‘TEACHER EDUCATION EXCELLENCE’ MAHALAGA SA PAGTUGON SA KRISIS SA EDUKASYON

PASADO na sa Senado ang isang panukalang batas na layong iangat ang kalidad ng edukasyon at pagsasanay ng mga guro sa bansa. Para kay Senador Win Gatchalian na may akda at sponsor ng naturang panukala, ito ay mahalagang hakbang upang matugunan ang krisis sa edukasyon ng bansa. Layon ng Senate Bill No. 2152 na amyendahan ang Republic Act No. 7784 upang patatagin ang Teacher Education Council (TEC) na unang nabuo noong 1993. Sa ilalim ng panukalang batas, paiigtingin ng TEC ang ugnayan sa pagitan ng Commission on Higher Education (CHED),…

Read More

ICC GINAGAMIT SA PULITIKA

NAGAGAMIT na sa pulitika ang resolusyon ng International Criminal Court (ICC) na imbestigahan si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa “crimes against humanity” kaugnay ng kanyang war on drugs. Ito ang tinuran ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap sa kanyang privilege speech sa Kamara kaugnay utos ng mga Huwes sa ICC na magsagawa ng full investigation sa war on drugs ni Duterte. “Ang ICC ay nagagamit na po bilang political tool ng kalaban o ng mga taong gustong pabagsakin ang Duterte administration,” ayon sa mambabatas. Isa sa mga gumagamit umano sa…

Read More

Pagkamatay ni Bree Jonson binubusisi ng PNP HDO SA ANAK NG BILYONARYO

HUMILING ang pamilya ng nasawing artist na si Bree Jonson ng malalimang imbestigasyon at pagsasailalim sa Hold Departure Order (HDO) sa anak ng isang bilyonaryo na sinasabing nobyo ng biktima. Bilang tugon, agad iniutos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Lorenzo T Eleazar ang paghimay sa kaso. Nauna rito, umapela ang mga magulang ni Jonson sa Department of Justice na maglabas ng immigration lookout bulletin at HDO laban kay Julian Ongpin, anak ng bilyonaryong si Roberto Ongpin, na huling nakasama ng 30-anyos na biktima at nahulihan pa…

Read More

PHARMALLY DIRECTOR KULONG SA SENADO

TULUYAN nang naubusan ng pasensya ang mga miyembro ng Senate Blue Ribbon Committee at ipinag-utos ang pagkulong kay Pharmally Pharmaceutical Corporation director Linconn Ong sa Senado. Si Ong ay inaresto ng Office of the Senate Sgt At Arms at dinala sa Senate Building sa Pasay City. “Mr. Chairman, Mr. Linconn Ong is with the OSAA already…. He is already on the way here to the Senate,” pagkumpira ni Senate President Vicente Sotto III sa gitna ng pagpapatuloy ng imbestigasyon sa sinasabing overpriced COVID-19 goods. Una rito, sa gitna ng pagtatanong…

Read More

PONDO NG DTI PINADARAGDAGAN

NAGHAIN ng resolusyon sa Kamara ang isang senior lawmaker para sa karagdagang pondo ng Department of Trade and Industry upang masuportahan at maasistehan ang Micro, Small and Medium Enterprises (MSME’s) na naapektuhan ng COVID-19 pandemic. Dismayado ang maraming mambabatas sa pondong nakalaan sa MSME’s na higit na nangangailangan ng ayuda ngayong panahon na may pandemya. Responsibilidad anila ng DTI ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa partikular na ang mga negosyong bumagsak at pagkawala ng hanapbuhay ng mga manggagawa. Ayon sa House Resolution 2228 na inihain ni Deputy Speaker on Trade…

Read More

ESPASYO SA DELIVERY RIDERS SA VALENZUELA

IPATUTUPAD na sa Valenzuela City ang Ordinance No. 914 Series of 2021 o ang Bayaning Delivery Rider Welfare Ordinance na nag-aatas sa mga establisyemento sa lungsod na may puhunang higit sa P3 milyon na magtayo ng malinis at ligtas na espasyo para sa mga delivery rider. Kabilang sa mga pamantayan ang paglalaan ng mga upuan na may sapat na distansya para sa hindi bababa sa 10 riders; pagbibigay ng access sa handwashing station na may sabon, alcohol at disinfectant, at pagbibigay ng purified drinking water at disposable biodegradable cups. Ayon…

Read More

6 NPA PATAY SA OPENSIBA NG MILITAR

ANIM na miyembro ng komunistang New People’s Army ang napaslang ng militar habang nasa 15 matataas na kalibre ng baril ang nasamsam sa dalawang sagupaan sa area of responsibility (AOR) ng 4th Infantry Division ng Philippine Army. Ayon sa ulat na ibinahagi ni 4th ID commander, Maj. General Romeo Brawner Jr., dalawang magkahiwalay na engkwentro ang nangyari sa Malaybalay City, Bukidnon at Butuan City sa Agusan del Norte noong Martes ng hapon. Unang naglunsad ng focus military operation ang pinagsanib na puwersa ng 1st Special Forces Battalion (1SFBn), na pinamumunuan ni…

Read More

Sa manhunt ops ng PNP-PRO5 TOP 1 MOST WANTED NPA, TIMBOG SA MASBATE

DETERMINADO ang PNP-Police Regional Office 5 na wakasan na ang karahasan ng New People’s Army kaya mas pinaigting ang pagtugis sa mga kasapi ng communist terrorist group upang pagbayarin sa kanilang krimeng nagawa. Ito rin ay upang mabigyan ng katarungan ang mga biktima. Ayon sa ulat na ibinahagi ni PNP-PRO5 Public Information officer P/Major Malou Calubaquib, nahulog sa kamay ng batas ang top 1 most wanted person ng San Pascual, Masbate. Ang arestado ay kinilalang si Noe Cuervo y Casinillo, 45-anyos, may asawa, residente ng Sitio Calumpang, Brgy. Mabini, San Pascual, Masbate. Ayon…

Read More

P102K SHABU NASAMSAM SA CAVITE BUY-BUST

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P100,000 halaga ng umano’y shabu ang nasamsam mula sa isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Bacoor City noong Lunes ng gabi. Kinilala ang arestado na si Aaron Celestino, alyas “AA”, 42, ng Brgy. Panapaan 3, Bacoor City. Ayon sa ulat ni Pat. Jerome Asid ng Bacoor City Police Station, dakong alas-6:45 noong Lunes ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bacoor CPS sa nabanggit na lugar na nagresulta sa pagkakadakip…

Read More