(BERNARD TAGUINOD) BINABOY ng mga netizen ang billboard ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na biglang sumulpot sa Katipunan Avenue, Quezon City at sinasabing preparasyon nito sa pagtakbo sa Senado sa susunod na taon. Base sa mga naglabasang larawan sa social media, mistulang nag-eendorso si Panelo ng serbisyo na may kinalaman sa pagsipsip ng poso negro o imbakan ng dumi ng tao. “Basta sipsip pozo negro, Panelo ang panalo,” ang mga katagang nakasulat sa malalaking titik sa billboard ni Panelo kung saan mayroon siyang malaking larawan na nakangisi. Sa orihinal…
Read MoreMonth: July 2021
WPS PAG-AARI NG MGA FILIPINO
PINAGSABIHAN ni Senador Grace Poe ang China na pag-aari ng mamamayang Filipino ang bahagi ng West Philippine Sea, base sa desisyon ng international arbitral court. Sa pahayag, sinabi ni Poe na ikalimang taon nang naipanalo ng Pilipinas ang pagmamay-ari ng bansa sa WPS na kinikilala ng international community, na nagtagal ng permanenteng ficture sa international legal system. “The West Philippine Sea (WPS) belongs to the Filipino people, and the landmark arbitral award affirmed this ownership and gave it a permanent fixture in the international legal system,” ayon kay Poe. Sinabi…
Read MoreJULY 12 IDEKLARANG WPS VICTORY DAY
IGINIIT ng dalawang mambabatas sa Kamara na ideklara ang July 12, bilang West Philippine Sea Victory Day dahil hindi umano biro ang tagumpay ng Pilipinas sa kasong isinampa laban sa China sa Permanent Court of Arbitration (PCA) ng United Nations (UN). Ginawa nina Congressmen Manuel Cabochan ng Magdalo party-list at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang nasabing panukala sa paggunita kahapon ng ika-5 anibersaryo ng PCA ruling kung saan nanalo ang Pilipinas laban sa China. “The arbitration ruling is a huge win for a small nation like ours…
Read MoreBira ng solon sa paggamit sa gov’t assets sa pangangampanya DUTERTE, MAHIYA KA NAMAN!
“DAPAT mahiya ang pangulo sa paggamit ng rekurso ng pamahalaan para sa kanyang partido at pulitikal na aktibidad.” Ito ang mensahe ni Bayan Muna party-list Rep. Eufemia Cullamat sa Palasyo ng Malacañang matapos iere sa PTV 4 ang pulong ng partidong PDP-Laban na pinamumunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo. Base sa dalawang oras na pulong ng partido na inere sa nasabing government TV station, kinukumbinsi ng kanyang mga kapartido si Duterte na tumakbo bilang bise presidente upang magkaroon umano ng continuity sa mga programang nagawa na nito. Dismayado…
Read MoreImbes sa vaccination center sa Samar dalhin COVID-19 VACCINES DIRETSO SA BAHAY NG POLITIKO
(RENE CRISOSTOMO) IBINUNYAG kahapon ng Department of Health (DOH) na nakatanggap ito ng ulat na may mga bakuna laban sa COVID-19 na dinala umano sa bahay ng isang politiko sa lalawigan ng Samar. Gayunman, hindi pinangalanan ng DOH ang sinasabing politiko dahil bineberipika pa umano nila ang ulat. Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala pang isinusumiteng ulat sa DOH ang local health authorities sa Northern Samar hinggil sa nasabing reklamo. “We are trying to verify these reports. Hindi ko pa po masabi kung ito ay totoo o hindi.…
Read MorePAGKAIN AT LIVELIHOOD SA BASECO RESIDENTS
PINAKIKINABANGAN ng Baseco residents ang mga proyektong ipinatutupad ni Senator Cynthia A. Villar dahil nagbibigay ito sa kanila ng food security at livelihood opportunities at trabaho habang napananatili ang malinis na kapaligiran. Nagpatayo si Sen. Villar, na kilala sa pagbibigay ng hanapbuhay at mapagkakakitaan, ng livelihood projects sa mahirap na komunidad ng Baseco sa Tondo, Manila. Aniya, ang mga proyektong ito ay pinagkukunan ngayon ng pagkain ng mga residente at karagdagang kita. “We are very thankful that we are part of the intervention dedicated to the improvement of Baseco and…
Read MoreDND KUMILOS NA SA CLOSURE NG UNAUTHORIZED BANK ACCOUNTS
HANDANG sumunod ang Department of National Defense (DND) sa guidelines na itinakda ng Commission on Audit (COA). Kaugnay ito ng COA report hinggil sa mga natuklasan na unclosed AFP bank accounts. Ayon kay DND Spokesman Director Arsenio Andolong, naglabas na ng direktiba si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos nilang matanggap ang advice mula sa Department of Finance at findings ng COA. Ayon kay Andolong, “The DND-AFP has been processing the closure of these accounts in adherence to the COA guidelines. However, some accounts…
Read MoreDISASTER RESILIENCE PAG-IBAYUHIN
MULING nanawagan si Sen. Grace Poe na i-rationalize ang istraktura at proseso ng gobyerno para mabigyang daan ang pagbuo ng Department of Disaster Resilience. Ginawa ni Poe ang paalala lalo na’t simula na ng pagbagyo kasabay ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal sa gitna ng pandemya. “The situation of our vulnerable countrymen becomes more difficult in the face of calamities amid the pandemic. We must not lose time to efficiently plan and collaborate on disaster risk mitigation and management,” sabi ni Poe, na nauna nang naghain ng Senate Bill 124 na…
Read MoreKautusan ng SC sa PNP sa paggamit ng body cam BABALA SA CORRUPT JUDGES
MAGSISILBI ring babala sa mga tiwaling judge ang kautusan ng Supreme Court na gumamit ang mga pulis ng body camera sa kanilang pagsisilbi ng search warrants. Ito ay dahil may ilang huwes umano na basta na lamang nag–iisyu ng arrest at search warrant kahit walang matibay na ebidensya ang mga pulis sa kanilang target na indibidwal. “The restriction on the search and arrest warrant issuance power of Quezon City and Manila executive judges gives credence to the complaints of numerous lawyers of abuse and possible corruption in authorizing searches and…
Read More