Heat index sinisi sa shutdown ng mga planta ‘PALUSOT’ NG DOE BARADO SA SENADO

HINDI tinanggap ni Senador Chiz Escudero ang paliwanag ng Department of Energy (DOE) na may kinalaman ang mataas na heat index at temperatura dulot ng El Niño sa pagpalya ng mga planta kaya nagkakaroon ng ‘unplanned’ shutdown. Sa pagdinig ng Senate committee on energy, ipinaliwanag ni DOE Usec. Rowena Guevarra na apektado ng mataas na heat index ang mga power plant operations kaya nagkakaroon ng blackout o brownout sa ilang mga lalawigan. Subalit iginiit ni Escudero na hydropower plants lang ang dapat apektado ng matinding tag-init at hindi kasama ang…

Read More

SAPAT NA SUPLAY NG KURYENTE SA 2025 ELECTIONS TINIYAK NG DOE

TIWALA ang Department of Energy na walang magiging problema sa suplay ng kuryente sa susunod na taon, partikular sa pagdaraos ng 2025 midterm elections. Ito ay makaraang tanungin ni Senador Raffy Tulfo ang ahensya kung makakatiyak ang taumbayan na walang magiging brownout sa susunod na taon. Sinabi ni Energy Undersecretary Rowena Guevarra na sa mga nakalatag na planta sa bansa ay inaasahang higit 4000 megawatts ng power supply ang papasok sa susunod na taon. Kasama anya rito ang mahigit dalawang libong megawatts na conventional power supply habang mahigit 1900 megawatts…

Read More

HEALTH SECRETARY BABAKLASIN SA BOARD NG PHILHEALTH

(BERNARD TAGUINOD) SINIMULAN na ng House committee on health ang pagdinig sa mga panukalang batas para ireporma ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at kabilang sa plano ay alisin ang Health secretary sa pamumuno sa board ng korporasyon. “Our health insurance system is sic,” ani Albay Rep. Joey Salceda sa kanyang sponsorship speech nang isalang ng komite na pinamumunuan ni Batanes Rep. Ciriaco Gato Jr., ang panukala na ireporma ang PhilHealth. Kasama sa panukala na baguhin ang governance structure ng PhilHealth kung saan imbes na ang Department of Health (DOH)…

Read More

MARAMING ‘CHINESE STUDENTS’ NAG-ENROL PERO ‘DI NAG-ARAL

MARAMING Chinese nationals na binigyan ng student visa ang nag-eenroll lang subalit hindi pumapasok sa eskwelahan. Ito ang nakarating na impormasyon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers kaya pursigido itong amyendahan o ibasura ang Executive Order (EO) 285 ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada. “Narakating sa amin ang information na iyan na nag-eenroll tapos hindi pumapasok (sa school),” ayon sa mambabatas. Bukod dito, nakatanggap din umano ng impormasyon si Barbers na pami-pamilya ang pumapasok sa bansa bilang mga turista at kapag malapit nang mapaso ang kanilang visa ay…

Read More

ZERO BACKLOG SA LICENSE CARDS, PLATES SA HULYO – LTO

TINIYAK ni LTO assistant secretary Vigor Mendoza II na walang magiging backlogs sa pagpapalabas ng driver’s license cards at plates simula ngayong Hulyo. Sa sectoral meeting kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi ni Mendoza na sapat ang suplay ng license cards at plates ngayong taon. “Ipinakita natin sa ating Pangulo na as far as the supply is concerned ng driver’s license cards ay dire-diretso po tayo hanggang end of the year. We have sufficient driver’s license card to support the demand for until end of the year,” anito. Sinabi…

Read More

CCG NAGSAGAWA NG EMERGENCY DRILL SA PANATAG SHOAL

NAGSAGAWA ng emergency drill ang China Coast Guard, isang araw bago nakatakdang dumating ang Filipino civilian convoy sa Panatag Shoal para maghatid ng mga supply sa lokal na mga mangingisda. Ayon sa ulat, ipinakita ng video mula sa Chinese TV station na CCTV mula sa Reuters, ang crewmen ng CCG na nagdaraos ng emergency drills sa Scarborough Shoal o Panatag Shoal. Bahagi ng drill na subukan ang kahandaan ng CCG sa isang simulated rescue sa isang tao mula sa tubig. Inilabas ang footage bago ang itinakdang iskedyul na civilian mission…

Read More

165 CHINESE MULA SA BAMBAN POGO, TINAPON PABALIK SA CHINA

UMABOT sa 165 na Chinese nationals ang ipina-deport mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, ang 165 Chinese nationals na ipina-deport ay kabilang sa mga inaresto ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) noong Marso sa Bamban, Tarlac. Ayon sa ulat ng PAOCC, ang mga naaresto ay pawang mga sangkot sa scamming activities. Bukod dito, lumabag din sila sa Philippine immigration laws nang hindi sila nakapagpakita ng anomang travel documents, pagiging overstaying, at undesirable aliens. Nabatid na kabuuang 167 dayuhan ang nakatakda sanang…

Read More

KUMASA SA KAGAWAD, HOLDAPER PATAY

QUEZON – Patay ang isa sa dalawang holdaper na nanloob sa bahay na tinutuluyan ng limang negosyanteng Muslim sa bulubunduking lugar ng Sitio Pulo, Brgy. Bukal Norte, sa bayan ng Candelaria sa lalawigan, nang makipagbarilan sa nagrespondeng isang kagawad ng barangay noong Lunes ng madaling araw. Ayon sa report ng Candelaria Police, ang napatay na suspek ay nagngangalang “Aldrim”, habang nasugatan at naaresto ang kasama nito na si alyas “Rommel”, 21, residente ng Brgy. Bawi, Padre Garcia, Batangas. Sugatan din ang nakabarilang isang barangay kagawad na si Ricardo Escamo, nilalapatan…

Read More

LOTTO OUTLET OWNER PATAY SA HOLDAPER

CAVITE – Patay ang isang lalaki na may-ari ng isang lotto outlet nang pagbabarilin matapos holdapin sa kanyang sasakyan sa Imus City noong Martes ng umaga. Isinugod sa De La Salle University Hospital ang biktimang si alyas “Anthony” subalit idineklarang dead on arrival dahil sa tama ng bala sa katawan. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek na armado ng ‘di nabatid na kalibre ng baril. Ayon ulat, galing ang biktima at live-in partner nito sa kanilang lotto outlet at naglalakad patungo sa kanilang nakaparadang sasakyan na isang Toyota Hilux…

Read More