OKC KINAWAWA NI KD

nba

BALITANG NBA Ni VT ROMANO

BINALEWALA ni Kevin Durant ang pag-‘boo’ sa kanya ng fans. Umiskor ng 33 points upang akayin ang Brooklyn Nets sa 120-96 win kontra Thunder, Linggo (Lunes sa Manila) sa Oklahoma City.

Lumaro si Durant ng eight seasons sa Oklahoma City, wagi ng apat na scoring titles at MVP award at nagawa ring bitbitin ang Thunder sa NBA Finals, bago lumipat sa Golden State Warriors noong 2016.

Pero, tila hanggang ngayon ay hindi pa rin siya napapatawad ng fans sa pag-iwan niya sa koponan sa free agency. Kaya naman, ang isinalubong sa kanya, hindi palakpak kundi malakas na ‘boos’ sa pregame warmups at sa tuwing hahawakan niya ang bola .

Pero, walang epekto kay Durant. Sa halip, ang league’s ­scoring leader ay 9 of 17 sa field goals at may eight rebounds. Wagi ang Brooklyn ng walo sa siyam na laro, kasama ang lima sa anim na road trip.

Tumulong kay Durant si Patty Mills, 29 points at may career-high nine 3-pointers, habang si James Harden nagdagdag ng 16 points at 13 assists para sa Nets. May 15 points at eight rebounds naman si LaMarcus Aldridge.

Namuno naman sa iskoring ng Thunder si Shai Gilgeous-Alexander, 23 points at may 20 si Lu Dort. Naputol ang four-game winning run ng Oklahoma City.

Ungos ang Nets 61-48 sa halftime sa likod ng 18 points ni Durant. Nagawang bawasan ito ng Thunder sa walo buhat sa 3-pointer ni Gilgeous-Alexander sa third quarter, ngunit dinag­dagan pa ito ng Nets, 90-74 sa pagtatapos ng third quarter.

Nakakayang habulin ng Oklahoma City ang lamang na 16 o higit pang puntos sa apat ng kanilang panalo ngayong season, subalit, ang mas ma-experience na Nets ay lubhang napakalakas laban sa Thunder.

Sa Martes, kalaban ng Nets ang Golden State Warriors, habang ang Miami Heat naman ang katapat ng Thunder sa Lunes.

BUCKS KUYOG SA HAWKS

WINAKASAN ni Trae Young, may season-best 42 points at ng Hawks ang six-game losing run, nang talunin ang Milwaukee Bucks, 120-100, Linggo (Lunes sa Manila) sa Atlanta, sa rematch ng naghihikahos na teams na naglaban sa Eastern Conference final sa nakaraang season.

Kinapos si Young ng 2 para sana sa triple-double output, 10 assists at eight rebounds at itulak ang Hawks sa importanteng panalo.

Si Young, 8 of 13 sa 3-point range at magaang na tinabunan ang kanyang dating season-high 32 points noong Oktubre 25 sa panalo kontra Detroit.

Sa kabila nang pagbabalik-aksyon ni two-time MVP Giannis Antetokounmpo, hindi niya ­naisalba ang reigning NBA champion Bucks sa ikapitong kabiguan sa 10 laro.

Bago ang laro, bitbit ng Hawks ang walong talo sa siyam na laro, matapos ang 3-1 season start.

Umiskor si Antetokounmpo ng 26 points matapos umabsent sanhi ng sprained right ankle. May 19 points naman si Jrue Holiday.
Sa halftime, may 27 puntos na si Young, 7 of 10 sa labas ng arc. Kinamada niya ang 10 ng huling 12 points ng Atlanta sa first half, kabilang ang magkasunod na tres at assist.

Umabante pa ang Hawks ng higit 18 puntos bago nakuntento sa 58-44 lead sa halftime.

Naunahan ng Bucks ang Hawks sa pag-iskor sa unang walo sa third period, ngunit hanggang doon na lang ang kanilang nagawa.

Buhat sa timeout, iniskor ng Hawks ang anim na sunod at hindi na binigyan ng tsansa ang Milwaukee na makadikit.

Nagdagdag si John Collins ng 19 points at 13 rebounds naman kay Clint Capela para sa Hawks.

Sa Miyerkoles, makakalaban ng Bucks ang Los Angeles ­Lakers sa pagsisimula ang five-game homestand. Habang sa Lunes, Orlando Magic ang haharapin ng Hawks sa ikalawa ng five straight home games.

LAKERS SINAGIP NI DAVIS

NAGTALA si Anthony Davis ng 34 points at 15 rebounds nang ­talunin ng Los Angeles Lakers ang San Antonio Spurs, 114-106, Linggo (Lunes sa Manila) sa Staples Center sa Los Angeles.

Sa kanya namang debut game para sa Lakers, umiskor si Talen Horton-Tucker ng 17 points, habang sina Carmelo Anthony at Wayne Ellington may tig-15 points.

Lumamang ang Lakers ng 14 points sa second half para sa 3-3 karta mula nang hindi lumaro si LeBron James noong Nobyembre 4 sanhi ng abdominal strain. Ang Lakers ay may four overall won games ngayong season sa tuwing wala si James, isa na ang 125-121 OT win laban sa San Antonio noong Oktubre 26.

Big game ito ni Davis dalawang araw matapos ang 24-point home loss sa kamay ng Minnesota, kung saan hindi napigilan ng All-Star forward na magpahayag ng pagkadismaya sa performance ng mga kasama.

May triple-double naman si Dejounte Murray sa Spurs, 22 points, 10 rebounds at 10 assists. Habang may 24 points si Keldon Johnson.

Umiskor si Davis ng 19 points sa first quarter, 8 of 10 shooting, at 27 points sa halftime.

Nakadikit pa ang Spurs, 105-103, 2:41 sa laro mula sa 3-­pointer ni Doug McDermott. Nagpasabog ang Lakers ng 7-0 bomba para kontrolin ang laro, nakakuha ng 3-pointer kay ­Anthony, 1:26 na lang tungo sa 110-103 count at layup buhat kay Russell Westbrook, 112-103. May ambag si Westbrook na 14 points, 11 rebounds at seven assists, habang si Malik Monk, 16 points.

May 19 points naman si Devin Vassell sa San Antonio, at 17 mula kay Thaddeus Young.

Ang Los Angeles Clippers naman ang kalaban ng Spurs sa Martes. Habang dadayo ang ­Lakers sa Chicago sa Lunes.

123

Related posts

Leave a Comment