PAGSUSPINDE SA SMNI APRUB SA HOUSE PANEL

INAPRUBAHAN sa House committee on legislative franchises ang resolusyon na nag-aatas sa National Telecommunications (NTC) na suspendehin ang operasyon ng Sonshine Media Network International (SMNI). Sa pagdinig ng nasabing komite kahapon, walang tumutol sa House Resolution (HR) 1499 na inakda ni PBA party-list Rep. Margarita Nograles kaya inatasan ng komite ang NTC na suspendihin ang operasyon ng nasabing network. Ayon kay Nograles, maraming probisyon sa prangkisa ng Swara Sug Media Corporation nang gamitin ito ng SMNI na walang pahintulot ang Kongreso na siyang nagbigay ng nasabing lisensya. Celiz ‘kumanta’ na…

Read More

SARA BINOKYA SA CONFI FUNDS

TULAD ng inaasahan, bokya sa confidential funds si Vice President Sara Duterte sa ilalim ng 2024 national budget. Kahapon ay tuluyan nagkasundo ang mga senador at congressmen na miyembro ng Bicameral Conference Committee na aprubahan ang 2024 national budget na nagkakahalaga ng P5.678 trillion. Ayon sa mga miyembro ng komite, hindi lamang ang Office of the Vice President (OVP) kundi ang Department of Education (DepEd) na pinamumunuan din ni Duterte ang binokya sa confidential funds. Unang inirekomenda sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na tanggalin ang P500 million confidential funds ng…

Read More

Para walang makupit ang ninja cops NASABAT NA DROGA SUNUGIN AGAD

IDIDIRETSO sa incinerator ang lahat ng drogang makukumpiska sa lahat ng anti-illegal drug operations kapag naisabatas ang isang panukala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Layon umano ng House Bill (HB) 9668 na inakda ni House committee on dangerous drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers na maiwasang kupitan ng tinaguriang ninja cops ang mga drogang makukumpiska. “Kung maisasabatas natin ito, mapipigilan na natin and pilferage at recycling ng ilegal na droga at wala nang dahilan ang ating mga anti-drug agents na tumagal pa sa kanilang kustodiya ang anomang illegal na droga…

Read More

Kinakaharap na human trafficking, rape, atbp. bubusisiin QUIBOLOY, KOJC BABALATAN SA SENADO

PINAIIMBESTIGAHAN na rin ni Senator Risa Hontiveros ang umano’y ulat ng mga kaso ng large-scale human trafficking, rape, sexual abuse, child abuse at iba pang karahasan sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa ilalim ng pamunuan ng church leader na si Apollo Quiboloy. Sa Senate Resolution 884 na inihain ni Hontiveros, inaatasan dito ang Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na magsiyasat sa sinasabing mga krimen sa sekta. Nakasaad sa resolusyon na si Quiboloy na itinuturing ang sarili na “Appointed Son of God” at lider ng…

Read More

KASUNDUAN NG SMNI AT CHINA NABUKSAN SA KAMARA

LABIS na ikinabahala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kasunduan sa pagitan ng Sonshine Media Network International (SMNI) at China Global Television Network (CGTN) lalo na’t puro kasinungalingan ang inilalabas umano ng nasabing bansa laban sa Pilipinas kaugnay ng usapin sa West Philippines Sea (WPS). Sa ikatlong pagdinig ng House committee on legislative franchises, kinalkal ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang kasunduan ng SMNI sa isa sa tatlong media network na ginagamit ng China sa kanilang propaganda. “This is very dangerous kung ang isang franchise holder ay may cooperation o…

Read More

P20 na pangako ni BBM talagang imposible BIGAS PAPALO SA P60 KADA KILO

bigas12

POSIBLENG umabot na sa P60 ang pinakamurang bigas sa Metro Manila dahil imbes tutukan ang pagpaparami ng produksyon ng palay ay patuloy na umaasa sa importasyon ang gobyerno. Ito ang ikinababahala ni Bantay Bigas spokesperson Cathy Estavillo matapos sumampa sa P52 hanggang P54 ang presyo ng bigas maging sa ibang probinsya tulad ng Aurora na rice producer ay P52 pa rin ang pinakamura. “Baka aabot talaga ng P60 per kilo yung mga regular milled rice given na wala namang nagagawang concrete na solusyon yung gobyerno bagkus ay mag-iimport,” pahayag ni…

Read More

CONFLICT OF INTEREST NG DENR CHIEF

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MATAPOS isabatas ang Comprehensive Agrarian Reform Law may tatlo’t kalahating dekada ang nakalipas, nananatiling nganga ang hanay ng mga magsasaka sa lalawigan ng Palawan hinggil sa usapin ng repormang agraryo. Kasi naman, hindi pa rin ipinamahagi ng gobyerno ang malawak na lupain ng pamilya ni Environment Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga. Buwan ng Pebrero taong 2019 nang lagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 75 na inakalang magbibigay-daan sa ganap na pamamahagi ng lupang sakahan na pag-aari ng pamahalaan. Ang totoo, malaking bentahe sa isinusulong…

Read More

NAKAGAGALIT

DPA ni BERNARD TAGUINOD NAKAGAGALIT ang panggagago ng China sa atin sa West Philippine Sea (WPS) pero mas nakagagalit na may mga dati at kasalukuyan tayong mga lider ang nakabibingi ang katahimikan. Nagmumukha tayong mga busabos sa sarili nating teritoryo kapag binubugahan ng tubig ng Chinese Coast Guard ang mga barko na nagdadala ng supply sa ating mga puwersa na naka-deploy sa BRP Sierra Madre at nagdedepensa sa Ayungin Shoal. Kahit ang humanitarian mission na lumayag sa sarili nating teritoryo para bigyan ng pamasko ang mga mangingisdang Pinoy sa Bajo…

Read More

PINAKAMABIGAT NA PARUSA VS CERES BUS COMPANY

PUNA ni JOEL O. AMONGO KUNG may mas mabigat pang parusa na dapat ipataw ang gobyerno laban sa Ceres Bus Company, ay dapat ipatupad na nila ito. Kabit kamo? Dalawang beses na palang may nangyaring aksidente sa lugar na pinangyarihan ng insidente na kinasangkutan ng naturang bus company noong nakaraang Martes, Disyembre 5. Ibig sabihin, alam na pala ng mga driver ng Ceres Bus Company na accident prone ang naturang lugar, pero bakit hindi pa sila nag-iingat? Hindi inaasahan na muling may mahuhulog na unit ng Ceres Bus Company sa…

Read More