SUSPENSION ORDER VS MAYOR GUO PINABABAWI SA OMB

NAGHAIN ng dalawang urgent motion sa Office of the Ombudsman si Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na humihiling na bawiin ang ipinataw na 6 month preventive suspension laban sa kanya. Sa Urgent Motion for Reconsideration at Urgent Motion to Lift Preventive Suspension, iginiit ni Guo na wala siyang kasalanan at hindi makatwiran ang ipinataw na preventive suspension na nag-ugat lamang sa kanyang pagganap ng tungkulin bilang alkalde. “The suspension should be lifted on the ground that grave errors of facts or law or serious irregularities have been committed. The complaint…

Read More

BIOMETRICS IPINAALALA SA SENIORS SA MAYNILA

HINIMOK ni Mayor Honey Lacuna ang lahat ng senior citizens na makipagtulungan sa kani-kanilang barangay para ma-update ang kanilang biometrics. Nanawagan din si Lacuna sa lahat ng opisyal ng 896 barangay sa Maynila na tulungan ang pamahalaang lokal sa pagpapakalat ng impormasyon na kailangan sa biometrics ng senior citizens. Sumulat na ang Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni Fernan Bermejo sa Manila Barangay Bureau upang ipakalat ang schedule ng nasabing proseso sa mga barangay. Mula rito ay iimpormahan naman ng mga opisyal ng barangay ang mga residente sa…

Read More

P6 PAGBABA SA PRESYO NG BIGAS INAASAHAN SA SUSUNOD NA LINGGO – SPEAKER ROMUALDEZ

DAHIL sa pagbabawas ng taripa sa mga imported rice, inaasahan na bababa na rin ang presyo ng bigas hanggang P6 sa mga darating na linggo. Ito ang napag-usapan sa pulong na ipinatawag ni House Speaker Martin Romualdez sa Makati na dinaluhan ng mga opisyal ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Bureau of Customs, at mga kinatawan ng SM Grocery Chain at Puregold. Ayon kay Romualdez, “We are hoping na mararamdaman natin ang epekto ng pagbaba ng presyo ng bigas dahil sa pagbawas sa taripa sa…

Read More

4 PULIS NA SANGKOT SA KIDNAPPING, MASISIBAK SA SERBISYO

AGAD pinasimulan ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang kanilang imbestigasyon laban sa apat na pulis na inakusahang sangkot sa pagdukot sa apat na mga banyaga sa Pasay City. Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Brigido Dulay, nag-umpisa na ang kanilang pre-charge investigation na unang hakbang sa paghahain ng kasong administratibo laban sa mga pulis na sinasabing pangunahing suspek sa pagdukot sa tatlong Chinese at isang Malaysian national. Sinasabing oras na makakalap ng kinakailangang mga ebidensya, agad na magrerekomenda ang PNP-IAS ng dismissal o pagsibak sa serbisyo laban sa…

Read More

P9-B DROGA WINASAK NG PDEA

UMABOT sa P9,102,467,185 halaga ng ilegal na droga ang winasak ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency kahapon sa Integrated Waste Management, Inc. (IWMI) sa Trece Martires City sa lalawigan ng Cavite. Ayon sa PDEA, kabilang sa sinira ang 2,435,619 gramo ng dangerous drugs na ebidensyang nakalap mula sa iba’t ibang anti-drug operation ng PDEA, Philippine National Police (PNP), NBI, at iba pang counterpart law enforcement and military units, na hindi na kailangan sa korte. “The pieces of drug evidence were destroyed through thermal decomposition or thermolysis. Exposed to…

Read More

3 PATAY SA KIDLAT SA BULACAN

PATAY ang tatlo katao kabilang ang dalawang bata matapos tamaan ng kidlat habang naglalaro sa palayan sa Barangay Inaon, Pulilan, Bulacan noong Miyerkoles, Hunyo 5. Kinilala ng Pulilan police ang mga biktima na sina Rexter Enriquez, 16; Roxane Enriquez, 12, at April Almorade, 11, pawang taga Sitio Tangos ng nasabing lugar. Ayon kay Pulilan Police chief LtCol Jerome Jay Ragonton, nangyari ang insidente dakong alas-3 ng hapon habang nakikipaglaro ang mga biktima sa iba pang bata sa gitna ng bukirin. Sinabi ng ilang saksi na naglalaro ang mga biktima sa…

Read More

6 PATAY SA NASUNOG NA FISHING BOAT SA CEBU

KINUMPIRMA ng Philippine Coast Guard- Cebu na anim na crew ang namatay sa nasunog na fishing boat noong Miyerkoles ng gabi sa karagatang sakop ng Naga City, sa Southern Cebu. Sa pahayag ni Captain Jerome Lozada ng PCG Cebu, namatay ang anim na crew ng FBCA King Bryan na nasunog dakong alas-8: 25 ng gabi. Lima namang crew ang na-rescue at nilalapatan ng lunas sa ospital dahil sa paso at iba pang mga pinsala. Isa sa mga ito ang nasa kritikal pang kalagayan. Unang iniulat noong Miyerkoles ng gabi na…

Read More

Kinuwestyon ng netizens APPOINTMENT NI IMELDA PAPIN BAYAD-UTANG?

ITINUTURING ng mga netizen na isa na namang bayad-utang ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Imelda Papin, tinaguriang Asia’s Sentimental Songstress, bilang acting member ng Board of Directors ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Si Papin ay nanumpa sa kanyang tungkulin sa harap ni Pangulong Marcos, noong Martes, Hunyo 4. Noong Abril nang umugong ang balita na itatalagang chairperson ng PCSO si Papin. Matatandaang ilan sa malalaking donors sa kampanya ni Marcos ang naitalaga rin sa pwesto tulad ni Melquiades A. Robles, na ngayon ay PCSO chief; Antonio…

Read More

PAGLABAG NG CHINA SA INT’L HUMANITARIAN LAW PINAREREPASO

HINIMOK ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang Department of Foreign Affairs (DFA) na pag-aralan ang posibleng paglabag ng China sa International Humanitarian Law kasunod ng pinakahuling harassment sa Ayungin Shoal. Sinabi ni Tolentino na malinaw sa video footage ng insidente ang pang-aagaw ng food supplies para sa tropa ng pamahalaan. Iginiit ng senador na hindi lamang dapat diplomatic protests ang tinututukan ngayon ng DFA kundi kailangan ding pag-aralan ang mga paglabag sa International Humanitarian Law. Kahit wala anyang direktang conflict, maaari pa ring paglabag sa batas ang starvation o…

Read More