VP SARA NANINDIGAN LABAN SA ‘PAMUMULITIKA’ NG KAMARA

PINANINDIGAN ni Vice President Sara Duterte na pulitika ang nasa likod ng patuloy na pagdinig ng Kamara ukol sa paggamit ng pondo ng kanyang tanggapan. “The hearings in the House of the Representatives are politically motivated,” saad ni Vice President Sara Duterte sa isang press conference kamakailan. Ayon kay VP Sara, nagsimula ang lahat ng pag-atake sa kanya partikular sa kanyang confidential funds nang magkita noong nakaraang taon ang mga miyembro ng Makabayan Bloc at si House Speaker Martin Romualdez. Dahil dito aniya ay nagkaroon ng pagdinig ang House committee…

Read More

BITAY SA PLUNDER AT DROGA — EX-ES RODRIGUEZ

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MULING nanawagan si dating executive secretary Atty. Vic Rodriguez sa sambayanang Pilipino na samahan siya sa kanyang kampanyang war on corruption. Sa isa sa mga public forum ng Hakbang ng Maisug sa Dumaguete City kamakailan, binanggit ng unang executive secretary ng administrasyong Marcos na isusulong niya ang pagbabalik ng death penalty para sa kasong plunder at drug trafficking sakaling palarin siyang makapasok sa Senado sa 2025 midterm elections. “Sakaling ako ay pahiramin ninyo ng inyong tiwala’t mandato na maging tinig ng 𝐓𝐔𝐍𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐎𝐏𝐎𝐒𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐬𝐚 𝐒𝐄𝐍𝐀𝐃𝐎,…

Read More

OPTICAL MEDIA BOARD PANAHON NANG BUWAGIN

KUNG si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang masusunod, mas nais niyang buwagin na ang Optical Media Board dahil wala na anya itong silbi. Sa deliberasyon sa panukalang budget ng OMB, sinabi ni Estrada na inihain na niya ang Senate Bill 1904 upang buwagin na ang ahensya kasabay ng pagtiyak na walang madidisplace na mga empleyado. Kinatigan naman ng sponsor ng budget na si Senador Mark Villar ang paggiit ni Estrada na panahon nang reviewhin ang mandato ng OMB sa gitna ng makabagong teknolohiya at wala nang mga piniratang…

Read More

DRUG TRADE NANANATILI SA BILIBID SA MARCOS ADMIN

(CHRISTIAN DALE) AMINADO si Interior and Local Government Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla Jr. na mayroon pa ring drug trade na nagmumula mismo sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City. Kaya naman, nakatutok aniya ang kampanya ng administrasyong Marcos sa supply side at bulto ng ilegal na droga mula sa nasabing piitan “This time we are going heavy on the supply side,” ang sinabi ni Remulla sa press briefing sa Malakanyang. “Number one source (of the) drug trade is apparently still inside Muntinlupa jail,” ang sinabi pa rin ni…

Read More

LABOR FORECASTING SUPORTADO NI NOGRALES

(JOEL O. AMONGO) SUPORTADO ni House of Representatives labor and employment committee chair at Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles ang panawagan ng gobyerno para pagbutihin ang pagtaya sa paggawa (labor forecasting) sa pamamagitan ng isang Labor Market Information System (LMIS) “An LMIS would help us address gaps and challenges such as skills mismatch, shortages, labor force needs, among others and would be useful for our learning institutions as they craft their training curriculums,” ani Nograles. Inayunan din ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) at pahayag ni Nograles at…

Read More

CORDILLERA REGION MAY PINAKAMARAMING CLASS SUSPENSION

NAKAPAGTALA ng kabuuang 35 class disruption o suspension ang Cordillera Administrative Region (CAR) ayon sa Department of Education (DepEd) dulot ng sunod-sunod na mga kalamidad at natural disaster ngayong taon. Ito ang inihayag ni DepEd Secretary Sonny Angara sa isang pagtitipon kasama ang National Management Committee (ManComm) na isinagawa sa Tacloban City, Leyte. Layunin nang nasabing pagtitipon na pag-aralan kung ano ang gagawing mga pagkilos ng ahensya upang matugunan at masapatan ang nawalang mga pagkakataon sa pag-aaral ng mga estudyante. Sinabi pa ni Angara na ang iba pang lubhang apektado…

Read More

DIGONG ‘DI NAKAPAGMURA SA KAMARA

UPANG patunayan na hindi umano naduduwag ang Kamara, partikular na ang Quad Committee, kay dating pangulong Rodrigo Duterte, itinuloy ng mga ito ang ika-11 imbestigasyon kahapon sa extra-judicial killings (EJK). Kapansin-pansin na hindi nagmura si dating pangulong Rodrigo Duterte taliwas noong humarap ito sa hiwalay na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon committee sa kahalintulad na usapin. Sa panayam kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, lead chair ng nasabing komite, bago nagsimula ang pagdinig, nagpasya ang mga ito na ituloy ang imbestigasyon na una nilang kinansela dahil sa impormasyon…

Read More

PULSO NG PINOY MATATAG KAY PBBM, PAGTINGIN KAY VP SARA NAGBAGO – RPMD

NAGPAPAKITA ang ‘Boses ng Bayan’ survey para sa ikatlong kwarter ng RPMD Foundation Inc. (RPMD) ng matibay at tuloy-tuloy na suporta para kay Pres. Bongbong Marcos Jr., na may 76% na ‘trust rating’ at 74% ‘approval rating’. Bagaman bahagyang bumaba ng 1% ang ratings, binigyang-diin ni Dr. Paul Martinez na ang mga pagbabagong ito ay nasa loob ng margin of error, at sinabi niyang, “This stability signifies that Filipinos retain the same ‘heartbeat’ for the President’s leadership as seen in the previous quarters results.” Ang survey ay nagpapakita ng kumpiyansa…

Read More

ANAK NG MAGSASAKANG REPORTER NA UPLB CUM LAUDE PASADO SA NUTRITIONIST- DIETITIAN BOARD

MALUGOD na nagpapasalamat sa Panginoon ang Magsasakang Reporter dahil sa pagkakapasa sa PRC Board Examination ng kanyang anak na si Kyla Merynne Rose S. Layson. Si Kyla ay graduate at Cum Laude ng UP Los Banos sa kursong Bachelor of Science in Nutrition. Panganay siya sa tatlong anak ng Magsasakang Reporter na si Mer Layson at ni Mary Ann, na isa ring mamamahayag. Dati ring A-1 child ng buong Nueva Ecija si Kyla noong siya ay nasa day care pa lamang. Nag-Top 8 naman siya nang magtapos ng Junior High…

Read More