2025 BUDGET ITINUTURING NA PRESIDENTIAL ‘SUPER PORK’

(BERNARD TAGUINOD)

TULAD ng 2024 national budget, magiging presidential super pork ang pambansang pondo sa susunod na taon.

Ito ang alegasyon ng Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso habang naghahanda ang mga ito sa pagbusisi sa 2025 national budget na nagkakahalaga ng P6.352 trillion.

Sa press conference kahapon ng nasabing grupo, mula 2022 ay nagsimulang lumobo ang unprogrammed appropriations (UA) at habang tumatagal aniya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay palaki ito nang palaki.

Ayon sa mambabatas, noong 2022, umabot sa P251.6 billion ang UA sa inaprubahang General Appropriations Act bagama’t sa National Expenditure Program (NEP) na isinumite sa Malacañang ay P151.6 billion lamang.

Noong 2023, P588.1 billion ang UA sa NEP subalit naging P807.1 billion na ito sa 2023 GAA habang ngayong 2024 ay pinalobo ito ng P731.4 billion sa GAA gayung P281.9 billion lamang ang nasa NEP.

“So nakikita nyo palaki na siya nang palaki. Eto ay bagong modus ng presidential and congressional pork,” ayon kay Brosas na inaasahang mauulit aniya sa 2025 national budget dahil maraming proyekto ang nakapaloob sa UA.

Sinabi naman ni ACT party-list Rep. France Castro na nagkakaroon ng ‘bawas-dagdag-habol” sa inaaprubahang pambansang pondo na siyang bagong modus ng Malacañang sa tulong ng Kongreso.

“Ito ang tinatawag nating bawas-dagdag-habol modus,” ani Castro.

Inihalimbawa ng mambabatas, ang ibinawas na halos P259 billion na unang nakalaan sa salaries and other compensation adjustment; pension and gratuity fund at national health insurance program na ibinawas sa P4.0198 trillion na programmed appropriation sa ilalim ng 2024 national budget kung saan idinagdag sa UA.

Gayunpaman, singitan umano ng P193 billion ang programmed funds para sa multipurpose building, flood mitigation; access road and bridges, drainage system at kaya lumaki sa P731.4 billion ang UA ang ihinabol dito ang mahigit P300 billlion.

284

Related posts

Leave a Comment