GRAFT VS ALBAYALDE IBINASURA NG OMB

0

IBINASURA ng Office of the Ombudsman ang kasong katiwaliang isinampa laban kay dating Philippine National Police (PNP) director-general Oscar Albayalde kaugnay ng kontrobersyal na “ninja cops” at “drug recycling.”

Sa kalatas na ipinalabas ng Office of the Ombudsman, naging basehan ng pagbabasura ng kasong graft laban kay Albayalde ang umano’y kakulangan ng mga ebidensiyang magdidiin sa retiradong heneral.

“It is thus, insufficient to establish proof of any unlawful act or omission,” ayon pa sa dokumentong nilagdaan ni Ombudsman Samuel Martires base sa rekomendasyon nina Lucielo Ramirez at Bonifacio mandrilla na kapwa miyembro ng Special Panel of Investigators.

Giit pa ng Ombudsman, nilabag ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang karapatan ni Albayalde, bukod pa sa “procedural lapses” sa pagsasampa ng kaso.
“Wherefore, the DOJ (Department of Justice) recommendation to indict Police General Oscar Albayalde is hereby set aside. The charges against him are hereby dismissed for insufficient evidence,” saad pa ng kalatas ni Martires.

Samantala, nagpasalamat naman si Albayalde sa naging patas na imbestigasyon ng Ombudsman. Narito ang kanyang pahayag:

“On behalf of my family, I would like to extend my gratitude to all the people who have supported us through these trying times.

It has been especially hard on my children who were immensely hurt by these false accusations.

The decision of the Department of Justice and the Office of the Ombudsman is a concrete validation of what I’ve always insisted, that these personal attacks were baseless and without evidence. As I have maintained since the beginning, I have placed my full trust in our justice system, and thankfully the truth has prevailed.” (RENE CRISOSTOMO)

Read More

MAGKAPATID NA DARGANI, NASAKOTE NA

0

NAARESTO ng mga tauhan ng Senate Sergeant at Arms ang magkapatid na Pharmally Pharmaceutical Corp. executives na sina Twinkle Dargani at Mohit Dargani sa pagtatangkang tumakas papuntang Malaysia.

Ayon kay OSAA head Rene Samonte, nasakote ang magkapatid dakong alas-5:00 ng hapon nitong Linggo sa Davao City Airport lulan ng chartered plane patungong Kuala Lumpur.

Sinabi naman ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon, patunay ito na hindi maituturing na safe haven para sa dalawa ang Davao City kung saan nila sinubukang tumakas sa pamamagitan ng backdoor.

“Glad they captured them. Proves they are really fleeing from the backdoor from Davao City. Speaks volumes,” pahayag ni Gordon.

Pinuri naman ni Senador Kiko Pangilinan ang mabilis na aksyon ng OSAA at napigilan ang pagtakas ng magkapatid.

“Good job sa OSAA sa mabilis na aksyon laban sa mga nagtapon ng pera ng Covid funds para ipambili ng Lamborghini at Ferrari. Salamat sa agarang pagpapatupad ng aming mosyon ni Senator Drilon. Walang substitute sa maagap na law enforcement,” pahayag ni Pangilinan.

“Sa magkapatid na Dargani, wala ring mag-sa-substitute sa inyo diyan sa pansamantalang kulungan. Paparusahan ang lahat ng hindi marunong rumespeto o sa nagbabalewala sa mga kautusan at alituntunin ng Senado bilang institusyon. Warning ito sa lahat ng sangkot sa pinakagarapal na komisyon de konsumisyon ng taon,” diin pa nito.

Ang dalawa ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest dahil sa contempt charges makaraang hindi makipagtulungan sa komite sa imbestigasyon sa umano’y iregularidad sa procurement ng medical supplies. (DANG SAMSON-GARCIA)

Read More

MGA GUMALING SA TB SA NAVOTAS, MAY AYUDANG P3K

0

PINAGKALOOBAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ng P3,000 livelihood assistance ang 191 pasyenteng gumaling sa tuberculosis (TB) matapos ang anim hanggang walong buwang gamutan, habang 116 pa ang ipinoproseso na ang cash aid.

“TB is deadly, but it can be cured. We want to encourage Navoteños who contracted TB to get themselves treated early and avoid spreading the disease to their family members and community,” ani Mayor Toby Tiangco.

Sa ilalim ng City Ordinance No. 2020-05, naglaan ang Navotas ng P3,000,000 kada taon para sa TB Control Program ng lungsod. (ALAIN AJERO)

Read More

Sa tulong ng medical and nursing students PAGBABAKUNA SA PINAS BIBILIS

0

NANINIWALA si House Speaker Lord Allan Velasco na mas mapadadali na ang pagbabakuna ngayong pinayagan na ang pag-deploy sa medical at nursing students bilang volunteer vaccinators.

“This development provides a major boost to the government’s critical public health mission of inoculating 90 percent of the population against the deadly coronavirus,” ani Velasco.

Unang umapela ang mambabatas sa lider ng Kamara noong May 2021 na gamitin na ang underboard medical at nursing students para mas marami ang mababakunahan.

Hindi lingid sa lahat na limitado ang mga tauhan ng Department of Health (DOH) at maging ang local government units (LGUs) para maisagawa ang mabilisang pagbabakuna kaya kailangan umanong hingin na ang tulong ng medical at nursing students.

Noong Sabado, tinugunan ng Commission on Higher Education (CHED) ang nasabing panawagan matapos kumpirmahin na pinapayagan na ang post-graduate/undergraduate interns, clinical clerks at fourth-year medicine and nursing students bilang vaccinators. (BERNARD TAGUINOD)

Read More

OKC KINAWAWA NI KD

nba
0

BALITANG NBA Ni VT ROMANO

BINALEWALA ni Kevin Durant ang pag-‘boo’ sa kanya ng fans. Umiskor ng 33 points upang akayin ang Brooklyn Nets sa 120-96 win kontra Thunder, Linggo (Lunes sa Manila) sa Oklahoma City.

Lumaro si Durant ng eight seasons sa Oklahoma City, wagi ng apat na scoring titles at MVP award at nagawa ring bitbitin ang Thunder sa NBA Finals, bago lumipat sa Golden State Warriors noong 2016.

Pero, tila hanggang ngayon ay hindi pa rin siya napapatawad ng fans sa pag-iwan niya sa koponan sa free agency. Kaya naman, ang isinalubong sa kanya, hindi palakpak kundi malakas na ‘boos’ sa pregame warmups at sa tuwing hahawakan niya ang bola .

Pero, walang epekto kay Durant. Sa halip, ang league’s ­scoring leader ay 9 of 17 sa field goals at may eight rebounds. Wagi ang Brooklyn ng walo sa siyam na laro, kasama ang lima sa anim na road trip.

Tumulong kay Durant si Patty Mills, 29 points at may career-high nine 3-pointers, habang si James Harden nagdagdag ng 16 points at 13 assists para sa Nets. May 15 points at eight rebounds naman si LaMarcus Aldridge.

Namuno naman sa iskoring ng Thunder si Shai Gilgeous-Alexander, 23 points at may 20 si Lu Dort. Naputol ang four-game winning run ng Oklahoma City.

Ungos ang Nets 61-48 sa halftime sa likod ng 18 points ni Durant. Nagawang bawasan ito ng Thunder sa walo buhat sa 3-pointer ni Gilgeous-Alexander sa third quarter, ngunit dinag­dagan pa ito ng Nets, 90-74 sa pagtatapos ng third quarter.

Nakakayang habulin ng Oklahoma City ang lamang na 16 o higit pang puntos sa apat ng kanilang panalo ngayong season, subalit, ang mas ma-experience na Nets ay lubhang napakalakas laban sa Thunder.

Sa Martes, kalaban ng Nets ang Golden State Warriors, habang ang Miami Heat naman ang katapat ng Thunder sa Lunes.

BUCKS KUYOG SA HAWKS

WINAKASAN ni Trae Young, may season-best 42 points at ng Hawks ang six-game losing run, nang talunin ang Milwaukee Bucks, 120-100, Linggo (Lunes sa Manila) sa Atlanta, sa rematch ng naghihikahos na teams na naglaban sa Eastern Conference final sa nakaraang season.

Kinapos si Young ng 2 para sana sa triple-double output, 10 assists at eight rebounds at itulak ang Hawks sa importanteng panalo.

Si Young, 8 of 13 sa 3-point range at magaang na tinabunan ang kanyang dating season-high 32 points noong Oktubre 25 sa panalo kontra Detroit.

Sa kabila nang pagbabalik-aksyon ni two-time MVP Giannis Antetokounmpo, hindi niya ­naisalba ang reigning NBA champion Bucks sa ikapitong kabiguan sa 10 laro.

Bago ang laro, bitbit ng Hawks ang walong talo sa siyam na laro, matapos ang 3-1 season start.

Umiskor si Antetokounmpo ng 26 points matapos umabsent sanhi ng sprained right ankle. May 19 points naman si Jrue Holiday.
Sa halftime, may 27 puntos na si Young, 7 of 10 sa labas ng arc. Kinamada niya ang 10 ng huling 12 points ng Atlanta sa first half, kabilang ang magkasunod na tres at assist.

Umabante pa ang Hawks ng higit 18 puntos bago nakuntento sa 58-44 lead sa halftime.

Naunahan ng Bucks ang Hawks sa pag-iskor sa unang walo sa third period, ngunit hanggang doon na lang ang kanilang nagawa.

Buhat sa timeout, iniskor ng Hawks ang anim na sunod at hindi na binigyan ng tsansa ang Milwaukee na makadikit.

Nagdagdag si John Collins ng 19 points at 13 rebounds naman kay Clint Capela para sa Hawks.

Sa Miyerkoles, makakalaban ng Bucks ang Los Angeles ­Lakers sa pagsisimula ang five-game homestand. Habang sa Lunes, Orlando Magic ang haharapin ng Hawks sa ikalawa ng five straight home games.

LAKERS SINAGIP NI DAVIS

NAGTALA si Anthony Davis ng 34 points at 15 rebounds nang ­talunin ng Los Angeles Lakers ang San Antonio Spurs, 114-106, Linggo (Lunes sa Manila) sa Staples Center sa Los Angeles.

Sa kanya namang debut game para sa Lakers, umiskor si Talen Horton-Tucker ng 17 points, habang sina Carmelo Anthony at Wayne Ellington may tig-15 points.

Lumamang ang Lakers ng 14 points sa second half para sa 3-3 karta mula nang hindi lumaro si LeBron James noong Nobyembre 4 sanhi ng abdominal strain. Ang Lakers ay may four overall won games ngayong season sa tuwing wala si James, isa na ang 125-121 OT win laban sa San Antonio noong Oktubre 26.

Big game ito ni Davis dalawang araw matapos ang 24-point home loss sa kamay ng Minnesota, kung saan hindi napigilan ng All-Star forward na magpahayag ng pagkadismaya sa performance ng mga kasama.

May triple-double naman si Dejounte Murray sa Spurs, 22 points, 10 rebounds at 10 assists. Habang may 24 points si Keldon Johnson.

Umiskor si Davis ng 19 points sa first quarter, 8 of 10 shooting, at 27 points sa halftime.

Nakadikit pa ang Spurs, 105-103, 2:41 sa laro mula sa 3-­pointer ni Doug McDermott. Nagpasabog ang Lakers ng 7-0 bomba para kontrolin ang laro, nakakuha ng 3-pointer kay ­Anthony, 1:26 na lang tungo sa 110-103 count at layup buhat kay Russell Westbrook, 112-103. May ambag si Westbrook na 14 points, 11 rebounds at seven assists, habang si Malik Monk, 16 points.

May 19 points naman si Devin Vassell sa San Antonio, at 17 mula kay Thaddeus Young.

Ang Los Angeles Clippers naman ang kalaban ng Spurs sa Martes. Habang dadayo ang ­Lakers sa Chicago sa Lunes.

Read More

DRUG COURIER TIMBOG SA HIGH-IMPACT OPERATION NG PNP-PRO5

0

BILANG pagsuporta sa pamumuno ng bagong itinalagang hepe ng Pambansang Pulisya na si P/Gen. Dionardo Bernardo Carlos, mas pinaigting ng PNP-Police Regional Office 5 ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga.

Patunay rito ang paglulunsad ng high-impact operation laban sa isang drug personality sa Purok-6, Brgy. Bombon, Tabaco City, Albay.

Sa ulat na ipinarating kay P/BGen. Jonnel C. Estomo, pinuno ng PNP-PRO5, ang nasabing operation ay nagresulta sa pagkakatimbog sa suspek na kinilalang si Marion Diaz Rañola, 37, walang asawa at residente ng Brgy. Balogo, Oas, Albay.

Ito ay matapos na positibong bentahan ni Rañola ang poseur buyer ng PNP ng isang pakete na naglalaman ng 50 gramo ng hinihinalang shabu sa halagang P200,000. Umabot naman sa P340,000 ang aktwal na halaga ng nasabing droga.

Si Rañola ay nasa kustodiya ng Tabaco CPS at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Samantala, kinilala naman ni RD Estomo ang pagsisikap ng mga operatiba na magsagawa ng operasyon na kinabibilangan ng Regional Police Drug Enforcement Unit 5 at City Police Drug Enforcement Unit ng Tabaco City Police Station. (JESSE KABEL)

Read More

SUNDALO, 2 PA HULI SA GUN BUY-BUST OPS

0

ISANG Philippine Army corporal at dalawang sibilyan ang nadakip ng mga awtoridad sa pagbebenta ng baril kasunod ng isinagawang gun buy-bust operation sa Zamboanga City.

Kinilala ang mga arestado na sina Corporal Alkhaizer Balboa, 36; Rodolfo LLenado, Jr., 37, at Remar Hadjiri, 43-anyos.

Ayon sa ulat, naglatag ng buy-bust operation ang pinagsanib na puwersa mula sa Joint Task Force Zamboanga at local police, kaugnay sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, sa La Terazza Hotel, Gov. Camins Avenue.

Sa nasabing operasyon ay nadakip ang tatlong suspek at nakumpiskahan ng ilang government-issued firearms and ammunition, kabilang dito ang dalawang Colt M16 Armalite rifles, isang M60 machine gun, isang M653 rifle, isang Colt MKIV cal. 45 na may magazine assembly na kargado ng pitong bala, isang Swissvale cal. 45 pistol, 14 boxes ng cal. 5.56 live ammunitions, isang dusted brown envelope na naglalaman ng 800 piraso ng P1,000 bills (buy-bust money), 74 cal. 45 empty shells, isang ammunition case, isang magazine assembly para sa  cal. 45 na kargado ng anim na bala, at ammunition box.

Nabatid na naging pakay ng test-buy operation si Corporal Balboa noong Nobyembre 2 na nagkumpirma sa illegal activity ng sundalo, Mula noon ay tinugaygayan na ng mga awtoridad ang aktibidad ni Balboa hanggang sa ikinasa ang buy-bust operation nitong Linggo na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek. (JESSE KABEL)

Read More

DUTERTE TATAKBONG SENADOR

0

TULOY na ang pagsabak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagka-senador sa 2022 national at local elections.

Sa katunayan, naghain na si Pangulong Duterte ng kanyang certificate of candidacy para tumakbo sa pagka-senador sa Eleksyon 2022.

Kinumpirma ni Senador Bong Go ang paghahain ng certificate of candidacy ng Pangulo sa Commission on Elections’ headquarters sa pamamagitan ng isang Atty. Melchor Aranas.

Ayon kay PDP-Laban secretary-general Melvin Matibag, tatakbo si Pangulong Duterte sa pagka-senador sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS), isang nagngangalang Mona Liza Visorde ang gjnawan ng substitution ng Pangulo.

Sinabi ni Matibag na tatakbo ang Pangulo sa PDDS upang maiwasan ang “legal complications” bunsod na rin ng hidwaan sa loob ng PDP-Laban, gayundin ang naging rason ni Go nang maghain ito ng COC sa pagka-pangulo sa ilalim ng ibang partido. (CHRISTIAN DALE)

Read More

D’YAN DEHADO ANG PINOY

0

MABUTI at nahuli na ng Senado ang magkapatid na Mohit at Twinkle ­Dargani ng kontrobersyal na Pharmally Pharmaceutical Corporation bago nila natakasan ang mga pananagutan sa batas ng Pilipinas.

Kung pagbabasehan ang mga report, gustong takasan ng magkapatid ang kanilang kaso tulad ng pagbabayad ng tamang buwis at maging ang “panloloko” ng kanilang kumpanya sa mga Filipino.

Hindi ako nagsabi na naloko ng Pharmally ang mga Filipino ha. Lumabas ‘yan sa Senate hearing matapos aminin ng isa nilang tauhan na nagbenta sila ng mga hindi maayos na face shield sa Procurement Service ng Department of Budget and ­Management.

Walang ibang plano ang magkapatid na Dargani kundi tumakas dahil lumalabas na sasakay sila sa chartered plane na magdadala sa kanila sa Kuala Lumpur, Malaysia mula sa Davao International Airport.

May kasabihan na kapag tinakasan mo ang isang kaso, nangangahulugan na guilty ka. So, guilty ang magkapatid na Dargani dahil tinangka nilang takasan ang kanilang kaso? Nagtatanong lang dahil hindi naman ako abogado.

Pero teka, sino ang nagproseso sa chartered plane na mula Singapore para sakyan ng magkapatid at papaano sila ­nakarating sa Davao City eh nasa Metro Manila lang yata sila noong maglabas ng arrest order ang Senado?

D’yan dehado ang mga Pinoy kapag may mga dayuhan o mga Filipino na may dalawang nationality at passport tulad ni Mohit na isang Indian at Filipino dahil maaari nilang takasan ang kanilang pananagutan sa Pilipinas.

Kung nakalabas ang magkapatid na ‘yan, malabong mapanagot pa sila sa mga nakaambang kaso tulad ng hindi pagbabayad ng tamang buwis at pagbili ng mamahaling sasakyan na hindi dumaan sa Bureau of Customs.

Pero ‘yung mga Pinoy na naging kasabwat nila ay siguradong may paglalagyan dahil wala silang kapabilidad na makatakas at wala silang ibang nationality na puwede nilang magamit sa kanilang proteksyon.

Kaya dapat mag-isip nang mabuti ang mga Pinoy na ginagamit ng mga dayuhan sa kanilang ilegal na gawain dahil sila ang mananagot kapag nabuko ang kanilang anomalya.

Hindi naman lahat ng mga dayuhan ay may planong lokohin ang ­gobyerno ng Filipino o sambayanang Filipino. Mas ­marami ang matitino at sumusunod sa batas ng Pilipinas.

Pero meron talagang mga dayuhan na iniisahan ang Pinoy at gobyerno sa pamamagitan ng hindi pagbabayad ng tamang buwis, magnenegosyo sa Pilipinas pero hindi sumusunod sa batas.

Marami ring dayuhan na akala mo untouchable na sila dahil may koneksyon sila sa gobyerno kaya ­medyo naasiwa ako sa ilan sa kanila na nagdi-display ng kanilang larawan kasama ang matataas na lider ng bansa at police officials sa kanilang tanggapan.

Dapat maging aral sa kanila ang nangyari sa mga opisyales ng Pharmally na kahit konektado sila sa kataas-taasan ay hindi sila libre sa pananagutan dahil hahabulin at hahabulin sila ng gobyerno.

Hindi habambuhay ay nasa poder ang kanilang mga kapit at ipinagma­malaking mga taong gobyerno. Mabubuko at mabubuko ang katiwalian lalo na kung matindi ang nangyaring kawalanghiyaan!

Read More