MABOBOKYA TAYO SA ITLOG

CLICKBAIT ni JO BARLIZO IBIBENTA na raw ng per kilo ang itlog? Inirekomenda ng isang mambabatas na gawing per kilo ang bentahan ng itlog para magkaroon ng pamantayan na timbang para sa sukat at presyo ng itlog. Sinakyan ng mambabatas ang pahayag ng Department of Agriculture na nagkakaroon ng dayaan sa bentahan ng itlog dahil hindi alam ng mga konsyumer paano naitakda ang presyo ayon sa sukat nito. Dahil din daw sa reklamo ng mga mamimili sa kalituhan sa tamang presyo at laki ng binibili nilang itlog kaya nagkaroon ng…

Read More

HAO SHIAO

DPA ni BERNARD TAGUINOD SA lahat ng propesyon ay may tinatawag na mga hao shiao, pero ang katagang ito ay sa aming propesyon sa pamamahayag. Eto ‘yung mga pekeng reporter na wala namang pinagsusulatan pero nasa mga beat at umiikot sa mga opisyales ng gobyerno. Kahit sa mga lawyer, doctor at maging sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ay may mga hao shiao o nagpapanggap na mga abogado, doctor, pulis at military. Marami na ang naging biktima ng mga hao shiao na abogado, doctor,…

Read More

MAHALIN ANG KALIKASAN

PUNA ni JOEL O. AMONGO “HINDI masama ang pag-unlad, basta hindi nakasisira sa kalikasan”, ang kantang ito na inawit ng isang grupong maka-kalikasan, ang dapat iparinig sa mga kumpanya na patuloy na sumisira sa ating kapaligiran. Tulad na lamang ang tinutukoy ng Center for Energy, Ecology, and Development’s (CEED), ang coal-impacted sites sa Atimonan at Pagbilao sa Quezon at Maasim, Sarangani na lumampas sa local at international air quality. Paglalantad ito sa komunidad na magpapataas ng mga panganib sa kapaligiran at banta sa kalusugan mula sa maruming fossil fuels. Ayon…

Read More

NAGLAKAD SA RILES, PWD PATAY SA TREN

QUEZON – Patay ang isang lalaking person with disability (PWD) nang masagasaan ng PNR train sa Brgy. Inaclagan, sa bayan ng Gumaca, sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Danilo Caperiña, 65-anyos. Ayon sa report ng Gumaca Police, dakong alas-10:00 ng umaga nang masagasaan ng Bicol bound train ang biktima habang naglalakad sa mismong riles. Ayon sa mga nakasaksi, sunod-sunod na ang pagbusina ng operator ng train na si Gregorio Sevilla subalit hindi umano ito napansin ng biktima na napag-alamang may kapansanan sa pandinig. Tuluyan itong…

Read More

1 PATAY, 1 SUGATAN SA RIOT NG KABATAAN

QUEZON – Patay ang isang 17-anyos na binata sa labo-labo ng walong mga kabataan sa Port of Polillo sa Brgy. Poblacion, sa bayan ng Polillo, sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si Jennoel Garcia, residente ng Barangay Sibulan. Ayon sa report, pasado alas-11:00 ng gabi nang magpang-abot ang dalawang grupo ng mga kabataan sa nasabing lugar na halos 300 metro lamang ang layo mula sa police station. Naunang dumating ang grupo ng biktima subalit mula sa madilim na…

Read More

BUS NAHULOG SA BANGIN;17 PATAY, 12 SUGATAN

ANTIQUE – Umakyat na sa 17 ang bilang ng mga namatay habang 12 naman ang nasugatan nang mahulog sa bangin ang isang passenger bus sa bayan ng Hamtic sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon. Ayon sa Antique Police, 17 ang namatay kabilang ang driver, at inspector ng bus, at isang 17-anyos na estudyante na nasagi ng bus. Naging pahirapan ang pagkuha sa mga bangkay ng driver at inspector ng bus dahil kapwa naipit ang mga ito nang bumulusok ang bus sa malalim na bangin. Una nang nilinaw ng Vallacar…

Read More

P8-M PUSLIT NA YOSI NASABAT NG NAVY

NASABAT ng mga tauhan ng Philippine Navy – Naval Forces Eastern Mindanao ang bulto-bultong smuggled cigarettes na umabot sa P8-million ang halaga, matapos ang maikling habulan sa dagat, sakop ng Sultan Kudarat sa South Cotabato. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr., sa gitna ng isinasagawang territorial defense operations ng BRP Artemio Ricarte na nasa ilalim ng operational control ng Naval Task Force 71 sa katimugang bahagi ng Eastern Mindanao, ay namataan ang isang kahina-hinalang motor boat. Sa…

Read More

BINATA BINITBIT SA DROGA

BINITBIT ng mga operatiba ng District Intelligence Division 2 ng Special Mayor’s Reaction Team (DID-2 SMaRT) ang isang 20-anyos na binata sa bisa ng warrant of arrest sa kasong ilegal na droga, sa Smokey Mountain, Barangay 128, Zone 1, Tondo, Manila noong Martes ng hapon. Kinilala ang suspek na si Ruzzel Gonzales, jobless, ng nasabing lugar. Batay sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng SMaRT, bandang alas-1:00 ng hapon nang maaresto ang suspek ng mga awtoridad sa pangunguna ni Police Executive Master Sergeant Dedimo Alviar. Inaresto ang suspek…

Read More

MAHIGIT P67-M SHABU NASABAT SA WAREHOUSE

NASABAT ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang isang parcel na naglalaman ng tinatayang 9,898 gramo ng umano’y shabu na may street value na P67,306,400, sa Pair Cargo Warehouse sa Pasay City. Idineklara ang kargamento bilang “bearings” mula sa Mozambique, Southern Africa via Hong Kong, sa pamamagitan ng Ethiopian Airlines flight number ET644, na dumating sa bansa noong Disyembre 2, 2023. Dumaan sa profiling, x-ray screening at physical examination ang parcel na humantong sa pagkakatuklas sa ilegal na droga sa loob ng bearings. Inaresto ng composite team ang…

Read More