KINUMPIRMA ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang kanyang interes para sa Ombudsman post.
Aniya’y magsusumite pa lamang siya ng aplikasyon sa Judicial and Bar Council (JBC) sa darating o bago ang Biyernes.
Marami aniya siyang maihahain o maitutulong sa Ombudsman sakaling siya ang makaupo sa pwesto.
“I think that I have a lot to offer there,” ani Remulla.
Ito’y sa kabila ng reklamo sa kanya sa Ombudsman na inihain ni Senator Imee Marcos kamakailan at ilan pang matataas na opisyal.
Kaya’t nang matanong kung may ‘conflict’ ito, kanyang binigyang-diin na ang JBC ay may kakayanan naman na ma-evaluate ito.
“Okay lang iyon, the JBC can always evaluate on it properly,” dagdag pa ng kalihim.
Dahil dito, kanyang inihayag ang mariing paniniwala na walang ‘conflict’ sa kanyang pagsusumite ng aplikasyon sa JBS para sa posisyon sa Ombudsman.
(JULIET PACOT)
