UMANGAT na sa ikalabing-apat na pwesto ang ‘Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Party-list batay sa isinagawang survey ng isang market research company para sa 2025-Pre Election Preferential Survey. Ayon sa resulta ng survey na isinagawa ng Tangere, nakakuha ng 1.68 percent ang Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Party-list na nilahukan ng may 2,400 mobile based respondents na may 196 porsyentong margin of error at 95 porsyentong confidence level gamit ang Stratified Sampling Quote. Isinagawa ang survey mula Pebrero 11-14 ng taong kasalukuyan. Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) party-list na kumakatawan…
Read MoreDay: February 23, 2025
FPJ PANDAY BAYANIHAN NANUYO SA BATANGAS
ITINAAS ni Sen. Grace Poe ang kamay ng mga nominado ng FPJ Panday Bayanihan party-list sa pangunguna ng anak na si Brian Poe, kasama sina Mark Patron at Hiyas Dolor na ikalawa at ikatlong nominee, ayon sa pagkakasunod matapos ang kanilang motorcade sa proclamation rally na dinaluhan ng halos 15,000 katao sa Lemery, Batangas kamakailan. Si Dr. Brian ay panganay na anak ni Senator Poe at apo ng yumaong batikang action star na si Fernando Poe Jr., tinaguriang Hari ng Pelikulang Pilipino. Itinatag ni Brian noong 2013 ang FPJ Panday…
Read MoreLIVE-IN PARTNERS PATAY SA MURDER-SUICIDE
BATANGAS – Patay ang isang 29-anyos na babae makaraang pagsasaksakin ng kanyang 35-anyos na live-in partner na nagsaksak din sa sarili at nagbigti sa kanilang bahay sa Lipa City noong Sabado ng gabi. Ayon sa report ng Lipa City Police, kapwa wala nang buhay nang idating sa ospital ang mga biktimang sina Crizelle Hernandez at Joel Ajito. Lumabas sa imbestigasyon at batay sa pahayag ng mga nakarinig sa kaguluhan, nangyari ang insidente bandang alas-8:00 ng gabi sa kuwarto ng bahay ng magka-live-in sa Brgy. San Jose, Lipa City. Nagkaroon umano…
Read MoreSK CHAIRMAN, 2 PA PATAY SA SALPUKAN NG 2 MOTORSIKLO
RIZAL – Idineklarang dead on arrival sa ospital si Patrick Abuyan San Miguel, SK chairman ng Barangay San Gabriel sa bayan ng Teresa, matapos makabanggaan ang isa ring motorsiklo na ikinamatay rin ng dalawa pang biktima, sa kahabaan ng National Road sa Sitio Libis, Brgy. CCL sa bayan ng Morong, dakong alas-12 ng madaling araw noong Pebrero 22. Kinilala ni PCol. Felipe Maraggun, provincial director ng Rizal Police Provincial Office, ang dalawa pang biktima na sina Marquis Evan Macarulay at King Cyrus Capuz, habang nakaligtas naman si Domingo Rigunay. Ayon…
Read MoreKopya ng enrolled bill hiningi ng SC GAA NI MARCOS NAMUMURO
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) HININGI ng Korte Suprema sa Malacañang at dalawang Kapulungan ng Kongreso ang orihinal na kopya ng kinukwestyong 2025 General Appropriations Act (GAA) kasama ang corresponding enrolled bill nito. Sa utos ng SC, binigyan nito ng hanggang Pebrero 24, 2025 ang Palasyo, Senado at Kongreso para magpasa ng kopya ng GAA upang masimulan ang preliminary conference ng korte na itinakda sa Pebrero 28. Matatandaang nagsampa si dating executive secretary Vic Rodriguez kasama si Davao City Rep. Isidro Ungab at 6 na iba pa, ng petisyon sa Korte…
Read MoreHIGH-CAPACITY MASS TRANSIT NAKIKITANG SOLUSYON SA PAGSISIKIP NG TRAPIKO
KUMBINSIDO si Transportation Secretary Vivencio “Vince” Dizon na ang prayoridad ng pamahalaan na i-develop ang high-capacity mass transit systems—gaya ng Metro Manila Subway ay North-South Commuter Railway—ay solusyon para sa traffic congestion sa Kalakhang Maynila at kalapit lalawigan. “The ultimate solution to traffic is really mass transit… high-capacity mass transit,” ayon kay Dizon sabay sabing “[Pag may] high capacity [mass transit], hindi na kailangan mag kotse. Kasi ang kotse, dalawa lang o apat ang kasya. [Kapag] high capacity, daan-daan ang kasya doon.” Ibinahagi naman ni Dizon ang naging kautusan ni…
Read MoreMGA MAMBABATAS NAGPASALAMAT SA POSTPONEMENT NG ELEKSYON SA BARMM
Ni Tracy Cabrera KAMARA, Lungsod Quezon — Pinagbunyi ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan para pasalamatan si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa paglagda ng batas na umurong sa petsang ng parliamentary elections in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) mula Mayo 12 sa Oktubre 13 ng taong kasalukuyan. Ayon kay Lanao del Sur District I representative Ziaur-Rahman ‘Zia’ Alonto Adiong, matitiyak sa desisyon ni Pangulong Marcos Jr. na i-postpone ang nasabing halalan na makapagtakda ng mga safeguard para sa BARMM elections habang nagbibigay din ng paghahanda para…
Read MoreCHIZ SA PROSEC AT DEFENSE PANEL SA IMPEACHMENT: TIYAKING HANDA KAYO!
PINAYUHAN ni Senate President Francis Chiz Escudero ang prosecutor at defense panels sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte na pag-aralang mabuti ang kanilang kaso at tiyaking handa sila sa pagsisimula ng trial. Sinabi ni Escudero na sa halip na mag-aksaya ng panahon ang magkabilang panig sa iba’t ibang isyu, dapat pagtuunan nila ng pansin ang paghahanda sa kanilang mga isusumiteng pleadings sa impeachment court. Babala ng senate leader na sa sandaling magsimula na ang impeachment trial ay hindi nila ikukonsidera ang anumang hiling na palawigin ang mga…
Read MoreCOCO MARTIN: SUPORTAHAN FPJ PANDAY BAYANIHAN
PANGASINAN – Inendorso ng aktor na si Coco Martin ang FPJ Panday Bayanihan party-list sa darating na midterm elections. Kasama ng Batang Quiapo star si Sen. Grace Poe at ang mga nominado ng grupo na pinangungunahan ni Brian Poe na nag-motorcade sa bayan ng Calasiao, Dagupan, Sto. Tomas, Basista at San Carlos. “Tinuturing ko na pong pamilya ang mga Poe. Ang aking Ate Grace ay isa sa mga taong hinahangaan ko pagdating sa serbisyo publiko. Ngayon naman, ang kanyang anak na si Brian Poe ang magpapatuloy nito,” ani Martin sa…
Read More