Gustong pabanguhin Marcos admin PROPAGANDA NI GADON SABLAY

(BERNARD TAGUINOD) PARA kay IBON Foundation Executive Dir. Sonny Africa, ang pahayag ni anti-poverty czar Larry Gadon na haka-haka ang kahirapan sa Pilipinas ay isang propaganda upang mapabango ang administrasyon sa publiko lalo na’t papalapit na ang midterm elections. Aniya, matibay na basehan ang pahayag ni Gadon upang sibakin siya sa pwesto lalo na’t pinamumunuan niya ang opisina na tumututok sa poverty reduction. Hinamon naman ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na sibakin si Gadon dahil sa pagiging insensitive at anti-poor. Hindi matanggap ni…

Read More

Nadale sa ‘di pagsunod sa utos? ZUBIRI ‘DI PINIGILAN PDEA LEAKS PROBE KAYA PINATALSIK

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) “I failed to follow instructions from the powers that be.” Ito ang tinuran ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri kung bakit siya pinatalsik bilang lider ng Senado kahapon. Sa panayam, inamin ni Zubiri na masakit sa kanyang loob ang pangyayari at tinukoy na posibleng ang kanyang hindi pagsunod sa utos ang mitsa ng ‘change of leadership’ ng Senado. Si Senate Majority Leader Joel Villanueva ang nagkumpirma na magkakaroon ng pagbabago sa liderato ng Senado, dalawang araw bago magtapos ang second regular session ng 19th Congress…

Read More

No show sa gentleman’s deal hearing ‘DUTERTE BOYS’ IWAS-PUSOY

DUDA ang isang kongresista na umiwas ang ilang matataas na opisyal ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdinig ng Kamara sa umano’y gentleman’s agreement sa West Philippine Sea (WPS) dahil sa kabiguan nilang magsidalo. Kahapon ay sinimulan ng House special committee na pinamumunuan ni Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales II at defense and security committee na pinangunahan ni Iloilo Rep. Raul Tupas ang pagdinig ngunit nadismaya sina Zambales Rep. Jefferson Khonghun at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel dahil sa hindi pagdating ng mga ‘actor” umano sa nakaraang administrasyon. “Nakakaramdam po…

Read More

NOGRALES PABOR SA REINTEGRATION PROGRAM SA EX-REBELS

PINURI ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles ang ginawang hakbang ng gobyerno na magbigay ng mga oportunidad sa trabaho sa dating mga rebelde na nagbabalik sa kani-kanilang mga komunidad. “The livelihood and employment programs extended by the government to former rebels is important so that they could be productive members of the community,” ani Nograles, chairman ng House of Representatives’ Labor and Employment Committee. Sinabi ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kamakailan, nasa 10,000 dating mga rebelde ang nagbenepisyo mula sa Department of Labor…

Read More

TINGOG NANGUNA SA RPMD PERFORMANCE SURVEY

NANGUNA ang Tingog Party-list na pinamumunuan nina Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre sa performance survey na isinagawa ng RP-Mission and Development (RPMD) Foundation. Nagpasalamat si Acidre sa patuloy na pagkilala sa mga ginagawa ng Tingog Party-list upang mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino, lalo na ang mahihirap. “We are deeply honored and humbled by this acknowledgment, which underscores our unwavering commitment to serving the Filipino people with dedication and excellence,” ani Acidre. Iniugnay ni Acidre ang tagumpay ng Tingog sa sama-samang hakbang ng mga opisyal at supporter…

Read More

1K PAMILYA SA BUKIDNON TUMANGGAP NG BIGAS, CASH

NASA 1,000 indigent families at mga magsasaka ang pinagkalooban ng bigas at tulong pinansyal sa isinagawang oath-taking ceremony at launching ng Rice Distribution program ng Act Agri-Kaagapay Organization sa Bukidnon noong Sabado. Ang distribusyon ng bigas at financial assistance ay pinangunahan nina Act Agri-Kaagapay founder at president Virginia Ledesma Rodriguez at Valencia City, Bukidnon, Mayor Azucena Huervas upang makalikha ng programa na magbibigay sa mahihirap at vulnerable families ng saku-sakong bigas at cash na magagamit nila sa pagsisimula ng pagkukunan ng kabuhayan. Ang aktibidad ay dinaluhan din ng political leaders…

Read More

PINOY CANDIDATES ‘DI NA NAKAPOPORMA

DPA ni BERNARD TAGUINOD PINAGLARUAN sa social media si Bamban, Tarlac Mayor Alice Leal Guo na nasa gitna ngayon ng matinding kontrobersya, na kahit ang international media tulad ng British Broadcasting Corporation ay naging headline siya. Paanong hindi paglalaruan eh walang naniniwala na hindi niya maalala ang lugar kung saan siya ipinanganak, saan siya tumira, wala siyang medical at school record at kapag tinanong siya ay “Hindi ko po maalala” ang isasagot. Tayong lahat, alam natin kung saan tayo nag-aral at hanggang sa pagtanda ay siguradong hindi mo makalilimutan kung…

Read More

MAY AASAHAN PA BA TAYONG BABA-PRESYO NG MGA BILIHIN?

PUNA ni JOEL O. AMONGO TATLONG buwan na lang mula ngayong Mayo bago sumapit ang ‘ber months’ ngunit hindi pa rin bumababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin. Pagkatapos ng Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto ay papasok na ang unang buwan ng ber months na Setyembre 2024, ngunit tila malabo nang makatikim ang mga Pilipino ng kaginhawaan sa murang presyo ng mga bilihin. Hindi pa man nakahihinga ang mamamayan sa sobrang mahal ng presyo ng pangunahing mga bilihin, tila ang kanilang aasahan ay mas mataas pa na presyo ng mga bilihin…

Read More

MAG-INGAT SA SCAMMERS

At Your Service Ni Ka Francis PAGDATING ng gadgets sa Pilipinas na may kasamang internet, kasabay nito ang kaliwa’t kanang pagkalat ng scams o scammers. Iba’t ibang klaseng scam na ang ginagawa at tinawag na scammers ang nag-aabang ng kanilang mabibiktima. Tulad halimbawa ang scammers na nagpapanggap na mga empleyado sila ng Bureau of Customs, na gagamit ng pangalan na nakabase sa opisinang ito. Gamit ang kanilang cellphone at laptop, maghahanap sila ng kanilang mabibiktima at magpapakilala na isa siyang empleyado ng Customs at sasabihin sa kanyang kausap na may…

Read More