3 BATA PATAY SA QC FIRE

patay

PATAY ang tatlong batang magkakapatid nang masunog ang isang bahay sa Kaliraya, Barangay Tatalon, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktimang sina Princess del Rosario, 9-anyos; Renemae, 8-anyos, at Alvin, 4-anyos.

Hindi umano nakalabas ng kanilang kuwatro ang mga biktima dahil hindi nagising sa mahimbing na pagkakatulog.

Natagpuan ang kanilang mga labi sa ikatlong palapag ng bahay kung saan sinasabing nagsimula ang apoy.
Sugatan din ang kanilang stepfather na si Bayani Alemagno at ang misis nito na dinala na sa East Avenue Medical Center.

Nailigtas naman ang kanilang apat na buwang gulang sanggol na anak.

Nagsimula ang sunog pasado alas-4:00 ng madaling araw na umabot lang sa unang alarma at bago naapula dakong alas-4:47 ng madaling araw. (JOEL O. AMONGO)

186

Related posts

Leave a Comment