ay mga miyembro ng “Roberto Ragalario/Ambie/Pilo” command, kalihim ng Larangan 1, Komite ng Probinsya 5 na nakatuon ang operasyon sa bayan ng Bula at iba pang parte ng Camarines Sur. Kabilang sa mga sumuko ang commanding officer nito…

Read More

MAG-ASAWANG NPA ARESTADO SA MASBATE

NADAKIP sa inilunsad na law enforcement operation ng PNP Police Regional Office 5 na pinamumunuan ni Director Jonnel C. Estomo, ang mag-asawang miyembro ng New People’s Army (NPA) na responsable sa pananambang sa mga sundalo sa lalawigan ng Masbate. Kinilala ni Maj. Malu Calubaquib, PNP-PRO5 spokesperson, ang mga nadakip na sina Veverly Cantonjos y Garganta, 61, ika-sampu sa listahan ng municipal most wanted persons, at Edgar Cantonjos y Cabug, 50, isang magsasaka. Ang dalawa na parehong nahaharap sa kasong multiple attempted murder, ay nadakip sa bisa ng warrant of arrest…

Read More