2 pang kaanak sugatan MAG-INA PATAY SA SINALPOK NA TINDAHAN

DEAD on arrival sa pagamutan ang isang nanay at ang kanyang sanggol na anak habang dalawa pang kaanak nila ang malubhang nasugatan nang biglang salpukin ng rumaragasang Sport Utility Vehicle ang kanilang tindahan sa Tabuk City, sa lalawigan ng Kalinga. Ayon sa ulat ng Tabuk City PNP, sa lakas ng impact, inabot ng dagliang kamatayan ang 39-anyos na babae at ang kalung-kalong nitong 6 na buwang gulang na sanggol bagama’t  nagawa pang maitakbo sa ospital. Habang sugatan ang dalawa nilang kaanak na may edad na 15 at 28, at kasalukuyang…

Read More

BFP LADY OFFICER, TIKLO SA ENTRAP OPS NG CIDG

NAHAHARAP sa kasong extortion ang isang 29-anyos na lady officer ng Bureau of Fire Protection makaraang madakip sa entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-REGION-8) sa Marasbaras, Tacloban City. Kinilala ni P/Maj. Glenn Aculana, Assistant Regional Chief, CIDG-8, ang nadakip na si Fire Officer 1 Karla Rodriguez y Bakun, miyembro ng BFP Guiuan Fire Station at nakatira sa Brgy. 2, Taft, Eastern Samar. Habang pormal naman na nagreklamo sa opisyal ang biktimang si Evelyn Patajo Orbita, BFP applicant, sa nabanggit na lalawigan. Ayon sa ulat, dakong alas-1:30 ng…

Read More

SALPUKAN SA DAGAT; 7 MISSING, 13 NASAGIP

PATULOY ang paghahanap sa pitong tripulante ng isang Filipino fishing vessel matapos na makasalpukan nila sa gitna ng laot ang isang cargo vessel sa karagatan sakop ng  Maracanao Island, Agutaya, Palawan noong Sabado ng hapon, Ayon sa Coast Guard, sangkot sa nangyaring sea vessel collision incident ang Marshall Islands-flagged MV Happy Hiro, isang cargo vessel at ang fishing vessel na FB JOT-18, isang Filipino fishing vessel bandang alas-2:30 ng hapon. Ayon sa ulat, nasa 13 mangingisda ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard 13 (PCG) katuwang ang isang…

Read More

SEARCH FOR OUTSTANDING YOUTH SOCIAL ENTERPRISES INANUNSYO

UPANG palakasin ang youth empowerment, ipinahayag ni Sen. Cynthia A. Villar ang pagsisimula ng 5th Villar SIPAG Youth Poverty Reduction Challenge search para sa  “10 Most Outstanding Social Enterprises.” Ayon kay Villar, layunin ng kompetisyon na hikayatin ang mga kabataan na magsimula   ng social enterprises lalo na ngayong bumabangon tayo mula sa pagbagsak ng ating ekonomiya dahil sa Covid-19 pandemic. “This is our way of supporting youth empowerment in the hope to further encourage more young people to significantly contribute to our goals as a nation,” ayon kay Villar,…

Read More

SJDM, BULACAN NAGBUHOS NG MALAKING BOTO SA BBM-SARA TANDEM

BILANG patunay sa kanyang pahayag, sinabi ni San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes na malaking boto ang ibinigay ng lalawigan ng Bulacan kina President-elect Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at Vice President-elect Sara Duterte sa nakalipas na May 9, 2022 elections. Sa kanya lamang lungsod, 65 porsiyento ng boto ang nakuha ni Marcos na malaki ng mahigit 143,000 sa nakuhang boto ni Vice President Leni Robredo na nakakuha lamang ng 52,000. Nakakuha naman ng 61 porsiyento si Duterte na mas malaki ng 134,000 sa katunggaling si…

Read More

Sa Valenzuela City FIRST-TIME BIKE LANE VIOLATORS PALULUSUTIN

BIBIGYAN ng one-time amnesty ang mga residente ng Valenzuela City na first-time violators sa bike lane ordinance ng lungsod. Ang mga residenteng may paglabag sa ordinansa na nahuli sa ‘no contact apprehension’ mula Enero 3 hanggang Mayo 23 ngayong taon lamang maaaring mag-apply para sa nasabing amnestiya. Kailangang sagutan ang Bike Lane Amnesty Application Form at ipasa sa Valenzuela City Traffic Violation Adjudication Committee (VCTVAC), at dapat magpakita ng dalawang valid government-issued ID bilang katunayan na residente ng lungsod. Kailangan ding ipasa ang photocopy ng Land Transportation Office Official Receipt…

Read More

3 BATA PATAY SA QC FIRE

patay

PATAY ang tatlong batang magkakapatid nang masunog ang isang bahay sa Kaliraya, Barangay Tatalon, Quezon City kahapon ng madaling araw. Kinilala ang mga biktimang sina Princess del Rosario, 9-anyos; Renemae, 8-anyos, at Alvin, 4-anyos. Hindi umano nakalabas ng kanilang kuwatro ang mga biktima dahil hindi nagising sa mahimbing na pagkakatulog. Natagpuan ang kanilang mga labi sa ikatlong palapag ng bahay kung saan sinasabing nagsimula ang apoy. Sugatan din ang kanilang stepfather na si Bayani Alemagno at ang misis nito na dinala na sa East Avenue Medical Center. Nailigtas naman ang…

Read More

MIYEMBRO NG SINDIKATO NALAMBAT NG PNP-CIDG

ARESTADO ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group –Regional Field Unit –NCR ang no. 17 most wanted person ng Manila Police District (district level) dahil sa kasong attempted homicide at paglabag sa RA 10591 in relation Omnibus Election Code (gun ban) sa Pampanga St., Gagalangin, Tondo, Manila noong Sabado. Ayon sa ulat na isinumite CIDG-RFU-NCR Director Police Colonel Randy  Glenn Silvio kay PNP-CIDG chief, Police Maj. General Eliseo  DC Cruz, kinilala ang suspek na si Catalino de Guzman y Bunag, nadakip sa CIDG Flagship project OPLAN Pagtugis, Salikop, at Paglalansag…

Read More

INAGURASYON NI PBBM PLANONG GAWIN SA HISTORICAL SITE

KINUMPIRMA ni Senadora Imee Marcos na isa sa ikinukonsidera nilang lugar na pagdarausan ng inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang Quirino Grandstand sa lungsod ng Maynila. “Pinagpipilian pa lang, kaya nga lang hindi masyadong cooperative ang weather. So ang gusto kasi namin, ang number one criteria sana eh outdoor. Para hindi ma-COVID-19,” saad ni Marcos. Ipinaliwanag ng senadora na sentimental sa kanila ang Luneta Grandstand dahil dito rin nanumpa ang kanilang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos. Kinumpirma ni Imee na plano na rin nila itong talakayin…

Read More