MERALCO TULUY-TULOY ANG PAGPAPABUTI NG SERBISYO NG KURYENTE SA MARIKINA

Mas pinaigting pa ng Manila Electric Company (Meralco) ang maintenance at upgrading ng mga pasilidad nito sa lungsod ng Marikina para lalo pang mapabuti ang serbisyo ng kuryente sa lugar. Kamakailan lamang ay pinalitan ng Meralco ang dalawang 10 kilovolt-amperes (kVA) transformer ng 50 kVA sa kahabaan ng Tangerine Street sa SSS Village, Concepcion II sa Marikina para lalo pang matiyak ang paghahatid ng ligtas, maaasahan, at tuluy-tuloy na serbisyo ng kuryente sa mga customer. “Tuluy-tuloy lamang ang aming mga crew sa Meralco sa pagkukumpuni ng aming mga pasilidad para…

Read More

KAHIRAPAN PABOR SA MGA POLITIKO

DPA ni BERNARD TAGUINOD ILANG kembot na lang ay maghahain na ng kanilang certificate of candidacy (COC) ang mga politiko para sila ay makatakbo sa 2025 election kaya panay na ang ikot ngayon ng mga ito para magparamdam sa mga botante. Pero hindi ang maagang pagpaparamdam ng mga politiko lalo na ang mga traditional politician (trapo), ang dahilan kung bakit sila nananalo kundi dahil marami sa mga Filipino ay walang pinag-aralan at nakabaon sa kahirapan. Sa ibang bansa tulad ng South Korea at Singapore, mataas ang bilang ng mamamayan nila…

Read More

MGA KATANUNGAN KAY MAYOR GUO NG BAMBAN, TARLAC

PUNA ni JOEL O. AMONGO MARAMING nagtatanong sa PUNA kung matatanggal daw ba sa pagka-alkalde si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Ito ay dahil sa kinahaharap na kontrobersiya ni Mayor Guo. Nagsimulang uminit ang pangalan ni Mayor Guo nang magsagawa ng pagsalakay ang mga awtoridad sa isang opisina ng POGO sa Bamban, Tarlac. Pinaghihinalaan na may kinalaman si Mayor Guo sa pagkakaroon ng POGO sa lugar na sinalakay kamakailan ng mga awtoridad, dahil sa kanyang pagiging Chinese. Hindi rin malinaw ang mga sagot ni Mayor Guo sa mga pagtatanong sa…

Read More

KAHIRAPAN SA TAG-ULAN

At Your Service Ni Ka Francis ILANG araw na lang ay matatapos na ang tag-init at magsisimula na ang unang buwan ng tag-ulan na Hunyo. Ayon sa weather bureau PAGASA, ang mga buwan ng tag-ulan (rainy season) sa Pilipinas ay kinabibilangan ng Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre, Oktubre, at Nobyembre. Samantala, ang tag-init ay ang mga buwan ng Disyembre, Enero, Pebrero, Marso, Abril at Mayo. Sa mga buwan ng tag-ulan ay mahina ang negosyo kaya sa panahon na ito ay taghirap ang buhay ng mga tao. Bakit kamo? Dahil sa matinding pagbaha…

Read More

TUMATAAS KASO NG HIV SA PILIPINAS

EDITORIAL NAKAAALARMA ang tumataas na kaso ng HIV sa Pilipinas. Ayon kay DOH chief Teodoro Herbosa, may average na 55 indibidwal ang nasusuring may HIV sa bansa kada araw, at mas nakatatakot aniya na maraming kabataan – ang pinakabata ay 15 anyos- ay nasuring may HIV. Hindi na nakamamatay ang HIV dahil sa antiretroviral drugs (ARVs) na tumutulong na maging normal ang buhay ng may HIV, ngunit ang menor de edad na positibo sa impeksyon ay kailangang may pahintulot ng magulang para makakuha ng ARVs. Ang human immunodeficiency virus (HIV)…

Read More

8 NASAGIP SA LUMUBOG NA BARGE SA QUEZON

QUEZON – Walong tripul1ante ng lumubog na sea vessel ang nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa bayan ng Mauban sa lalawigan sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Aghon noong Linggo. Ayon sa report ng PCG Mauban Sub-station, naka-angkla sa Mauban Port sa Brgy. Daungan ang barge na M-tug ASC Mighty na pag-aari ng Asian Shipping Corp. nang hambalusin ito ng malalaking alon dakong ala-1:00 ng hapon. Unti-unting lumubog ang barge habang agad namang nagresponde ang mga tauhan ng PCG at nasagip ang walong tripulante na sakay nito.…

Read More

MURDER-SUICIDE SA SEMENTERYO

QUEZON – Patay ang isang land developer habang sugatan ang babaeng anak nito matapos barilin ng live-in partner ng una sa loob ng kanilang bahay na nakatayo sa pag-aari nilang sementeryo sa bayan ng Gumaca, Linggo ng madaling araw. Kinilala ang napatay na biktimang si Raynaldo Alberto, 57-anyos, may-ari ng Elas Land Development Inc., at residente ng Elas Memorial Park sa Brgy. Butaguin, Gumaca, Quezon. Habang sugatan ang anak nito na si Tina Mikaela Alberto, 28-anyos. Ayon sa report ng Gumaca Police, dakong ala-1:55 ng madaling araw nang magkaroon ng…

Read More

8 PULIS SINIBAK SA ILLEGAL RAID SA LUCENA CITY

WALONG intelligence personnel ng Lucena City Police ang inaresto at sinibak sa puwesto matapos ang umano’y ilegal na pagpasok, pagtutok ng baril, at pangha-harass sa isang residente ng isang barangay noong madaling araw ng Biyernes. Nagsampa ng kasong paglabag sa domicile, grave threats, at unjust vexation ang 52-anyos na babaeng residente ng Purok Masagana, Barangay Ransohan, Lucena City laban sa walong police intelligence operatives na kinilalang sina PCapt. Aaron Agbaya Herrera, PSMS Richie Ledesma Yuayan, PSSg. Henry Mascariña Mago, PCpl. Rainier Reyes Zaballa, PCpl. Allan Daluz Abdon, PCpl. Wilson Peñaverde…

Read More

10 PAMILYA NASUNUGAN SA MALATE, 2 SUGATAN

UMABOT sa 10 pamilya ang nawalan ng tirahan nang lamunin ng apoy ang ilang kabahayan at isang chapel sa Leon Guinto Street, Malate, Manila nitong Lunes ng madaling araw. Base sa ulat ni Fire Sr. Supt. Christine Cula ng District Fire Marshal ng Bureau of Fire Protection (BFP), pawang gawa sa light materials ang mga bahay na nilamon ng apoy sa Barangay 692 sa panulukan ng P. Quirino Avenue at Leon Guinto Street sa Malate, Manila. Nagsimula ang sunog sa isang bahay sa gitna ng nasabing residential area. Nabatid na…

Read More