DAPAT pangalanan at kailangang parusahan ang mga nag-iimbak ng mga bigas, ito ay makaraang madiskubre ang nakaimbak na mga bigas sa isang warehouse sa Bocaue, Bulacan. Ayon kay KMP Chairperson Danilo Ramos, ang natuklasang nakaimbak na bigas ay panibagong kaso ng hoarding at panloloko sa publiko. Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapan ni National Bureau of Investigation Director Jaime Santiago, daan-daang toneladang lumang imported na bigas ang nadiskubre sa nasabing warehouse. Napag-alamang pinaghalo-halo ang iba’t ibang varieties, at gumamit ng artipisyal na pabango upang palabasin ito bilang Class-A na…
Read MoreDay: February 13, 2025
WAREHOUSE SA BOCAUE SINALAKAY SA HOARDING NG BIGAS
BOCAUE, Bulacan — Sa pagsalakay sa Isang warehouse sa Isang barangay sa bayan ng Bocaue, nadiskubre ng mga agent ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nakaimbak na lumang bigas na ibinebenta umano bilang premium-grade rice. Ayon sa inisyal na ulat, ang saku-sakong mga bigas ay sinasabing nakaimbak sa warehouse may Dalawang taon na’ng nakalipas, kasama na ang kagamitang panghalo ng iba’t ibang variety ng bigas at gayun din ang artipisyal na pampabango upang lumitaw na high-quality rice ang mga ito. “Pinaghalu-halo nila iyong variety ng bigas, tapos lalagyan ng…
Read MorePBBM, NAGPASARING SA ILANG KALABAN SA PULITIKA
LAOAG CITY, ILOCOS NORTE – – – HINIMOK ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang publiko na kumpletuhin sa kanilang balota sa May 9 elections ang 12 senatoriables ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas. Sa kickoff rally ng Alyansa sa Laoag City, Ilocos Norte, ipinagmamalaki ni Marcos na walang sinuman sa kanilang mga kandidato ang nasangkot sa war on drugs, katiwalian noong pandemic at pagsuporta sa China laban sa West Philippine Sea. Ipinagmalaki ni Marcos na tanging Alyansa lamang ang may kumpletong kandidato para sa senatorial elections hindi anya katulad…
Read MoreCLICK UMARANGKADA SA CALABARZON
PINASALAMATAN ng nangungunang technology group na Click Party-list ang kanilang mga tagasuporta sa patuloy na pagtitiwala na nagdala sa kanila para mapabilang sa mga nangungunang pagpipilian ng mga botante, partikular sa Calabarzon. Ipinahayag ni I-click ang No. 34 first nominee at digital lawyer Atty. Nicasio “Nick” Conti na ang paglago ng kamalayan at suporta ay nagmumula sa iisang hangarin ng bawat Pilipino, na magkaroon ng mas mabilis at mas magandang koneksyon para sa pinabuting edukasyon, komunikasyon at serbisyo publiko. “Nagpapasalamat kami sa patuloy na lumalaki at mainit na suporta. Lumang…
Read More5 PATAY SA MATINDING BAHA SA PALAWAN
(JESSE KABEL RUIZ) LIMA katao ang iniulat na nasawi sanhi ng malawakang pagbaha sa bayan ng Aborlan sa lalawigan ng Palawan dulot nang walang tigil na pag-ulan dala ng nararanasang epekto ng shear line. Ayon sa inisyal na ulat ng local disaster response team, narekober ang katawan ng limang namatay matapos matangay ng baha sa Aborlan noong gabi ng Linggo, Pebrero 9. Samantala, isang bata ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard Rescue team mula sa insidente. Sa kasalukuyan, unti-unti nang humuhupa ang baha sa 24 barangay na…
Read More200 PAMILYA APEKTADO NG SUNOG SA CALOOCAN
NASA 200 pamilya ang nawalan ng tahanan at ari-arian makaraang tupukin ng apoy sa Caloocan City, Miyerkoles ng madaling araw. Dakong alas dos ng madaling araw nang magising ang mga residente ng Kawal Purok 5, Barangay 28 dahil sa biglaang paglaki ng apoy na agad kumalat at tumupok sa mga kabahayan na karamihan ay gawa sa light materials. Tumagal ng mahigit apat na oras ang sunog bago ganap na naapula. Bagamat naging mabilis ang pagresponde ng mga bumbero ay nahirapan ang mga ito na pasukin ang nasabing lugar dulot ng…
Read MoreAMERIKANO BUMULUSOK MULA SA 8TH FLOOR NG CONDO
PATAY ang isang American national matapos umanong mahulog mula sa ika-walong palapag ng isang condominium sa Valenzuela City. Kaagad nalagutan ng hininga ang biktimang si alyas “Robert” 59, sanhi ng matinding pinsala sa ulo at katawan matapos bumagsak sa lobby ng naturang condo. Lumabas sa imbestigasyon ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente, Lunes ng alas-9:40 ng umaga sa Tower A Condominium, Isabelle de Valenzuela, Brgy. Marulas. Batay sa pahayag sa pulisya ng 52-anyos na lady guard ng condominium na si alyas “Anita”, laking gulat na lang niya nang bumagsak…
Read MoreATTY. RODRIGUEZ WALANG TALO – FPRRD
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NAGPAKITA ng kanyang buong suporta si dating pangulong Rodrigo Duterte sa kandidatura ni Atty. Vic Rodriguez sa Senado ngayong May 2025 midterm elections. Sa isa sa mga aktibidad ng Hakbang ng Maisug, itinaas ng dating pangulo ang kamay ni Rodriguez, ang unang executive secretary ng Marcos administration. Ani Duterte si Rodriguez ay walang talo, matalino, mabait, at honest. Kamakalawa, nagdaos ng thanksgiving mass ang mga tagasuporta ni Rodriguez sa Quezon City bilang panimula sa kanyang kampanya. Ngayong araw naman ang proclamation rally ng Partido Demokratiko Pilipino…
Read More‘Pag bago na ang mga nakaupo KAMARA MAHIHIRAPAN SA IMPEACHMENT VS VP SARA
INIHAYAG ng dating associate justice ng Korte Suprema na kung magbabago ang nakaupong mga kongresista sa House of Representatives, ay maaaring mahirapan na dinggin ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte, matapos ang 2025 midterm elections. Ipinaliwanag ni dating SC Associate Justice Adolp Azcuna sa “Kapihan sa Manila Bay”, dapat kung sino ang mga naghain ng impeachment complaint ay sila ang mangunguna sa pagsusulong nito, alinsunod sa nakasaad sa konstitusyon. Ayon kay Justice Azcuna, ngayon pa lamang ay dapat umpisahan na ang pagdinig dahil hindi maaaring maghain ng…
Read More