ECSTASY NASAMSAM NG BOC, PDEA

TINATAYANG P858,500 halaga ng ecstasy, isang uri ng party drugs, ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Clark at Philippine Drug Enforcement Agency.

Huli naman sa isinagawang controlled delivery operation ng pinagsanib na pwersa ng PDEA at BOC-Port of Clark sa Parañaque City ang claimant ng smuggled party drugs.

Base sa ulat, may kabuuang 505 piraso ng methylenedioxymethamphetamine, commonly known as ecstasy, na may kabuuang halagang P858,500, ang nakumpiska.

Sa ibinahaging ulat ni BOC Commissioner Felimon Yogi Ruiz, dumating ang ilegal na droga sa  bansa noong Setyembre 30 na nakalagay sa tatlong plastic jars at nagmula sa Hoofddorp sa The Netherlands na idineklara ng beads.

Dahil kadu-duda ang package, agad itong isinailalim sa field testing at nagpositibo sa presensya ng “Mixture of MDMA (Ecstasy) Cotton,” isang controlled substance Amphetamine.

Ipinasya ng BOC na kumuha at magsumite ng samples sa  PDEA para sa  chemical laboratory analysis na nagkumpirma na ang laman ng pakete ay methylenedioxymethamphetamine o ecstasy, isang dangerous drug sa ilalim ng  Republic Act No. 9165. (JESSE KABEL)

348

Related posts

Leave a Comment