MAG-ASAWANG NPA ARESTADO SA MASBATE

NADAKIP sa inilunsad na law enforcement operation ng PNP Police Regional Office 5 na pinamumunuan ni Director Jonnel C. Estomo, ang mag-asawang miyembro ng New People’s Army (NPA) na responsable sa pananambang sa mga sundalo sa lalawigan ng Masbate.

Kinilala ni Maj. Malu Calubaquib, PNP-PRO5 spokesperson, ang mga nadakip na sina Veverly Cantonjos y Garganta, 61, ika-sampu sa listahan ng municipal most wanted persons, at Edgar Cantonjos y Cabug, 50, isang magsasaka.

Ang dalawa na parehong nahaharap sa kasong multiple attempted murder, ay nadakip sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng pinagsanib na pwersa ng San Fernando MPS, Batuan MPS, Masbate 1st PMFC, PIU-Masbate, 96 MICO at 2IB, 9ID, PA dakong alas-8:00 ng gabi noong Hulyo 7, sa bahay ng mga ito sa Sitio Lubag, Brgy. Costarica, Batuan, Masbate.

Ayon sa report mula sa Masbate Police Provincial Office, ang dalawa ay mga miyembro ng Sangay ng Partido Lokalidad sa ilalim ng command ni Eliseo Cabarles alyas “Kiko” ng Platoon 2, Larangan 1, Komite ng Probinsya 4, Bicol Regional Party Committee.

Ang mga suspek ay itinuturong nasa likod ng pagpapasabog gamit ang improvised explosive device (IED) laban sa mga tauhan ng Bravo Coy 2nd, IB, 9th ID, PA na nagdulot ng matinding sugat at pinsala sa tropa noong ika-2 ng Hunyo 2019 sa Sitio Kawayan, Brgy. Cañelas, San Fernando, Masbate. (JESSE KABEL)

207

Related posts

Leave a Comment