TEVES WALA PANG NAKIKITANG ‘SENSE OF FAIRNESS’

TARGET NI KA REX CAYANONG TILA wala pang nakikitang “sense of fairness” si suspended Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa imbestigasyon sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo. Una nang tinukoy ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla si Teves bilang posibleng main mastermind sa pagkamatay ni Degamo. Kaya nagdadalawang-isip daw siyang umuwi. Mahirap nga naman ang ganoon. Nangangamba siya sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya. Kumbaga, may previous statements na kasi si Remulla na may kinalaman daw siya sa kaso. Kaya hindi magiging patas, sa palagay…

Read More

MAS MALINIS NA KINABUKASAN SA TULONG NG PROGRAMANG ONE FOR TREES NG ONE MERALCO

SA GANANG AKIN DALAWA sa pinakamalaking hamon sa kalikasan na hinaharap ng buong mundo ay ang climate change at global warming. Hindi ito dapat ipagsawalang bahala bagkus nararapat aksyunan bago tuluyang mahuli ang lahat dahil hindi lamang tayo ang maaaring maapektuhan nito kundi pati ang mga susunod na henerasyon. Ang Meralco, bilang pinakamalaking distribyutor ng kuryente sa bansa, ay isa rin sa mga tagapagtaguyod ng sustainability. Batid ng kompanya ang kahalagahan ng adbokasiyang ito lalo na sa pagtulong sa pagtugon sa global warming at climate change. Kaya naman isa sa…

Read More

BABALA SA TUMATAAS NA KASO NG COVID-19

MY POINT OF BREW MAHIGIT dalawang taon na ang nakararaan nang nabalot tayo sa walang katiyakan na perwisyo na idinulot ng nakamamatay na sakit na Covid-19. Nagpatupad ng total lockdown ang ating pamahalaan. Marami sa mga kakilala at kamag-anak natin ay tinamaan ng nasabing sakit at ilan din sa kanila ang namatay. Naging isang malaking isyu noon ay kung kailan magkakaroon at darating sa ating bansa ang bakuna laban sa Covid-19. Nakatunganga ang sambayanan habang nababalitaan natin na ang ibang mayayamang bansa ay nag-umpisa na ng kanilang programa upang bakunahan…

Read More

SABLAY ANG LTO

PALAGING sinusubok ang pagiging matiisin ng mga Pilipino. Nakasalba sa kakulangan ng itlog, asukal, sibuyas at ibang produkto. Muntik nang kapusin sa suplay ng bigas, na sapat naman daw. Ngayon, plastic cards naman ang kulang kaya iisyuhan muna ng temporary printed driver license ng Land Transportation Office (LTO) ang mga motoristang kukuha at magre-renew ng lisensiya. Sa madaling sabi, lisensiyang papel ang ibibigay sa mga motorista. Ayon kay LTO chief Jay Art Tugade, ang plastic cards na available ay tatagal lamang ng hanggang katapusan ng buwan ng Abril. Halos 30,000…

Read More