DPA ni BERNARD TAGUINOD NAGSIMULA kahapon, June 30 ng tanghali ang trabaho ng halal na mga opisyales ng pamahalaan mula konsehal ng bayan at siyudad, vice mayor, mayor, provincial board members, vice governor, governor, congressman at 12 senador. Manunungkulan ang mga ito ng tatlong taon mula kahapon o hanggang sa tanghali ng June 30, 2028 at sa panahong iyon, may bago na tayong Pangulo ng Pilipinas na papalit kay Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sana magtrabaho ang mga ito para sa bayan at hindi para sa kanilang sarili at kaalyadong politiko…
Read MoreDay: June 30, 2025
PAGTATAKIP NG BI SA KASO NI ALICE GUO BUTATA SA KORTE
BISTADOR ni RUDY SIM TILA sampal kay Bureau of Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang inilabas na desisyon ni Manila RTC Branch 34 Judge Liwliwa Hidalgo-Bucu na kinatigan ng korte ang quo warranto petition na inihain ng Office of the Solicitor General, hindi lamang sa legalidad ng pagiging opisyal ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kundi sa kontrobersiyal na katauhan nito kung siya ay tunay na Pilipino. Noong October 4 ng nakaraang taon, nauna nang nagsagawa ng pagdinig ang BI-Board of Special Inquiry at iniharap sa media ang kapatid…
Read MoreSAKIT SA ULO NI PBBM
PUNA ni JOEL O. AMONGO SA gitna ng mga usap-usapang papalitan ni Dave Gomez si Jay Ruiz bilang pinuno ng Presidential Communications Office (PCO), isang tanong ang dapat itanong ng sambayanan: Ito ba’y hakbang pasulong, o batong ipupukpok sa sariling ulo ng Malacañang? Kung totoo ang balitang si Gomez—isang matagal nang tagapagsalita at opisyal ng higanteng kompanyang Philip Morris/PMFTC, ay itatalaga sa isang sensitibong posisyon ng gobyerno, tiyak na papalag ang health advocates. Hindi simpleng usapin ito ng karanasan o husay sa komunikasyon. Ang isyu rito ay interes at ang…
Read MoreNAGUGUTOM NA PINOY DUMAMI
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS MABUTI na lang nagpatupad ng ceasefire sa giyera sa pagitan ng Israel at Iran, kung hindi ay baka lalo pang dumami ang mga kababayan natin na walang makakain sa susunod na mga linggo. Hindi lingid sa atin kaalaman na kapag nagkakaroon ng sigalot ang ilang mga bansa riyan sa Middle East ay agad tumataas ang presyo ng mga produktong petrolyo, kasunod naman niyan ang pagsirit naman ng presyo ng mga bilihin. Lahat kasi ay ginagamitan ng mga produktong petrolyo, kaya pag tumaas ang presyo…
Read MoreBalanseng foreign policy dapat NO TO WAR, DEATH, DESTRUCTION – ATTY. RODRIGUEZ
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) KINALAMPAG ni Atty. Vic Rodriguez ang administrasyong Marcos na magkaroon ng balanseng foreign policy sa gitna ng nangyaring sigalot sa Gitnang Silangan. Ani Rodriguez, hindi dapat magpagamit ang Marcos admin sa isang bansa at ilagay sa kompromiso ang mga Pilipino. Sa kanyang Facebook page noong isang linggo, nag-post ang dating executive secretary ng: “Ngayon higit kailanman ay dapat masusing pag-isipan ng Marcos administration na balansehin ang ating foreign policy. Huwag bulag na magpagamit at kumiling sa interes ng banyagang alyado at lubusang isuko at ikompromiso ang…
Read MoreOFWs MALILIBRE NA SA PHILHEALTH PREMIUM
HINDI na pagbabayarin ng kanilang kontribusyon o premium sa Philippine Health Insurance Corp., (PhilHealth) ang milyong overseas Filipino workers (OFWs) kapag naisabatas ang isang panukalang batas na inihain sa unang araw ng 20th Congress. Sa ilalim ng House Bill (HB) No. 2 na inakda ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, kasama ang anak na si Tingog party-list Rep. Andrew Julian Romualdez at Rep. Jude Acidre, aamyendahan ang Republic Act (RA) 11223 o “Universal Health Care Act” para hindi na singilin o pagbayarin ng premium ang OFWs. Hindi lamang ang mga…
Read MoreVP SARA INIMBITA SA CAMP CRAME
WELCOME bumisita si Vice President Sara Duterte sa Camp Crame para makita ang mga modernong kagamitan ng pambansang pulisya. Inihayag ito kahapon ni PNP Chief PGen Nicolas Torre III. Layunin ng hepe ng Pambansang Pulisya na ipakita kay Duterte, ang kanilang paggamit ng modern technology sa police operations. Matatandaan na binatikos ni Duterte ang pinaigting na police visibility ng PNP na anya ay “outdated” na ang pulis sa kanto strategy. Iginiit naman ni Torre na mayroon silang mga makabagong drone, CCTV, body cameras at iba pang mga kagamitan. Marami rin…
Read MoreBOYING TATAWID SA OMBUDSMAN
KINUMPIRMA ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang kanyang interes para sa Ombudsman post. Aniya’y magsusumite pa lamang siya ng aplikasyon sa Judicial and Bar Council (JBC) sa darating o bago ang Biyernes. Marami aniya siyang maihahain o maitutulong sa Ombudsman sakaling siya ang makaupo sa pwesto. “I think that I have a lot to offer there,” ani Remulla. Ito’y sa kabila ng reklamo sa kanya sa Ombudsman na inihain ni Senator Imee Marcos kamakailan at ilan pang matataas na opisyal. Kaya’t nang matanong kung may ‘conflict’ ito,…
Read MorePAGSIPA NG ANTAS NG GUTOM SA PH NAKABABAHALA
(DANG SAMSON-GARCIA) AMINADO si Senador Sherwin Gatchalian na nakababahala pa rin ang resulta ng pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagpapakita ng bahagyang pagtaas ng insidente ng pagkagutom sa bansa. Ayon kay Gatchalian, kahit bahagya lamang ang itinaas ng datos, ito pa rin ay nangangahulugang maraming pamilyang Pilipino ang nakararanas ng food insecurity o kawalan ng sapat na pagkain. Ipinaliwanag ng senador na ang bawat porsyento ng pagtaas sa gutom ay katumbas ng libu-libong pamilyang hindi nakakakain ng sapat na dapat tingnan bilang panawagan para sa mas agresibong…
Read More