SINIPA sa ruling party na PDP-Laban ang ilang opisyal nito kabilang si party vice chairman at Energy Sec. Alfonso Cusi.
Sa inilabas na resolusyon ng partido, kabilang sa pinatalsik sina deputy secretary general Melvin Matibag at membership head na si Astra Naik.
Nakapaloob ito sa tatlong resolusyon ng partido na inilabas ni PDP-Laban President Senator Manny Pacquiao at sinuportahan ng PDP-Laban National Executive Committee (NEC).
Pinapahintulutan sa isang resolusyon si Pacquiao na bumuo ng investigation committee para sa mga reklamo laban sa mga kapartido na posibleng lumalabag sa konstitusyon ng partido.
Nabatid na hindi sinasang-ayunan ni Pacquiao ang nais nina Cusi na gawing standard bearer ng grupo ang isang outsider sa grupo na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Kasama rin sa resolusyon ang pagbasura sa nilalaman ng isinagawang pagpupulong noong Marso 31, 2021 sa Cebu at ang paparating na pagpupulong ng PDP Laban National Council sa Hulyo 17, 2021.
166 